Chapter 24

35 4 0
                                    

Party

A/N: Hi, wattpad account 'to ng silent sanctuary. Magaan na ba ang 'yong pag-hinga, bumalik ka na sa'kin. 

"Natasha, are you free on Saturday?" I nodded. "Can you join me for my friend's birthday? Ayaw kasi ni Athena."

"What party?" I asked. Umupo ako sa harap niya. Ang kamay niya ay nakalagay sa kanyang baba at tila nag-iisip ng sasabihin. Napairap ako sa hangin. "The time is clicking, Jared. Kaya mo pa bang magsalita?"

He tilted his head, smirking. "Birthday 'yun." Napatango ako.

Anong gagawin ko doon? Minsan nalang ako uminom dahil nung last na inom ko ay halos gumuho ang mundo. Hindi ko alam ang ginawa ko pero sobrang kalat ng opisina ko. Mabuti nalang at nakatulog ako agad nun. Sobrang baba na talaga ng tolerance ko sa alcohol.

"Anong oras ba yan? It depends kasi sa ipagagawa mo sa akin. If you want me to join you, dapat wala na akong gagawin." Malaki ang ngiti ko sa kanya habang itinataas-baba ang kilay ko. Umirap naman siya at walang ibang nagawa kun'di ang tumango.

"6:00 pm or something. Susunduin kita. Two days nalang. May damit ka bang susuotin?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Dalawang beses naman akong tumango. "Wait, wait, wait. Kilala mo ba si Janelle?"

Kumunot ang noo ko. "Janelle...yung kahapon." He nodded. "Oh, ano?" kunwaring walang pake kong sabi. Nag-iwas pa ako ng tingin nang makita ang mapanuri niyang mata. Kinuha ko ang bottled water sabay hagis sakanya ngunit mabilis niyang nasalag ito. "Ano ba 'yang ginagawa mo?"

"Sa kanya 'yung party. Don't worry, friendly 'yun and I'm sure magkakasundo kayong dalawa." Gusto kong matawa sa huling sinabi niya. I don't even know how to make friends! I just smile like a fool and wait for the person I'm talking to to speak.

"Sige, ilang araw nalang din ay hindi mo na ako magiging secretary. Nakahanap ka na?"

"Ah...eh..h-hindi pa eh. Extend ka kaya muna nang isa pang linggo?" Kabado niyang tanong na nagpakunot sa noo ko. Ano na naman ba ang hiling nito? Mukha ba akong si Vicky Morales at wish siya ng wish? "Sige na! Isang linggo."

I massaged my temple. "You said, one week lang Jared. One week. That's what I said to my father. One week lang ako dito. And besides may trabaho rin akong naiwan."

"Napaalam ko na sa daddy mo. Okay lang daw, you'll be staying here for one week. You wait until I find that perfect person for the secretary position." Sapo nalang sa noo ang tangi kong nagawa. Bakit ba parang ang hirap sa kanya maghanap ng secretary?

Um-Oo nalang ako sa kanya. Tinapos ko muna ang mga gawain na kailangan kong gawin. Nagdaan ang dalawang araw ng paghihintay namin. Ang sabi niya ay hintayin ko daw siya dahil susunduin niya ako mamaya. Hinintay muna naming matapos ang trabaho bago ako umuwi para mag-ayos. Mabuti nalang at marunong ako mag-make up kasi hindi ko naman kayang mag-provide ng make-up artist. Although I can naman but my money is not enough. I forgot my card.

Nilinis ko muna ang gamit ko bago mag-ayos sa sarili. I put light make-up on and I wore my Black backless mermaid maxi dress. Pairing with my hoop earrings and my black stiletto. I waited for Jared to come. Alam kong nandoon din si Iñigo dahil birthday yun ni Janelle, I don't know their relationship and I don't care.

Narinig ko ang pagtunong ng pinto ko kaya dali-dali kong kinuha ang purse ko bago buksan ang pintuan.

"Wait lang–oh, hello there!" Akala ko si Jared ang dumating. It was Iñigo. "What are you doing here?" Wala pa rin siyang sinasabi at nakatingin lang sa akin, nakatulala. I snapped my fingers. "Laway." Biro ko.

"N-Nasiraan si Jared..." kamot-ulo niyang sabi. "I'm here to pick you up, so yeah. Shall we go?"

Tumango lang ako bago lumabas at isara ang pinto. I didn't bother to talk to him 'coz I have nothing to say. Kahit na saglit ko lang siya nakita ay nakita ko kung gaano niya pinaghandaan ang birthday party na 'yun. Naka-suot siya ng Suit na hapit na hapit sa kanya at isinisigaw ang Prada. Nauuna akong maglakad sa kanya habang siya ay nasa likod ko lang. Maya-maya pa ay binilisan niya ang paglalakad para magkasabay kami. I just ignored him. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas nang loob at lapit nang lapit na para bang walang nangyari.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now