Chapter 3

88 12 6
                                    

Deal??

Kakabalik lang namin ni Cheryl galing sa book store,Andami niyanh binili at dinamay niya pa ako sa pamimili niya kaya ang ending andami naming bitbit.Nasa kwarto ako ngayon at inaayos ang susuotin ko mamaya.Formal daw sabi ni Sir Iñigo kaya nahihirapan akong pumili ng susuotin.Napatingin ako sa orasan at malapit na pala mag 7 o'clock kaya Napili ko ang formal floor-length evening gown na kulay black at may mga palamuti.

Naligo muna ako at naglagay sa mukha ng make up.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at ngumiti 

"Ang ganda ko" pabulong na sabi ko.

Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone ko sinagot ko ito pero nilapag ko lang ito sa coffee table ko dahil nagsusuot pa ako ng sandals.

"Hello?" Tahimik lang ang nasa kabilang linya kaya nababahala ako. 

"Who's this?what do you need?" Iritadong Saad ko. Maya-maya pa ay nagsalita na siya.

"Bagal mo mag-ayos" muntik na akong mapatalon sa boses na narinig ko.

Sumilip ako sa Bintana at nakita ko si sir Iñigo na nakasandal sa BMW niya.Para akong nanlambot sa dala niyang kotse..Seryoso ba siya? BMW?? Grabe pinapa mukha niya talaga sa akin na dukha ako eh.

"Omg sir bakit ang aga niyo??Lalabas na po ako,sorry po sa pagpapa-hintay" Binaba ko ang tawag at dali-daling pumunta sa kaniya.

Hirap na hirap ako sa suot ko kaya baka pagdating ko sa venue ay sabog sabog na 'kong haharap sa kanila.Nang makarating ako sa kinaroroonan niya ay nakatingin lang ito sa akin kaya tinawag ko siya,pero walang effect jusko.

"Huy sir" tinapik ko na siya sa oras na'to.Buti naman at gumana dahil umayos siya nang tayo at inilahad ang braso sa akin.

Ang awkward pero tinanggap ko ito at inilusot doon ang mga kamay ko.Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan niya at akalain mo 'yon hinawakan niya pa ang ulo ko para hindi ako mauntog. Kinikilig ako napaka-gentlemen naman nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at tuluyan nang umupo sa shotgun seat.ikakabit ko na rin sana ang seatbelt ko pero naunahan ako ni Sir Iñigo.Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya napa-iwas ako ng tingin.Amoy na amoy ko ang pabango nitong kumakapit sa katawan niya. 

"Ang bango ko talaga 'no?" Untag niya nang maikabit niya ang seatbelt ko.

"H-ha?Sir h-hindi ko po a-alam sainyo sarili niyo 'yan eh" wahhhh nararamdaman ko ang pag-init sa pisngi ko pero sana hindi niya mapansin.

"Drop the sir,Iñigo nalang kapag nasa labas tayo.Masyado kang formal" n-nasa labas?ano raw?Hindi ko na ito naisip at tumahimik nalang. 

Bigla ko namang naalala yung sinabi ni ate kanina. Posible kayang si sir 'yong nagbigay no'n?Tumingin muna ako sa kanya, Napaka seryoso niya at nasa kalsada lamang ang tingin niya. Napatingin ito sa akin kaya umiwas ako.

"Do you want to say something Natasha?" I took a deep breath before looking at him.

Hindi ko alam kung saan nakuha ang lakas ng loob ko ngunit siya lang naman ang sinabihan ko tungkol sa nangyari sa kay mama.

"sir ...a-are you the one who sent money to my sister? I mean m-may dumating kasi na pera,mahigit kalahating milyon" I'm so embarrassed, bwisit nakaiirita ako sa sarili ko.Tumingin din siya sa akin at nagsalita

"Didn't I tell you,I would help?" Omg siya nga...Gusto ko siyang yakapin pero nakarating na kami sa patutunguhan namin.Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas sa kotse niya.

Andaming tao,mukhang sosyalin at mayayaman.Buti nalang at bumagay ang suot ko sa suot nila.Balak ko pa namang magpantalon.Kinuha niya ang mga kamay ko at isinukbit ito sa mga braso niya kagaya kanina.Ehe emeged

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now