Chapter 21

34 4 0
                                    

Secretary...again?

"Hoy hala, 'bat tayo nandito? Akala ko may meeting ka?" Natatarantang tanong ko kay Jared, bigla ba naman kasi akong hilain papasok sa isang restaurant.

"Meron nga, may meeting ako dito"

Sapo sa noo nalang ang ginawa ko. Pinag-titinginan na kami ng mga tao dahil sa ingay ko kaya itinikom ko nalang ang bunganga ko. Pagpasok pa lang namin ay rinig na rinig na ang jazz music na lalong nagpapaganda sa paligid. Naupo kami sa pinakagilid, malapit sa glass wall ng resto. It has a soothing aura and 90's vibes.

"Bakit ang tagal ng ka-meeting mo?" Naiiritang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya na siyang dahilan para tumaas ang kilay ko. "who is the boss here? Ako diba? Manahimik ka diyan"

I shrugged. "Okay, sabi mo po sir eh"

Lumapit ang waiter sa amin pero sabi ng kasama ko ay hihintayin niya pa daw ang ka-meeting niya. I was busy scrolling on my Facebook when a man and a girl with short hair came. At first I didn't care but when I heard the man's voice made me feel pale. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napagtanto kong siya nga 'yun. His gaze makes me shiver so I looked away. So kasama niya pala ang girlfriend–fiancé niya? So what! Para namang may pake ako sa kanila, kahit maglandian pa sila.I just rolled my eyes because I was annoyed. Jared, on the other hand, gave me an apologetic smile. I faked a smile.

Sana pala hindi nalang ako sumama.

Iiling-iling akong naglalakad kasama si Jared, kanina pa siya tawa nang tawa dahil sa nangyari kanina. Ang awkward sobra, kaya naman puro pagsipa ang ginawa ko sakanya nang hindi nakatingin ang dalawa tapos tatawa lang siya.

"Kailangan talaga naming mag-meeting ni Iñigo pero hindi ko naman alam na sasama si Clarice" natatawang sabi niya.

"Anong pakealam ko kay Clarice? Bahala sila do'n!" Pairap kong saad.

Pasalampak akong umupo sa passenger seat. Kapag tumitingin ako kay Iñigo parang nahihiya ako. I didn't show him for 3 years, tapos sa isang iglap ay magkikita nalang kami bigla. But when our eyes met, I sensed how hurt and angry he is. He looked at me like I did something wrong. Just what I've said to him. Kasalanan mo rin Natasha, ang tanga mo!

"Ahm, please set me an appointment with Iñigo. This coming wednesday sana. Masyadong maikli ang oras kanina, I didn't tell him my plan about the project."

I nodded. Kinuha ko agad ang iPad ko at nag-email sa new secretary ni Iñigo para mag-set ng appointment.

Hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang pakiramdam ko, I don't know if it's because of the weather or what. Bigla nalang sumakit ang ulo ko at biglang nawala sa mood. Well, sa Ibang ka-meeting ni Jared okay lang naman ako pero ngayon parang hindi. Sabagay siya naman ang boss dito at hindi ako kaya wala akong magawa.

Nang makarating sa Lee's Corp ay bumaba na kami ni Jared. Ang iba ay binabati siya habang ang iba naman ay wala lang pakealam. Mabuti na nga lang at pumayag siyang isang linggo lang ako dito. Gusto ko lang kasi siyang tulungan.

"Natasha, paki-print nga ito. Also, please call Mr. Enrile's secretary."

Kinuha ko agad ang mga papeles at dumiretso palabas ng printing room. Bawat dinadaanan kong employado ay binabati ako dahilan para gumaan ang loob ko. They treated me as their boss, I don't know why. I'm glad that they're respecting me as Jared's secretary.

Habang busy sa pagpi-print ay may lumapit sa aking babae, mukhang intern pa lang siya. Ngumiti siya sa akin at hinihintay din ang pini-print niya.

"Hello po!!" Kumaway siya sa akin. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya.

"Hello rin!" tipid kong sagot. I felt awkward, I don't know what to say next. I'm friendly but I don't talk too much lalo na kapag kakakilala ko palang.

"You're Mr. Lee's secretary po diba?" Inosente niyang tanong. Nagtataka naman ako kung bakit hindi niya alam. Tipid akong tumango sa kanya. "Ang ganda mo po!"

"T-Thank you.."

"May itatanong lang po ako," Lumapit siya sa akin para magkaharap kami. She has a very innocent face and she is beautiful too. Her hair is in a bun and her makeup suits her. I nodded at her again. "Do you have a relationship with Sir Jared?" Napadalawang tingin ako sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha–nakangiti.

Umiling ako, "We're friends. Nothing else." Pinal at nakangiti kong sagot.

Lalo pa siyang napangiti nang marinig ang sagot ko. Niyakap niya ako bagay na ikinagulat ko. Siya rin ang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Bye po!!" Iniwan niya ako sa printing room habang ako naman ay naghihintay pa rin. Dami kasi! HIndi ko namalayang tapos na pala ang pina-print ko. Kinuha ko ito at nagpaalam na sa babae.

Nakakunot ng noo ko habang pabalik sa office, kumatok muna ako bago pumasok. Nagulat pa ako nang makita ko ang babae kanina. Saan dumaan 'to? Kumaway siya sa akin.

"Hello po ulit!"

"Saan ka dumaan? Nagteleport ka ba?" Natatawa kong tanong.

Natatawa rin siyang umiling sa akin. "Hindi po. Elevator po ang gamit ko." Tumango nalang ako at inilagay ang mga prinint ko sa lamesa ng lalaki. Nakangiti si Jared sa akin kaya naman nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Tumama ulit ang tingin ko kay Jared at tumango naman siya.

Napasinghap ako. "Omg...don't tell me siya ang girlfriend mo?"

He smirked. "Her name is Athena...and yeah, she's my girlfriend." Napatingin ako sa babae at tumango rin siya akin. Halos hindi ako makapaniwala. Ang bait bait ng babaeng 'to tapos napunta sa kanya? Parang lugi naman si Athena.

Hinila ko ang kamay ng babae. "Tara sa eo."

"Anong eo! Siya kaya nahumaling sa akin. Hindi mo na kailangang dalhin sa eo 'yan!"

Binitawan ko naman ang babae at hinawakan ang kanyang balikat. "Pwede ka pang mag back out kunt want mo. Ito talaga?" Tinuro ko si Jared. Tumango siya at mahinang tumawa nang makita ang reaksyon ko. "Hindi ka ba lugi sa kanya?" She bit her lower lips to suppress her laughter. "Okay sige, congrats sainyo. Taga sana all nalang talaga ako." Pagbibiro ko. 

Na-agaw naman ng atensyon ko ang pag-ubo ni Jared. "Bakit kasi i-iniwan mo." Sabi niya sa pagitan ng pag-ubo niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, ngumiti naman ako sa babaeng katabi niya bago umalis. Nakakaurat. I'm happy for them. When will I be happy again? Kung sasaya man ako, hanggang kailan? 

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now