Chapter 6

65 11 0
                                    

Swimming

A heat touched my eyes as I slept I even covered it with my hand so that I would not be dazzled but I immediately sat down and looked at the clock. Putek late na ako ng isang minuto sa trabaho. Baka naghihintay na si Iñigo. Dali-dali akong pumasok sa cr para maghilamos. Ginagawa ko ang morning routine ko. Oo kahit late ako uunahin ko yung routine ko, bahala siya doon.

Sa gitna ng paghihilamos ko ay naalala ko....Nasa isabela nga pala kami ngayon. Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto para ayusin ang kama ko. May naririnig akong hilik banda sa may sofa kaya pumunta ako do'n. Doon pala siya sa sofa natulog, kawawa naman. Kumuha ako ng kumot at nilagay ito sa kanya. Tanghali pa 'ata 'to magigising eh.

Bumaba ako sa kusina para magluto ng umagahan. Wala pang tao sa baba dahil natutulog pa yata sila. I just cooked scrambled egg,hotdogs, Toccino at nag-sinangag. Inayos ko na rin ang mga plato sa lamesa at sakto namang pagkababa nila ay nakaluto na ako. Si papa ang nauna at ang apo niyang karga niya, Si ate naman binabantayan si mama sa ospital. Bukas na nga pala ang balik namin sa maynila.Makakauwi narin si mama dahil napagod lang daw at kulang sa tulog.

"Good morning po!" Masayang bati ko sa kanila.

"Ikaw ang nagluto?" Si papa bago umupo.

Humalakipkip ako bago sumagot. "Meron pa po bang mas naunang magising sakin ha?" Pamimilosopo ko.

Tumawa nalang si papa sa sagot ko. Bumaba na rin si Iñigo para makisalo sa amin. Gwapo mo naman. Papuri lang yan tsk. Magulo ang kanyang buhok na lalong nagpakisig sa kanya. Napalunok naman ako sa biglaang pagbeso sa pisngi ko, Nagulat naman ang pamilya ko doon. Nang makaupo siya sa tabi ko ay bahagya akong lumapit sa kanya ay kinurot ang tagiliran niya.

"Ano yun?!?" Pabulong na sabi ko.

Tumawa naman siya. "Anong ano yun?" bulong niya rin sa akin.

"May pa-beso beso ka pang nalalaman 'di ka nalang umupo diyan" sabi ko sa kanya.

Natigil kami sa samaan ng tinginan nang umubo si papa. Kumuha naman ako ng baso at nilagyan ng tubig para maibsan ang pag-ubo niya.

"Gusto niyo bang mag-swimming?" Tanong ni papa. Kuminang naman ang mata ko sa narinig.

"Pwede po ba? Pwede po ba pa?" parang bata kong Saad kay papa.

Minsan lang ako makaligo sa dagat dahil hindi ako marunong lumangoy. Naliligo nga pero kapag kasama ko lang si ate o kaya sila mama.

Tumango naman si papa sa akin. "Kumain muna kayo at magpahinga. Mamaya na kayong gabi maligo. Hindi kami makakasama kasi pupuntahan pa namin ang mama mo."

Ano kayang susuotin ko? Wala naman kasi akong swimsuit eh. Hmmm. T-shirt nalang 'ata at shorts.

"Pa, ako na mamamalengke at isasama ko na rin si Iñigo para malibang naman siya."

Bumaling naman ang atensyon ni Iñigo sa akin na parang ayaw sumama. Matalim ko siyang tiningnan. "Sasama ka sa akin."

"Fine. Fine" Saad niya.

Nang matapos kami kumain ay niligpit ko ang kinainan namin at huhugasan.

Sumunod sa akin si Iñigo dahil tutulungan niya daw ako para mabilis.

"Ikaw magbanlaw ako magsasabon" Saad ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Pumwesto na siya sa gilid ko para magbanlaw. "Isang banlaw lang ba o dalawa?"

"Dalawa." tipid kong sagot.

Pagkatapos naming maghugas ay dumiretso na kami sa palengke para bumili ng iluluto at babaunin mamaya. Maraming nakatingin sa kasama ko. Gwapo eh jk.

Dealing With The Billionaireजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें