Chapter 15

37 4 0
                                    

Alone

Kaka-alis lang ni Iñigo kagabi at parang nagbago ang lahat. Hindi naman siya magtatagal doon dahil dalawang araw lang daw silang magi-stay doon. Parang bago sakin ang nangyayari ngayon. Minsan lang naman kaming magkita dahil nasa work kami pero sapat na 'yon.

"Hi miss, Is Mr. Enrile's here?" Tanong ng lalaking sa tantiya ko ay kasing edad niya lang din. He's wearing a business attire.

Umiling ako. "He's not around here sir. He's in Hawaii for an important meeting"

He nodded. "Oh okay..i forgot that he's with Clarice." He murmured. Taka ko siyang tiningnan at tila hindi nagustuhan ang sinabi niya,

"With Clarice sir?" Pag-uulit ko

"Oh you didn't know. Yes he's with Clarice"

I was stunned. I didn't know that. Iñigo didn't tell me that he's with Clarice, well it's okay. Business naman ang usapan.

"He didn't tell me sir..." I said like it was nothing.

"Okay, can you set me an appointment with him? If he's here on Friday, pwedeng sa Friday nalang" masayang sabi niya.

I nodded. "Sure sir, nandito na rin po 'yun." I smiled. Tumango rin siya 'saka umalis.

I'm expecting Iñigo would text me but he wasn't. Pasado ala-una nang tanghali at ang dami kong ginawa, well not that much pero napagod pa rin ako. Mamayang five pm ay uuwi na rin ako para makapagpahinga. Sandali akong bumaba para bumili ng coffee, may malapit na Starbucks dito kaya doon nalang ako bumili. 'Pagkatapos ko ring bumili ng Caffè Americano ay pumunta ako sa canteen ng building para doon kumain.

Exactly two thirty ako natapos kumain kaya umakyat na 'ko para matapos ang gawain. Kailangan kong i-print ang mga documents na pinapagawa ni Iñigo at kailangan ko pang i-review.

"Hey secretary Natasha, busy ah!" Seryoso kong tinignan si Jared na ngayon ay malapad ang ngiti.

"What do you need sir?" Pormal kong tugon. Iiling-iling siyang nakangiti at nakatingin sa akin. 'Problema nito?' Ipinagpatuloy ko ang ginagawa para umalis na siya pero nagkakamali ako. Nakahalumbaba pa siyang nakatingin sa akin at naglapag ng kape sa gilid ko. "Anong gagawin ko dito?" Turo ko sa kape.

"Titigan mo, malamang inumin mo." pagalit niyang saad. Itinabi ko nalang ito at baka matapunan pa ang mga papel na prinint ko. "How's Iñigo?"

"Why are you asking me? You're friends with him right? Ask him." mapait kong sabi. Kanina pa kasi ako nagtatampo kay Iñigo dahil hindi pa niya 'ko tine-text.

"Sungit! Buti nalang..."

"Buti nalang what??"

"Nevermind. I need to go now!"

Nakauwi na 'ko lahat lahat ay wala paring text galing kay Iñigo. I know he's busy but hindi niya ba 'ko ma-text kahit isang minuto lang? And besides, he's with Clarice! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung inis ba o pag-aalala, ngayon lang siya naging ganito. Kahit naman nasa opisina kami ay nagte-text siya o 'di kaya tumatawag.

"Aga ah, kamusta? Kumain ka na do'n." bungad ni ate. Walang imik akong tumango at pumunta sa kusina. Naabutan ko pa si mama'ng tapos nang kumain.

Ngumiti siya. "Kumain ka na ba iha? May pagkain diyan."

"Kakain palang po"

Kumuha ako ng plato at naglagay ng kanin 'saka dumiretso sa lamesa. Wala akong ganang kumain kaya hindi ko pa nagagalaw ang pagkain.

"Masamang pinaghihintay ang pagkain." hindi ko alam na nakalapit na pala sa akin si Mama. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang sumisimsim sa basong may tubig. "Anong problema? Bakit nakasimangot ang ishang ko hmmm?"

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now