Chapter 5.

74 12 1
                                    


Gala

Nasa plaza kami ngayon at naglalakad. Alas-tres na kami na ka gala kasi nakatulog ako sa sofa habang binabantayan si mama. Napabalikwas lang ako ng tulog nang naramdaman kong ang sakit sa likod ko. Balak din naming manood ng sunset doon sa may dalampasigan pero ngayon naghahanap muna kami ng pagkain at magagawa.

Nagtataka nga ako sa mga tao dito dahil napatingin sila sa amin. Assuming talaga ako. Kanina pa walang imik ang isang 'to, well ganyan naman lagi yan eh. Agad naman akong nakakita ng fishballan na nakahilera sa mga stalls ng siomai.

"Doon tayo oh" turo ko sa stall ng fishball.

Hinila ko ang kamay niya para makasiksik kami sa mga tao pero hindi siya gumalaw at tinignan lang ang kamay ko kaya napatingin din ako. Nagkibit balikat nalang ako at hinigpitan pa ang hawak sa kanya at sinuong ang maraming tao.

"Kumakain ka ba ng Street foods?" Saad ko. Baka kasi hindi siya kumakain non at masisi pa niya 'ko.

"Yes,sometimes" tugon niya. Agad naman akong na excite sa sagot niya.

"Ate 10 Kikiam nga po tapos 10– ay piso dalawa po yan diba ate? Oh sige 10 pesos din po sa fishball."

Pagkatapos kong magsalita ng napaka-lakas ay umupo na kami sa mga upuang nakalagay din doon. Perfect talaga 'to sa mga nag-d-date pero 'di naman kami nag-d-date kaya hindi 'to perfect jk. Wala pang isang minuto ay nakahanda na agad ang inorder namin. Ang galing nga dito eh may mga waiters haha. tipid akong tumawa pake niyo?. Napapalakpak naman ako dahil first time kong kumain ng ganito. Oo kahit taga-dito ako hindi pa 'ko nakakain niyan. Masyado kayong Judgemental.

Nagawi naman ang paningin ko si Iñigo na tila nagtataka sa ikinikilos ko. Ay dapat ba sosyal? Sorry pero walang sosyal sosyal na ugali 'pag kumakain. Sinabayan ko ang pagtitig niya sa akin pero siya ang unang nag-iwas ng tingin. Problema nito?.

"Uyy kumakain ka ba talaga nito? 'Pag ikaw sumakit ang tiyan iiwanan kita dito."

"Kumakain nga ako nito. Masyado kang nag-aalala."Saad niya habang nagka-kamot ng batok.

"Sige Sabi mo eh pero 'wag mo 'kong sisihin diyan ah?" Tumango naman siya at ngumiti. Hala 'wag kang ganyan baka mahulog ako. Ang cute moooo!!

Pinagmasdan ko lang siyang kumain at sa gitna ng pagtitig ko sa kanya ay may pumasok na katanungan sa utak ko. Ganyan ka ba talaga sa iba o sa akin lang?. Gusto kong itanong yan pero isina-walang bahala ko nalang at tinuloy ang pagkain. Paubos na pala yung akin. Pinaghatian kasi namin yun kaya bitin. Nakatingin lang ako sa pagkain niya at humalumbaba.

"Do you want more?Bibilhan nalang–" Napaayos naman ako ng tayo at iwinagayway ang kamay ko.

"No,no...tinitignan lang kitang kumain. Sige na kain ka pa" nakangiting saad ko. Umiwas naman siya ng tingin sa akin at tinuloy ang pagkain.

Alam ko naman na kahit na tumititig ako sa kanya ay hindi ko parin nadedetalye ang kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin na may nunal siya sa ibaba ng labi niya. Hmm siguro doon siya hinahalikan ng jowa niya nung past life niya kskskskks. Nakita ko rin ang jaw line niya na tila nasa good mood si Lord nang gawin niya yun. His brows are thick and black and as my eyes turn down to see his lips that so red like he put liptint on it. I began to worry..What if mahulog ako sa kanya ano nalang ang mangyayari? Sinong hindi magkakagusto sa gwapo ba naman niya yan noh.

"I'm done eating, sa'n na tayo?" Untag niya habang nakatingin nang diretso sa akin. Napansin niya yata ang pagtitig ko sa kanya dahil para siyang nakangising aso.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now