Chapter 23

33 4 0
                                    

Vintage Wines 

"Natasha!! Do you know what you are doing? Why?" Cheryl hissed.

Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyari. I can't forget what happened last night, I guess I'm the one who drank. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin 'yon. Nang malaman kong malapit na naman kasi sa isa't-isa ay halos hindi na ako lumabas ng bahay. Mabuti nalang at hindi na ulit nagtatagpo ang landas namin.

"Tangina! Akala ko ba naka-moved on ka na doon? Natasha naman, sana hindi mo pinatulan. May nangyari ba sa inyo?"

I shook my head. "W-Wala..." mataman niya akong tiningnan, tila hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Wala nga eh! Ang kulit!"

Bago pa may mangyaring kababalaghan ay tumigil na ako. Panay ang sorry niya sa akin no'n hanggang sa maka-alis siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko para tugunan ang mga halik niya. Aaminin kong naging sabik ako pero nang mahimasmasan ako ay parang gusto ko nalang sapakin ang sarili ko sahil sa kalandian.

"Babalikan mo pa ba 'yun?" I shrugged, not knowing what to say. Mabuti na siguro 'yung nagkita kami. We can be friends by the way. "Bakit?"

I laugh. "You have a lot of questions. You're asking me why? Because he can live without me. I ruined him, ang kapal naman ng mukha ko diba? Hindi natuloy yung kasal nila ni Clari–"

"Deal 'yun Natasha. Deal. Ginusto ni Iñigo ang hindi matuloy ang kasal." She emphasized each word.

I tilted my head. "Nag-away sila ng mama niya... ayaw ko na, sapat na yata 'yung tatlong taon na magkasama kami." I feel pang in my chest.

No matter how much I want to come back to you, I can't. Yes, I still love him but that's not enough to get back at him. He suffered a lot. I can feel his pain even if he doesn't tell me.

"Gaga ka! Mama niya yung may problema sayo! Eh ano naman kung jowa mo si Iñigo? hindi naman siya jojowain mo. And besides, kung kayong dalawa, kayo talaga."

Nagkibit-balikat lang ako. Tadhana na ang bahala sa amin. Okay lang naman sa akin kung hindi maging kami ulit. Matagal kong binuo ang sarili ko, matagal akong nanahimik at walang inaalalang ganito. Alam ko naman na kapag bumalik ako dito ay mag posibilidad na magkita pa kami pero wala sa isip ko ang balikan pa siya. Parang wala lang ding halaga ang ginawa kong pader kung hahayaan ko ulit masira ito.

"Alis na 'ko, may meeting si Jared sa VW" Bumuntong hininga lang si Cheryl sa akin bago tumango sa akin.

Sumakay ako ng taxi papunta sa company ni Jared, ang sabi niya nang umalis ako ay after one year ay umalis na rin siya para patakbuhin ito nang maayos. Hanggang ngayon ay naka-confine pa rin ang papa niya sa ospital na pagmamay-ari ng tita niya.

Hindi pa man ako nakakapasok sa building ay biglang tumawag si Jared. Kinuha ko ito at mabilis na sinagot.

"Hello? Bakit?"

["You're at work. You should be formal to me. Anyways highways, pwede bang mauna ka na doon sa office ni Iñigo?"]

My forehead creased. "Nandito na 'ko sa company mo! Sabay na tayo." Pagpupumilit ko.

He clicked his tongue. ["Okay, tawagan mo nalang si Kuya Bert. Pababa na ako."] Narinig ko ang pagsara ng pinto, hudyat na pababa na nga siya. Nakalimutan niyang patayin ang tawag kaya ako nalang ang nagpatay nito.

Tinawagan ko na rin si Kuya Bert para magpahatid. Wala pang limang minuto ay nasa harap ko na ang kotse, talo pa si Jared na nasa malapit lang at kung makakilos ay parang pagong sa sobrang kupad. Kanina pa siya nakababa pero hanggang ngayon ay wala pa.

Dahil nauubos na ang pasensya ko, agad kong kinuha ang cellphone ko para i-text siya, nakakuha naman ako ng tugon na malapit na daw siya.

"Let's go?" Bungad niya nang makarating sa labas. Inirapan ko lang siya at sumakay na sa kotse niya. "Natasha, may girlfriend na 'ko–"

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now