Chapter 1

134 15 2
                                    

Interview

Alas kwatro palang ay gising na ako at mabusising inaalala ang mga dadalhin ko.Naayos ko naman na ito kahapon pero hindi parin ako sure kung may nakalimutan akong dalhin.Maayos na rin ang dalawang maletang dala dala ko na puno ng damit at mga gamit.Puro pang trabaho ang iba roon.

Dahil sabi ni Ate istrikto daw ang mga ito lalo na pagdating sa damit.Hindi ko na ginising si ate dahil puyat siya at na sa akin na rin naman yung susi niya kaya hinayaan ko nalang siya na matulog.Habang si papa naman ay naghihintay sa kotse namin na mahigit 5 taon na rin naming ginagamit.Binabalak ko ngang palitan ang mga lumang gamit dito 'pag may pera na 'ko.

Sumakay na ako sa sasakyan dahil mahaba haba pa ang byahe namin ni Cheryl mamaya.Tinulungan ko si papa mag ayos ng gamit ko habang nilalagay sa compartment ang mga ito.Tahimik lang siya hanggang sa pumasok kami sa kotse.Nagsalpak lang ako ng headset at nagpatugtog.

Hindi na ako natulog dahil hindi rin naman ako makakatulog gayong maaga akong nagising.But I'm pretty sure na makakatulog ako mamaya sa byahe.Tahimik lang akong nagmamasid sa labas ha ang nakikinig sa musika nang nagsalita si papa.

"Umayos ka doon Natasha,hindi puro pagliliwaliw ang pinunta mo doon kung hindi trabaho.Hindi ko papayagan na uuwi ka sa amin na buntis" Umiling ako at pinipigilan ang pagtawa ko pero hindi ito nag patinag mas lumakas pa ito kaya kumunot ang noo ni Dada.

"Da,Alam ko pong trabaho ang pupuntahan ko doon at hindi ang PAG-AASAWA kaya naman po hindi kayo dapat mabahala.I know my limits and I'm sure that you know it."

"Pero..." nabasag aang boses niya and i can see the tons of tears coming out from his eyes but he didn't bother to wipe it.Alam kong mababaw pero I don't want to leave them,May pamilya na si ate at walang nagbabantay kila mama.Hindi ako nagtrabaho para maagalagan sila.

"Kahit na ganyan ka ay mahal na mahal ka namin ng mama mo...Kaya..umayos ka doon ha?kapag hindi maganda ang trato sayo umuwi ka na at doon nalang sa bahay" This time he wiped his tears and faced me with a happy face.

"Dada naman!akala mo ay hindi na babalik eh.Hayaan mo kapag balik ko dito ay bibili ako ng maraming pasalubong para sainyo ni mama..Huwag kang iiyak da,hindi bagay sayo" Ginulo niya ang buhok ko tinuloy ang pagmamaneho.

Mabilis kaming nakarating doon at saktong nandon na si Cheryl na ang sama sama ng tingin sa akin.Tumingin muna ako kay papa at humingi na ng permiso para umalis.binigyan siya ng mahigpit na yakap.He kissed my forehead before nodding. "Sige na at naghihintay na sayo si Cheryl" Bumitaw ako sa kanya at tumakbo kay Cheryl,Kumaway ako kay papa na hindi parin umaalis hanggat hindi kami nakakasakay sa bus.

Umupo agad kami sa upuan at habang ako ay tinatanaw ang punong nadaanan namin at ang mga kabahayan.Nakita ko rin ang mga ibon na malayang lumilipad at tila masaya sa ginagawa nila.Siguro ngayon ay kaisa nila ako dahil Malaya akong nakapag desisyon at sa tingin ko ay Malaya na akong gawin ang bagay na matagal ko nang pinagiisipan.Sadyang tamad lang ako.Naka earphones kaya kahit anong daldal ni Cheryl ay wala akong naririnig.Nakikita ko lang ang pagbibigkas nito sa mga salita.Tinggal niya ang earphone ko at nagsalita

"Iiwan muna kita doon sa kumpanya ha?May gagawin kasi ako sa school nantinuturuan ko,emergency daw eh." Tumango lang ako at sinalpak ulit ang earphone sa tenga ko.

Gaya nga ng sinasabi ko ay nakatulog ako sa Byahe.Maya't-maya rin ang gising ko dahil sa paghinton ng bus.Ngunit hindi ko ito pinansin at natulog ulit.Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog pero dahil sa pagtapik sa akin ay minulat ko ang mata ko at nakita kong hindi ka na niya babalikan.Joke lang.Nakita kong malapit na kami sa Bayan kaya sumakay na kami sa ulit bus.Naka ilang sakay pa kami bago marating ang bungad ng maynila.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now