Chapter 13

46 8 1
                                    

Sorry

Uunat-unat ako nang magising ako kinabukasan. 'Pagkatapos ko kasing umiyak nang umiyak ay natulog na 'ko. Ayokong pagurin ang sarili ko kakaiyak sa bagay na hindi ko naman alam ang dahilan niya... Dumiretso ako sa bathroom para maligo. Para kasi akong lalagnatin dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. 'Pagkalabas ko nang bathroom ay laking gulat ko nang makita si Iñigo sa kama ko. Nakatungkod ang dalawang kamay patalikod, walang bakas na emosyon sa kanyang mukha. Nang makita ako ay tumayo siya at sumenyas na sumunod sa kanya. Wala na 'kong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Ipinaghila niya ako ng upuan katabi sa upuan niya. "Kain na tayo" he smiled.

Kukuha na sana ako ng plato pero naunahan niya ako kaya bumalik ako sa pagkakaupo. Siya na rin ang nagsandok sa akin at naglagay ng ulam, itinulak niya sa akin ang plato na parang sinasabing kainin ko na. Tahimik lang ako kumakain at nakatingin sa plato ko. Mugto kasi ang mga mata ko at parang sinapak ng isang grupo sa Kanto. Nasa kalahati na ako ng pagkain ko pero hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkain niya.

I sighed. "Kumain ka na, hindi ka mabubusog kakatingin sa akin." Ani ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Akala ko hindi mo 'ko papansinin..." malungkot na sabi niya. Napatigil ako saglit sa pagkain at tinignan ang mukha niya, mapula ito at parang sinampal siya.

"Anong nangyari sa pisngi mo?" Takang hinawakan niya ang kanyang pisngi at nagpilit ng ngiti.

"Nothing...." Itinuloy niya lang ang pagkain niya. Hindi ko nga alam kung anong nakain nito kasi ang daldal niya ngayon. "Where do you want to go? Let's go out" pag-iiba niya ng usapan.

Bumabawi ba siya? Kasi kung Oo, okay lang naman sa akin yung nangyari kahapon. Masyado lang akong nagpadala sa emosyon ko kaya kung ano-ano ang pinag-iisip ko sa kanya. Naging sarado rin ang isip ko sa explanation niya.

"Let's go to church? May malapit naman sigurong simbahan dito eh, kahit saglit lang" excited kong sagot sa kanya.

He shrugged. "Okay..as you wish"

Mabilis namin tinapos ang pagkain namin para makapag-ayos na. Gusto ko kasi makaabot sa unang misa. Dumiretso ako sa kwarto at kumuha ng simple white dress na hanggang tuhod. Nakalugay labg ang mga buhok ko para bumagay sa damit ko. Kumatok si Iñigo sa pinto indikasyong tapos na siya sa pagbibihis. Tinignan niya muna ako bago ngumiti sa akin.

Silence...'Yan ang namamayani sa amin simula nang umalis kami. Papunta na kami ngayon sa simbahan, malapit lang naman dahil ilang minuto pa lamang ay nakarating na kami. Manghang-mangha ako pagkalabas namin. Sobrang luma na ng simbahan at sobrang laki, simple lang ito pero hindi maitatanggi na matibay dahil sa mga detalye nito. Naupo kami sa pinakalikod, kung saan malapit sa malaking pintuan. Maraming tao dahil linggo ngayon.

****

Mahaba-haba ang naging misa kanina dahil patungkol ito sa pag-ibig. Hindi ko nga alam kung sinadya yun o hindi. Sabi kasi ni Father "Hindi magtatagal ang isang pagmamahalan kung sarado ang isip niyo sa paliwanag. Alam niyo ba yung salitang maling akala? Yung kanta ng eraser heads, alam niyo? Totoong nakakamatay ang maling akala. Kaya naman bago kayo magisip-isip ng kung ano-ano..pakinggan niyo muna ang side ng isa't-isa"

"Wishing well, Gusto mong mag-wish?" Suhestiyon ko nang mapadaan kami sa wishing well sa gilid ng simbahan, tulad nang simbahan ay luma na rin ito ngunit napakalinaw ng tubig. Kumuha ako ng barya sa wallet ko at ibinigay ang limang piso sa kanya.

Sabay kaming naghagis ng barya kasabay ng pagpikit ng mata ko. 

'Sana ay maging okay na si mama at sana pagkatapos ng araw na 'to ay walang magbago.'

