Chapter 9

44 7 0
                                    

How to unsee


Halos nakatulala lang ako buong Umaga. Mugtong-mugto ang mga mata dahil sa walang pagtigil na iyak. Nakataka nga sila mama kung bakit namamaga ang mata ko pero pinili ko nalang magsinungaling.

"Ma, Ate. Aalis na po ako, kayo nalang bahala dito." Nagmamadaling sabi ko. 'Hindi na nga ako nakatulog, late pa? Kakainis'

Dali-dali akong pumara ng taxi papunta sa trabaho ko. Kinakabahan parin ako ngayon sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil sa nangyari kahapon o kung may papasukan pa ba ako. Nang makababa ay wala namang bago, kanya-kanyang gawain kaya naibsan ang pagkaka-kaba ko. May lumapit sa aking isang lalaki.

"Hi Natasha!! Late ka nanaman? Wala bang bago ha?" Bungad ni Jared.

Tumawa lang ako. "Ano kasi...'Di ako nakatulog."

"Oh anong nangyari sayo? Bakit namumugto 'yang mata mo? Umiyak ka ba?" Nagaalalang tanong niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin. "W-Wala 'to. Marami lang akong ginawa kagabi tapos napuwing pa. Hayaan mo na 'yan" Nagkibit-balikat lang siya. "S-Sige na, aakyat na 'ko. Salamat sa time."

Habang umaakyat ako ay mas bumibigat ang dibdib ko. Sana naman ay wala si Madam. Ayoko na ulit marinig ang mga sinabi niya kahapon. Tutal para rin namang walang nangyayari o ano mang pagpapanggap ang namamagitan sa amin kaya mas mabuti hindi ko na tanggapin ang offer niya. Kaya ko namang magtrabaho at 'saka nandiyan naman si Ate at kuya Franz kaya may katulong ako sa paggastos.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng opisina kaya pumasok na ako. Nakita ko si Iñigo na tulala at parang may prinoproblema parin.

I faked a cough. "Ahm..sir a-are you okay?" Nag-angat siya ng tingin. "Kahapon ka pa po ganyan. Is there any problem?"

"Nothing, paki print naman ito tapos paki stapler narin." Inabot niya sa akin ang mga papel na sa tansya ko ay sampong piraso. "Ilagay mo nalang dito sa lamesa ko, aalis lang ako."

"Sir, pwede po bang makausap kita mamaya? Importante lang po." I said that's why his forehead creased.

"Bakit hindi pa dito?" 'Bakit ang sungit niya?'

"B-Basta 'wag po dito, baka may makarinig." Sabi ko bago lumabas ng pinto.

Pumunta ako sa printing room at pasalamat akong tatlo lang ang nandito(kasama ako). Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan nila pero parang ganon na nga. Topic kasi nila si Iñigo at parang seryoso ang usapan nila.

"Alam mo, mas lalong sumungit si Sir nung dumating yung mama niya kasama ni Madam Clarice." Clarice? 'Yung nasa party ba yun? "Tapos pagkalabas nila nagsisisigaw si Sir. Baka naman tuloy na." Tuloy?

"Excuse me, are you done? May ip-print din kasi ako." Mataray kong saad. Umayos ng tayo ang dalawa nang makita nila ako.

"Yes po..." sabay nilang sabi. "Tara na. Bilisan mo" bulong ng isang babae.

Ano kayang matutuloy? Baka yung...omg!! Baka yung kasal? Kasi naman lalaki at babae tapos tuloy so kasal yun kaya kailangan ko na talaga sabihin kay sir. Nakakairita hindi ako makakuha ng tyemp—

"Hoy yung priniprint mo tapos na." Saad ng lalaking kilala ko na agad.

"Ito naman! Alam ko yan Jared." I rolled my eyes. "Nag-iisip pa yung tao eh" naiinis na sabi ko.

