Chapter 20

34 5 0
                                    

Back

"It's good to be back!" Agad kong siniko si Cheryl.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Arte mo, isang araw ka lang naman sa Isabela! Nagsama ka pa ng pulubi!"

"Hoy pulubi who? Pinuntahan kita doon kasi I need secretary!" Biglang singit ni Jared. Natatawa akong umiling sa kanya.

"Talaga naman ah? Pulubi ka! Nanghihingi ng sekretarya amputa! Tara na, Libre mo muna ako or doon muna ako sa apartment mo. Mayaman ka naman eh." nang-uuto kong sabi. Napabuntong-hininga naman siya at tinanggap ang pagkatalo.

Nauna na si Cheryl sa school dahil may meeting kuno sila doon. Lagi nalang meeting. Habang kami naman ni Jared ay tinatahak ang daan patungo sa apartment niyang ni minsan hindi pa niya natitirahan. Regalo daw sa kanya 'yun ng papa niya, tinaggap niya naman pero hindi siya doon tumira. Sanaol nalang may apartment. Medyo malayo ito kumpara sa apartment ni ate pero kaya rin namang lakarin. Aabutin ka lang nang isang taon. Emz.

Nang makarating ay halos lumuwa ang mga mata ko. Gray at white ang kulay nito. May nga naka-design din sa pader na mga painting at collection niya ng Marvel at Starwars. Malinis din ang Sala at parang kasinungalingan ang hindi niya pagtuloy dito.

Humalakipkip siya. "Are you good in here? May kwarto dito at doon," Itinuro niya ang magkaharap na pinto sa kanan. "Ang comfort room naman ay nasa kaliwa. May cr din both rooms pero maliit lang. Ang kitchen naman ay nasa kaliwa rin. May mga gamit na rin doon pero walang pagkain. We better go to grocery store today to buy some foods. Ikaw nalang din ang maglinis dito. Don't worry, hindi naman ako pumupunta dito so do what you want." Pigil-hininga niyang sabi.

"Thank you, pati ba pang-grocery ay Libre mo?" pagbibiro ko pa. "Sige sabi ko nga sa'kin nalang. Ako kasi nagpumilit eh. Okay–"

"Fine, fine. good for 1 week na ang bibilhin natin. After we go to grocery store, we need to go to my company. May kukunin lang ako." Tumango naman ako. Sandali pa siyang nag-stay doon at sinabi sa akin ang mga pwede kong galawin. do what you want na nga sabi niya kanina eh, sarap sapakin.

Inayos ko ka-agad ang mga gamit ko at naligo na rin. Pagkatapos maligo ay agad akong humilata sa kama at nagpatianod sa antok.

Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Napatingin ako sa labas at nakita kong madilim-dilim na ang kalangitan. Naglakad ako papalapit sa pinto at Kukusot-kusot ang matang binuksan ito. Si Jared ang bumungad sa akin at tila nagpipigil ng tawa. Kumunot ang noo ko, tumikhim naman siya.

"Good evening, bagong gising? Mukha nga. Maghilamos ka kaya muna! Paki-bilisan lang kasi mag-go-grocery pa tayo." Pumasok siya sa loob at naupo sa sofa, binuksan niya rin ang TV at kinain ang dalang chitchirya . "Want some?" Iniabot niya ang kinakain sa akin. Sumenyas lang ako ng ayaw ko gamit ang kamay.

"Wait for me here, magbibihis na 'ko tapos aalis na tayo." paos kong sabi at dumiretso muli sa kwarto para mag-ayos. Mabilis akong natapos kaya mabilis din kaming naka-alis, mabuti na nga lang at hindi traffic dahil ilang minuto pa lang ay nasa mall na agad kami.

Naglakad-lakad muna kami bago pumunta sa market. Marami siyang binili gaya ng noodles, food in can at mga gamit sa banyo. Kung kanina ay ang kapal ng mukha kong mag-palibre sa kanya ay parang nakokonsensya na ako ngayon.

"Salamat, babayaran nalang kita. May konsensya pa naman ako." Sabi ko nang makarating kami sa counter. Ang cart namin ay halos mapuno na dahil may binili din siya para sa sarili niya.

Tumango siya, "Kapag may pera ka na." Ngumisi siya, nang-aasar.

"May pera ako, gusto mo bayaran na kita ngayon eh."

Inilahad niya ang kamay niya at nang-aasar pa ring nakatingin sa akin. Inis kong kinuha ang wallet ko at kumuha ng pera sabay binigay sa kanya. Iwinasiwas niya pa ito at binigay sa cashier. Nakangiti naman ang cashier sa amin, tila nanunukso. Tusukin ko kaya 'to?

"Ang sweet niyo po, mag-jowa ba–"

"Hindi." Sabay naming sabi.

"Hindi ko gustong mamatay nang maaga kaya hindi ko magugustuhan 'yan," Itinuro ako ni Jared. "Besides, I like someone else." Inirapan niya ako at naunang maglakad. Nabuang! Sino kaya hmmm...

Hinabol ko si Jared na ngunguna pa rin sa paglalakad. Bahagya pa akong natawa nang makita kung paano siya mahirapan sa bitbit niya. Ayaw niyang magpatulong. Tinapik ko siya sa balikat.

"Ako na magbibit-bit ng iba. Kawawa ka naman," pinilit kong abutin ang plastic bags pero iniwas niya ito. "Let me help you." Nakangiti kong sabi, marahas naman siyang umiling.

"Bukod sa gusto ko pang mabuhay. Hindi gugustuhin ni–hindi ko pala gugustuhin na pahirapan ka. May konsensya pa ako." Nangunguna nanaman siyang maglakad.

Muli na naman akong humagalpak sa tawa ngunit agad ding napawi nang makita ang pamilyar na tayo. Gustuhin ko mang ibahin ang daan ko pero magkakasalubong at magkakasalubong pa rin kami. Nakatingin din siya sa akin at walang bakas na emosyon sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at biglang ngumiti.

"Natasha! How are you? Long time no see." akma siyang bebeso sa akin pero napaigtad agad ako. "Oh come on! It's been years since we saw each other."

"Ma'am–" bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay nakita ko na si Jared. Lumapit siya sa akin at tumingin sa kaharap ko.

"Tita Cindy!" Niyakap niya ang babae. Cindy pala pangalan niya? Iiwas na 'ko sa mga letter C.

"Jared!" Niyakap niya pabalik ang mama ni Iñigo. "Why are you together?"

"We buy foods, tita. She's going to be secretary. Wala pa po kasi akong nakikitang deserving para sa position na 'yun." Napatango naman ang ginang, ibinalik niya ang tingin sa akin at inayos ang salamin. "Mauuna na po kami tita."

She nodded. "I see, it's nice to see you again Santiago. I hope this is not the last. Take care." kumaway siya sa amin at iniwan kami habang ako naman ay naka-awang ang bibig.

Naka-uwi na kami sa apartment at hindi pa tumitigil ang pagp-play sa utak ko ng nangyari kanina. Para siyang batikang aktres at para bang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan namin, parang hindi niya ako pinagsalitaan ng masasakit na salita noon. Sabagay 5 years na rin ang lumipas at nalimutan na niya ang ginawa niya sa akin. Galing niya naman. Ako nga parang kahapon lang ang nangyari eh. 

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now