Chapter 11

52 7 1
                                    

Break the deal

Kanina pa 'ko napapabuntong hininga at hindi mapakali sa upuan. Kanina pa ako kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Sana naman ay pumayag siya sa sasabihin ko. Maybe that's the reason for me to lose my job, especially when her mom found out, I don't want that to happen. Wala si Iñigo ngayon, siguro ay may pinag-usapan sila ni Jared dahil nung binigay ko yung cellphone sakanya, bigla siyang naglakad palabas.

As I was dumbfounded and thinking what to say, when the door suddenly opened. Iñigo looked so tired and not in a mood . Sana naman ay hindi ako dumagdag sa sakit niya sa ulo. Sandali pa 'kong tumingin sa kanya bago mag-iwas ng tingin. Hindi ko alam ang gagawin.

I faked a cough. "Can we talk? Hindi dito, kung pwede sa labas nalang or sa iba. Basta 'wag dito" tinignan niya muna ako bago bahagyang tumango.

Sabay kaming lumabas ng pinto pero mas binilisan niya ang lakad niya papuntang parking lot. Nakasandal siya doon at mukhang malalim ang iniisip. I'm starting to worry about him. what's his problem?.

"Tama na ba dito o lalayo pa tayo?" Sabi niya nang makalapit ako sa kanya. I looked around first if there were people. It was just the two of us so I nodded.

"About the deal..Alam ko namang pumayag ako sa deal na 'yun pero sa tingin ko okay na yun. I mean..natulungan naman kita pero tuloy na tuloy na yata yung kasal niyo ni Clarice. Hindi na natin kailangang magpanggap.." nag-iwas ako ng tingin. "H-Hindi naman kasi natin g-ginalingang magpanggap eh y-yan tuloy" kunwaring natatawang sabi ko. "Na-appreciate ko naman yung mga tulong mo sa akin..Babayaran ko nalang yun kapag nakasahod na 'ko. Pag-iipunan ko rin."

He seriously looked me and arched a brow. "No need, you don't need to pay me. Ako mismo ang napresinta so no need to worry about it." Pumasok siya sa sasakyan niya. "Sakay." Maotoridad niyang sambit. Wala na 'kong nagawa kung hindi sumakay at umupo sa tabi niya. Seryoso niyang binuksan ang makina at pinaandar ito. Mabilis ito kaya naman inayos ko ang seatbelt ko.

"Magdahan-dahan ka naman. Ayoko pang mamatay." narinig naman niya ang sinabi ko pero seryoso parin ang mukha niya. Napatingin ako sa labas ng bintana at sa tingin ko'y nakalayo na kami. kakaunti nalang ang mga kotseng nakakasabay namin. "Where are we going? We're not done talking!"

"Hmm? I thought we're done talking." he sarcastic said. Inihinto niya ang kotse sa tabi ng dagat? what are we doing here? "Now let me speak." Sabi niya bago lumabas.

I bit my lip steadily as I followed him. Hindi ko alam kung bakit dito niya napiling mag-usap kami. Kapag nagalit siya ilulunod ko nalang sarili ko. Maraming tao dito pero mas pinili niya ang pinaka-dulo kung saan kami lang at tanging hangin at alon lang ang namamayani. Sandali siyang tumingin sa akin bago huminto sa dalampasigan. Agad akong tumabi sa kanya. I put both my hands behind my back and simply played with my fingers.

"Why do we need to go here? Bigla bigla mo nalang akong pinasakay sa kotse mo tapos dadalhin mo 'ko dito..Hindi ka ba magsasalita? Uuwi na 'ko–"

Hinawakan niya ang pupulsuhan ko. "No, Hindi ka aalis! Let me speak first"

"Sige na, pakibilisan po sir" he glared at me. "Ano na po? magsalita ka na po sir" naiirita.

"First of all, walang kasalang magaganap. I don't want to be with that girl. Mas gugustuhin ko pang makulong kesa kasama ang babaeng yun. Next, you don't need to pay me. As I've said tulong ko yun sayo. SA.YO. And last but not the least..Sure, let's break this fucking deal" I was stunned because of the last sentence he said. He wants to break the deal!!

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Tsk! 'Yan lang pala sasabihin mo hindi mo nalang sinabi na 'let's break the deal' dami mo pang sinabi sa akin tapos yung sa kasal na yan ano bang paki-alam ko diyan—"

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now