Chapter 2

83 13 1
                                    

First day

Umaga pa lang ay nandito na ako sa opisina.Ginagawa ang natitira kong gawain.Binabasa ko rin ito nang maigi para mas maayos.Sinabay ako ni Cheryl sa kotse niya kaya mabilis din akong nakapasok.Sabay daw kami mamaya dahil pupunta siya sa book store para bumili ng gagamitin niya sa demo niya.

Ang opisina ay glass kaya makikita mo ang iba pang building na katabi.Marami ding tao ang nasa baba at gumagawa ng kanya-kanya nilang trabaho.I sighed heavily,This is my view every morning starting today.Mas lalo akong narelax dahil sobrang lambot ng upuan dito.Wala pa si Mr.Enrile kaya wala pa akong masyadong ginagawa bukod sa mga papeles na nasa harap ko.

Bahagya akong nakarinig ng pagbukas ng pinto kaya napaupo agad ako sa upuan at hinintay kung sino ang papasok.Iniluwa nang pintuan ang isang maikling buhok,mapupungay na mata,matangkad at matipunong lalaki na sa tingin ko ay masungit.Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam ang gagawin.Tumayo nalang ako at nag bow sa kanya.

"Good morning po sir" i smiled at him but he just ignored me.

Ngumuso nalang ako at bumalik sa upuan ko.Grabe yung tibok ng puso ko ngayon,Alam kong hindi 'yon tungkol sa kaba dahil kakaiba ang nararamdaman ko pero hindi ako pwedeng magkagusto sa kakakilala ko palang.Umiling nalang ako at tinuloy ang ginagawa ko.

"Anong schedule ko for today?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa baritonong boses niya.

Tinignan ko agad ang folder ng mga schedule niya ngayon.Nanginginig pa ako dahil sa nerbyos.

"ahm..m-may meeting po kayo w-with Mr.Rafael mamayang 9:30 am" Shit why I am stuttering?? 

"Also you have meeting with Ms. Davids ngayong 7:30." he looked at his watch and then nodded. 

"Follow me" Ang lamig naman huhu giniginaw ako.

Naglakad agad ako papunta sa likod niya at nagsimulang sumunod sa kanya.Rinig na rinig ang tunog ng takong ko dahil sa paglalakad ko.Inayos ko muna suot ko at tinuloy ang paglalakad.

"'Yan lang ba ang mga meetings ngayon?" 

Chineck ko muna ang schedule niya before answering  "Yes po sir."

Pumasok kami sa isang meeting room at maraming tao ang naghihintay sa amin...Sa kanya pala hehe.Tumingin din ako sa paligid at nginitian sila isa isa.Nginitian din nila ako bilang sukli,grabe ang haba ng lamesa nila.Umupo si sir pero nakatayo lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Tumingin sa akin si sir.Iñigo nang masama at sinenyasan akong umupo.Nginitian ko siya ng alanganin at tumabi sa kanya.Nagpatuloy sa pagsasalita ang babae sa harapan,Nagsasalita rin si Mr.Enrile habang ako ay nakikinig lamang sa kanila at nagsusulat.

Nang matapos ang meeting nila ay lumabas na kami.Nahuli pa nga ako dahil naiwan ko yung cellphone ko sa loob.Akmang aalis na ako nang may lumapit at bumati sa akin.

"Hello,good morning!" Nakangiting saad ng lalaki. 

Binati ko rin siya pero mukhang ayaw niya akong paalisin,eh. 

"My name is Jared Lee,and you are?" Nakalahad ang kamay niya sa akin kaya nakipag-kamay ako dahil kung hindi ko ito papansinin ay magmukha ang bastos.

"H-hi,my name is Natasha Santiago.Nice meeting you Jared" I smiled at him

"Are you free later?" Umiling ako dahil marami akong ginagawa. 

"Ahm..no,madami akong ginagawa eh" saad ko at ngumiti

Binawi ko ka agad ang ngiti ko sa lalaki dahil may biglang nagsalita mula sa likuran ko.Matalim ang titig niya sa amin na animo'y may mali kaming ginagawa 

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now