Chapter 25

29 3 0
                                    

Drunk

Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko at paniguradong si Jared ang nagte-text sa akin. Gusto ko lang talagang makaalis doon dahil hindi ko matagalan ang pakikipag-usap kay Iñigo. If I had a choice, I would choose to ignore his existence. I just can't face him again. Feel ko ang kapal kapal ng mukha kong magpakita pa rin sa kanya pagkatapos ko siyang saktan. Hindi ako nag-stay sa room ko dahil pupuntahan ako ni Iñigo doon kaya naman nasa rooftop ako. Nakakagaan lang sa pakiramdam ang pagiging tahimik ng paligid at parang natigil ang mga iniisip ko.

Napasinghap ako nang maamoy ang preskong hangin at tumama ito sa aking buhok. Ramdam ko ang lamig ng aking mukha dahil sa natuyong luha na nahanginan.

"handkerchief?" Nagawi ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa aking likuran. Nakangiti siya sa akin habang ngumunguya ng bubble gum. "Nangangalay rin ako." Kinuha ko ang panyo kahit wala na akong luhang pupunasan.

"Mahal ang gatas, 'wag ka na ngang umiyak, tabi nga!" Mahina niya akong tinulak para makaupo siya sa tabi ko. "Why are you here? This is my place."

"M-May masama ba." Tumawa lang siya. "Patambay nalang." Tumango siya at tumayo para kumuha ng pagkain. Pagkadating niya ay bitbit-bitbit niya ang iba't-ibang chitchirya pati drinks. Binigyan niya ako at tahimik kaming kumain.

"Alam mo...lagi akong nandito, umaga, tanghali, gabi. Nandito lang ako. I want to watch the sunrise and sunset." Nakikinig lang ako sa biglaang pagkwento niya. "It's like I'm here with a new day. Gusto ko lang dito..." Napatingin ako sa kanya at nakita kong napabuntong hininga siya. Tinapik ko lang ang kanyang balikat para pakalmahin siya.

"Daming pendant ng bracelets mo, kinokolekta mo?" Umiling siya. "Ano pala?"

"Hindi ko 'to tinatanggal, kapag masaya ako ay nababawasan. Kapag naman malungkot nadadagdagan." Tinanggal niya ang isang maliit na cross pendant at inilagay ito sa kanyang bulsa. "Nabawasan mo." He smiled. Kumain lang kami doon at nagkwentuhan. Hindi ko alam kung paano ako naging comfortable agad sa kanya. Ang gaan niya kausap. He was so nice to me.

Napagdesisyunan kong bumalik na sa kwarto ko, doon lang daw siya. I just shrugged my shoulders. Mukhang aabangan na naman niya ang pagsikat ng araw.

Kinabukasan ay mabigat ang mga mata ko, half day lang ako ngayon dahil linggo naman. Mabilis akong nagbihis at kumuha ng shades para takpan ang mata ko. Tumawag ako ng taxi papuntang LC (lee's Corp.)

"New look?" I shook my head. "What happened with your eyes?" Tanong ni Athena, nag-aalala.

"Kinagat ako ng ipis. Si Jared nandiyan na ba?" Tumango siya. "Okay, i'll go first. Thank you!" Bago ako umakyat ay bumili muna ako ng kape dahil sa tingin ko ay hindi pa siya nagkakape. Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina niya. "Here's your coffee sir."

"Where's mine?" nakataas ang kilay ni Iñigo. I don't know even that you're here! "I want mocha."

"But you like espresso..." I said in my tiny voice. Sana ay hindi niya narinig ang sinabi ko. Dali-dali akong bumaba at halos habulin ko ang aking hininga nang makababa ako. Mabuti nalang at mabilis akong nakabili kaya mabilis rin akong naka-balik. "Your mocha, sir." Sabi ko habang habol-habol ang hininga.

He smiled playfully, "thanks miss." I rolled my eyes at him. Ang hilig na talaga niyang mangasar.

Natapos ang araw at pilit ko paring iniiwasan si Iñigo, kinakausap ko siya pero hindi naman nagtatagal ng minuto. Akala ko ay makakapag-half day ako pero hindi pala, masyadong marami ang gawain kanina. Bumili ako ng Pizza at drinks para sa amin ni Doreen. Nagbihis muna ako sa room ko bago umakyat sa rooftop. Nakita ko siyang naka-upo malapit sa railways at nagpapahangin.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now