Chapter 19

32 4 0
                                    

Bwisitors


Ilang taon na rin ang lumipas nang mag-resign ako sa trabaho. 'Yun nalang kasi ang tanging paraan para maka-iwas ako sa kanya. Awang-awa ako sa kanya nang huli kaming nagkita. Mugto ang mata at kapag nakikita ako ay nagpipilit siya ng ngiti saka magba-balak na pumunta sa akin pero umaalis ako bigla. Hindi na tinanong nila mama ang dahilan kung bakit nawala ako sa trabaho, wala rin naman akong maisasagot sa kanila dahil wala rin akong imik.

Na pag-desisyunan ko ring sumama kila papa pauwi. Mabuti nalang at may alam ako sa business dahil ako na ngayon ang nag-mamanage ng planta. Maayos naman ang takbo nito. Marami ring nag-invest sa amin na investors dahilan para mas lumaki pa ito. Ang mga nagtitinda ng mga prutas at gulay ay sa amin na kumukuha.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. "Natasha!! Omg sis! It's nice to see you again, wait..kailan ka pa dito ha? Hindi ka man lang nag-text or nag-call sa akin. I hate you na—" tinakpan ko ang bunganga ni Cheryl dahil mas malakas pa siya sa pinapatugtog ko.

"Hindi ka na ba talaga magbabago? Like 'yan na 'yan? Sure ka na 'te? Mahiya ka naman sa mic, Oo. Mas malakas pa ang boses mo eh." Nang-iinsulto kong sabi. Ang labi niya ay ngumuso at tinignan ako nang masama.

Umirap siya. "Did you missed me?" Umiling ako. "Ha! Dapat pala ay hindi na 'ko pumunta dito kung ganon. Lakas lakas pa ng energy ko kanina tapos iinsultuhin mo lang ako dito." Nakanguso niya paring sabi.

"Sino ba kasing may sabi na pumunta ka dito? Hindi ko na nga pinaalam sayo eh." Biro ko.

"Gusto ko kasing sumagap ng balita 'te, hindi ka na nagpaparamdam sa akin at!" Umikot-ikot siya sa akin na parang tanga. "Nang pumunta ako sa opisina mo ay! Wala ka doon...anong nangyari ha!?"

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng opisina ko. "Nothing, pwede ka nang umalis. May gagawin pa 'ko." Nginuso ko ang pinto.

"You don't like me here? Well I guess you don't." labag sa loob siyang lumabas pero nanatili ang tingin niya sa akin. "Let's hang-out. See you at 8:30 pm. See yah latah!" Nang-aasar niyang sabi saka umalis. Hindi ko na nagawang magprotesta dahil wala naman akong gagawin mamaya. Kaunti lang ang ginawa ko pero pagod na pagod ang katawan at sumasakit ang ulo ko.

"Masama ang ma-stress..."

"Hoyy! What are you doing here Jared?! Ay hala!" Tumayo ako para yakapin siya pero nang nag-sink in sa utak ko ang ginawa ko ay agad akong bumitiw sa kanya.

"Crush na crush mo talaga ako eh." Biro niya pero masamang tingin ang iginawad ko sa kanya. "Joke lang ano! Is that how you welcome me?" Sandali akong napatitig sa kanya at muling inalala ang huling sinabi niya.

Is that how you welcome me? Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang salitang 'yan, masakit parin. I wonder if I made the right decision but I guess it was right, because if not, I'm not here. Hindi niya rin magagampanan ang trabaho niya. We're both successful now. Successful naman siya from the start but mas lalo siyang nagtagumpay. I'm so proud of him.

He snapped his fingers. "Natulala. Hey, I know I'm handsome but you're making me uncomfortable with your stares!" Pagbibiro niya ulit. Joker huh?

Umirap ako. "Manahimik ka diyan. Hindi mo talaga sasagutin ang tanong ko? Why are you here?" Inilagay niya ang kanyang daliri sa baba niya na parang nag-iisip. "Umayos ka nga! Hindi ako nakikipagbiruan sayo ha!"

"Chill, Napasama lang ako sa kaibigan mo–"

Tinakpan ko ang bungaga ko dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. "Omg! Don't tell me na kayo na ah! Nakoooo! Kaibigan ko pa, tsk. Sabagay maganda 'yan. Alagaan mo ha!" Masayang sabi ko. Naka-kunot noo naman siyang tumingin sa akin.

Dealing With The BillionaireOn viuen les histories. Descobreix ara