He laughed. "Ako na iniisip mo? Alam ko namang gwapo ako eh. Chill ako lang 'to"

"Grabe naka-aircon na nga tayo pero bakit biglang may pumasok na ibang hangin? Ang hangin mo naman. Makaalis na nga" Naiinis kong sambit. Lumabas na ako ng printing room

"Ang sakit mo talaga." Sigaw niya pa na ikinatawa ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis na maka-akyat, baka kasi naghihintay na si Sir Iñigo sa taas at baka pagalitan ako. Dahan-dahan ko binuksan ang pintuan ngunit wala naman akong nakikitang tao kaya binuksan ko na ito ng tuluyan pero nagkakamali ako.

"S-Sir ito na po yung pina-print ninyo." Sabi ko nang hindi tumitingin sa dalawa. Kasama niya si Clarice at naka-upo ito sa hita niya. 'How to unsee,'

"Paki-lagay nalang sa dito." Turo niya sa tabi niya Kaya tuluyan ko nang nakita ang dalawa. Pilit niyang inaalis ang babae pero hindi nagpatinag ang babae.

"L-Lalabas po muna ako. Sorry sa abala."

Kahit naman na sabihin ko sa sarili konb pigilan ang pesteng damdamin na 'to ay hindi ko magawa. Wala namang iba sa kanya at wala din siyang ginagawa pero nahuhulog parin ako sa kanya. Ayoko nito, pero hindi ko naman madidiktahan ang puso ko. Nakakainis.

"Badtrip ka nanaman ba? Let's have a coffee first." Si Jared. Wala sa sarili akong tumango sa kanya. "Anong problema mo? Kanina ka pa tahimik diyan ah?" Sabi niya bago sumimsim ng kape. Kanina pa kasi ako tulala at inaalala ang mga nakita ko.

Nag-iwas ako ng tingin. "W-Wala, thank you sa libre"

Kumunot naman ang noo niya. "Sinong nagsabing Libre 'to?......just kidding. It's my pleasure" nakangiting saad niya.

"Kilala mo ba si Clarice?" Wala sa sarili kong tanong. Mukha pa siyang nagtaka pero nakuha naman niya agad.

"Ah si Clarice...yung kasama ni Iñigo? Oo naman, mag kaibigan yung papa ko at papa niya. I heard that Iñigo and Clarice had arranged a marriage but Iñigo didn't agree because he said he had a girlfriend so his daddy gets angry ." Mahabang pagpapaliwanag niya. 'Yun pa yung time na sinabi niya sa akin yun? '

"S-Sige salamat sa pagpapaliwanag, aalis na 'ko mukhang kailangan na 'ko sa office"i said before leaving him alone.

Sakto namang pagkapasok kosa opisina ay lumabas na yung haliparot na babae. Nagtama ang tingin namin kaya nag-iwas ako ng tingin. Dire-diretso akong pumasok at umupo sa upuan ko. Maya-maya nagring ang telepono na nasa lamesa ko.

"Hello good morning Ma'am/ Sir, This is the secretary of Vinatage wines. How can I help you?" Narinig ko ang mahinang pagtawa sa kabilang linya.

[Nakakatawa pala kapag napaka formal mo magsalita.] Si Jared.

Napahawak ako sa sintido ko. "I'm not in my mood today Jared so stop messing around. What do you need?"

[I just want to talk to you.]

"Nasa trabaho ako. Manahimik ka diyan" pasigaw na sabi ko kaya napatingin ako kay Iñigo.

[Chill, chill. Can you give the phone to Iñigo? I need to tell him something.]

Tinignan ko si Iñigo at sinenyasan na gusto siyang makausap nito. "Kakausapin ka daw" walang boses na sabi ko. Kinuha niya ito at inilayo sa tenga niya. Mukhang sinigawan siya.

Hindi ko na siya pinakialaman dahil wala naman akong pake sa sakanya. Deal-deal pang nalalaman. Sapakin ko siya eh, hindi naman umaakting nakakainis. Basta kakausapin ko siya mamaya. 

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now