Chapter 7

63 11 1
                                    

Manila


Alas tres palang ng Umaga ngunit gising na gising na ang diwa ko. Ngayong araw ang balik namin sa Manila. Hindi rin ako nakatulog sa sinabi ni Iñigo, anong gusto niyang sabihin?? Nakakairita. Bumaba na ako para maghain ng pagkain pero si papa na pala ang nagluto.

"Good morning da, aga mo pong magising huh?" Panunukso ko, minsan kasi ay tanghali na siya nagigising

Humarap siya sa akin. "Maaga naman akong nagigising ikaw lang talaga yung pinaka-maaga" Tumawa siya. "Sige na tawagin mo na sila para makakain na sila." masayang saad niya.

Bumalik ako sa taas para tawagin sila ate. Mama just came home from the hospital and she'll come with us to Manila because there's no one to watch over ivan and so that we could take care of her as well. Nagalit pa nga siya kasi hindi naman daw siya baldado pero kung umasta kami ay parang ganon siya.

"Ate!! Bumaba na kayo para makapag-almusal na tayo" Saad ko nang makapunta ako sa kwarto nila.

Bumukas naman ito at nakita ko si ateng nagpupuyos pa ng mata dahil kakagising lang. Iniwan ko na siya at bumalik sa kwarto ko para gisingin si Iñigo. Sa sofa parin siya natulog kagabi, pinaglatag ko nga pero komportable naman daw siya. My eyes went to his eyes, his thick eyebrows, his sharp nose and his soft lips for a few minutes ... Hahawakan ko na sana ang labi niya pero hinila niya yung kamay ko kaya parang nakayakap ako sa kanya.

Nagpumigilas ako sa pagyapos niya. "A-Ano ba!! Bumangon ka na diyan, Kakain na!" Iritadong Saad ko. He still didn't get up so I pinched his arm.

"ARAY!! BAKIT KA NANAKIT" malakas na sigaw niya pero hindi siya galit.

I laughed "kakain na tayo kaya bumangon ka na."

Tumayo naman siya at inayos ang hinigaan. "Dapat nauna ka nang kumain doon. Susunod nalang ako." Saad niya.

"Yung rule kasi sa bahay na 'to ay sabay sabay kumain. Mapa-Almusal, Tanghalian o hapunan man yan. Kaya dapat sabay tayong kakain kaya bilisan mo.


****

Kakatapos lang namin kumain at ngayon ay nagiimpake na kami. Kagabi pa ako nakapag pack ng mga gamit, konti lang ang dinala ko kasi meron naman din ako sa apartment ni ate. Si Iñigo naman ay inaayos ang mga gamit niya.

"Maliligo muna ako pagkatapos ko ay sumunod ka." Sabi ko kay iñigo

Ambang tatayo na siya kaya napahaluhakipkip ako. "Sa'n Punta mo aber??"

"Sabay nalang tayo maligo" parang nagsipuntahan naman sa ulo ko lahat ng dugo ko.

"ANO? Baliw ka ba? Lumabas ka dito at baka masaksak kita." Pasigaw kong Saad.

"Saksakin mo nalang ako ng pagmamahal" pahabol niya bago tuluyang umalis. Tsk, siraulo talaga.

Nang makaligo na ako ay sumunod naman si Iñigo. Bumaba na ako para salubungin ang pagdating ni kuya Franz. Nakita ko ka agad siya kasama ang anak niya kaya tumakbo ako pababa.

"KUYAAA!! Ay wala kang pasalubong?" Bungad ko sa kanya. Pinitik naman niya ang ulo ko.

"Ang tanda mo na Natasha pero pasalubong parin ang hanap mo." Masungit na Saad niya. 

"Pasalubong lang napakadamot mo" Inirapan ko nalang siya at pumunta ulit sa taas. Right after I opened the door, Iñigo also came out from Cr.

"S-Sorry" I quickly closed the door and slapped my own forehead. So embarrassing. Alam mo naman kasing may tao sa loob. Hindi ka kumakatok. Akyat-baba tuloy ako.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now