Chapter 11

52 6 0
                                    

N/A: Sorry kung nadoble yung chapter 11. Chapter 10 talaga yun kaso hindi ko ma-edit. Intindihin niyo nalang thanks!! Enjoy reading^-^

++++++

Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung naging kami ni Iñigo, we're always good but when it comes to work, lagi kaming nakafocus kaya minsan lang kami makapag-usap sa office. Kasalukuyan akong nag-aayos para sa date namin..tommorow is our 3rd monthsarry. Nagce-celebrate naman kami pero sa office lang. Lagi kasing may mga meetings. Buti nalang at okay lang schedule niya ngayon kaya may time pa siya. This past few months kasi he's always busy.

"Ayos natin ah? Sa'n punta?" Sabi ni Ate habang tumataas-baba ang kilay. "May date kayo? Kapag 'yan si Iñigo sinaktan ka, hindi na 'yan aabutan ng araw." Pagbibiro pa niya.

"Ha.ha.ha. trip mo? Aalis ako kaya dun ka na" halatang nagulat siya sa tono ng pagsasalita ko kaya agad kong binawi yun. "Hala, ate sorry..Nagjo-joke lang ako" naka-peace sign kong sabi. Walang pasabi siyang umalis. Mukhang nagalit. Nagpa-reserve daw si Iñigo sa isang hotel, 3 days lang kami doon para hindi masagasaan yung mga schedules niya.

Nang marinig ang pagbusina niya ay lumabas na ako. "Ma, Ate aalis na po ako" nagmamadaling sabi ko. Nasa loob siya ng kotse pero nang makita niya ako ay lumabas siya.

"Good morning! you look, pretty today" Nakangiting sabi bago ibukas ang pinto. Nakasimangot akong tumango sa kaniya. "Why? May sinabi ba 'kong mali?" Natatawang dagdag niya.

"Good morning din..ngayon lang ako maganda? Hindi araw-araw? Ang sakit mo" inirapan ko siya at pabagsak na sumalampak sa upuan. "Excited na 'ko, ikaw?" Nakangiti lang kasi siya tapos maya-maya tatawa, para siyang baliw. "What happened to you? Tumatawa ka diyan? Nakakatawa ba ko ha?" Agad na nabago ang reaction niya.

"Hindi, walang nakakatawa at araw-araw kang maganda. Fasten your seatbelt baka mahulog ka pa sa iba" pigil ako napatawa sa biglaang banat niya.

I laughed. "Sa'n mo na naman nabasa 'yan? Ang corny mo ha..."

****

Nakarating na kami sa The Blooms, yung hotel na tutuluyan namin. 2 hours yata kaming bumayhe dahil ang layo peri sulit naman. Ang pinunta ko lang dito ay beach. I really, really love beaches and sunsets para kasing ang ganda ganda nilang tingnan kapag magkasama sila and it gives me comfort. This place feels heaven. Ang ganda ng view dito. Nasa suite na kami ngayon sobrang ganda at sobrang laki dito. This suite contains living room, kitchen, 2 bedrooms, and bathrooms with jacuzzi.

Habang nag-aayos ng gamit ay tumabi sa akin si Iñigo at nilapag ang pagkainsa gilid ko. "Food is ready, are you hungry? Let's eat before we take a walk."

"Swimming tayo tapos may mga rock formations daw dito eh, puntahan natin ah!" Sabi ko sabay nguya sa pagkain. Marami ring pumupunta sa rock formation kung hindi ako nagkakamali ang kaso matutulis ang mga bato kaya hindi pwedeng akyatan. Maganda daw doon kapag gabi kasi may pailaw, lalo na sa fountain nila.

Habang kumakain kami, my phone suddenly rang. Nagkatinginan kami ni Iñigo bago ko sagutin at lumabas sa veranda.

"Hello...Bakit che?" pagbati ko.

["Wala lang, yayayain sana kitang sumama sa amin. Yung mga kasama ko kasi may sinama ring iba"]

"Nasaan ka ba? Kasama ko kasi si Iñigo eh" pabulong na sabi ko.

["Alam mo ba yung The Blooms? Birthday kasi co-teacher ko kaya may pa-handa"]

So, nandito rin siya? Ang saya naman. "Nasa The Blooms kami, kita nalang tayo mamaya. Tell me if you're here na para masundo kita"

["Owemji! May kasama na 'ko, sige sige. Tatawagan kita. Bye"] masiglang sabi niya. Nitong mga nakaraan busy din si Cheryl kaya hindi kami masyadong nag-uusap. Ngayong araw ulit kami magkikita.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now