Pagkadilat ko ay napatingin agad ako kay Iñigo. Nakapikit siya at tila ang haba ng hiling. Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang mapaisip. Deserve niya ba ang isang tulad ko? I mean, I'm not in the same level as him. Paano nalang ang magiging reaction ng iba kapag nalaman nilang ako ang girlfriend ng mayaman na lalaking 'to? For sure ang itatawag nila sa akin ay gold digger at malandi. Ayoko lang na madumihan ang pangalan niya. Well hindi naman ako galing sa mahirap na pamilya, may kaya rin naman kami pero mas bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

"I'm done, what's your wish?" Sabi niya na siyang nagpabalik sa'kin sa ulirat.

I shook my head. "Bawal sabihin baka hindi matupad."

****

An'dami naming ginawa 'pagkatapos naming magsimba. Nagmall kami, kumain, at nag shopping. Hindi ko nga alam kung bakit kami namili eh wala naman din kaming kailangan. Kung ano-anong gamit lang ang kinuha niya doon.

Nakahilig ang aking ulo sa katawan ni iñigo, nanonood kasi kami ngayon sa Netflix, gusto ko yung horror movies pero hindi naman ako natatakot. Habang yung isa naman walang kibo.

"Igo..." Kinalabit ko siya. "Igo..May tanong ako"

"Hmmm..?"

"Kapag ba naging hotdog ako mamahalin mo pa rin ako?"

"W-What?" Naguguluhan niyang tanong.

"Sabi ko, kapag ba naging hotdog ako mamahalin mo pa rin ba 'ko?" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

His forehead creased. "Paano ako magmamahal ng isang hotdog?"

"So hindi mo 'ko mamahalin kapag naging hotdog ako?" Giit ko pa

"Natasha..." He massage the bridge of his nose. "I think you need to sleep, I know you're tired kaya kung ano-ano ang pumapasok sa utak mo. Saan ka makakarinig ng ganyang tanong?"

I burts out of laughter. "Nagtatanong lang ako."

Sandali kaming natahimik at nag-focus sa panonood. Uuwi na pala kami bukas. Sigurado akong an'daming meeting ni Iñigo, well hindi naman sa sobrang dami kasi may kanya-kanya naman silang schedule pero baka maging busy nanaman siya. Hindi pa nga namin napapag-usapan ang nangyari kagabi, I waited for him to call me but he didn't. He came home when I'm asleep. He didn't open the topic about what happened last night. Why it hurts so much?

"What's wrong? You're too quiet." I sighed deeply.

"It's because of you Iñigo! I want to punch your face for you to feel my anger and pain! I want to hate you...." I stopped when I realized how loud my voice was, "...but I can't." I whisper. He hugged me.

"Ang tagal kong naghintay kagabi sayo! I even busied my self just to calm my mind and to give my self inner peace. Monthsarry natin yun Iñigo! Monthsarry! Kung hindi sayo espesyal sayo pwes sa akin Oo." Mahina ngunit madidiin kong sabi. Sinubukan kong tumayo pero lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin. He planted a kiss to my hair and gently caressed it.

"I'm sorry...look, I didn't mean it. I swear!" itinaas niya ang kanang kamay niya na parang nangangako. "I'm sorry if I made you wait for too long. I tried to call you but your phone was off. Kasama ko si Mama at Clarice that time. Hindi kita sinama kasi alam kong hindi ka comfortable dahil nando'n si Mama. Alam kong magagalit ka lang kasi nando'n si Clarice.

"At ngayon, kahit hindi kita isinama alam kong galit karin. I'm sorry Natasha, gusto ko lang naman iiwas ka sa kanila. I know you're mad..Hindi pa naman tapos ang araw diba? April 6 parin ngayon, where do you want to go?" I sighed deeply. Hindi naman kasi ako galit sa kanya pero nagtatampo lang ako.

"Sorry din, may mga bagay lang talaga sa isip ko na bigla-bigla nalang nagpapakaba sa akin.." maghigpit ko siyang niyakap pabalik. "Dinner date? Sa baba nalang. Sayang bayad natin dito, ang mahal mahal pa naman!" He chuckled lowly.

"Babayaran pa rin naman natin yung food na o-orderin nating food" Napadalawang-isip ako. Tutal nakasahod naman na 'ko ay maghahati nalang kami.

"Hati nalang tayo sa payment" I smiled widely.

He shook his head.

"No."

"Hati na tayo!"

Matalim niya akong tiningnan. "Hindi Natasha."

"Love!" Pasigaw kong saad.

He sighed. "You win. Dinner date, maghahati tayo sa payment."

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now