Chapter 12

42 6 0
                                    

Happy monthsarry 

Konti lang ang mga tao dito sa pinuntahan namin ni Cheryl. Some people were familiar to me. Madalas kasing nagv-video call sa akin si Che nung nasa Isabela pa ako tapos pinapakilala niya yung co-teachers niya. Kaya pala niyaya nIya ako dahil kilala ko ang may birthday, although kahit hindi ko naman kilala ay sasama ako para may kasama si Cheryl. I don't want her to be out of place.

"Hey, happy birthday Marine! It's nice to see you. You're stunning" bati ko sa babae sabay beso sa kanya. She turned 24 today. We became friend when she visited Isabela. 

She kissed me on my cheeks. "Thank you Natasha, I'm glad you're here" masayang bati niya. 

"Nagkataon lang na nandito rin kami ng..." i paused. Ayokong sabihin sa kanila. "Nagkataon lang na nandito rin ako. Saglit lang ako dito ha? May gagawin kasi ako, I'm really, really sorry Marine" I gave her an apologetic smile. She just nod. 

Iwinasiwas niya ang kamay niya na parang nagsasabing okay lang. "Don't be sorry, mukha nga ako yung naka-abala sayo eh." She laughed. "Kuha nalang kayo ng foods okay? May pupuntahan lang ako" Saad niya bago kami iwan.

Naupo kami ni Cheryl sa isang table at nakaharap sa dagat. It's already 5:30 pm papalubog na rin ang araw. Naghalo ay kulay lila at kulay pula sa kalangitan. I couldn't help but admire what I saw. Cheryl stood up to get some drinks. Sa kabilang banda ay nakita ko ang isang babae. Naka black bikini siya at nakatingin sa akin. Clarice is beautiful. Indeed, pero ang sama ng ugali niya. I don't even know if she pretends to be nice in front of other people or what. She cut off the stare by rolling her eyes. She's a bitch. 

Cheryl handed me a glass of wine. I took it and sipped. Sana naman ay hindi ako malasing. Sabi ko ay isang alak lang at pupunta na ako kay Iñigo but I found myself drinking alcohol one after another. Nang tumayo ako ay parang umikot lahat. I lost my balance kaya napahawak ako sa upuan. My gosh Natasha, what the hell did you do!? 

"Are you okay? Ihahatid na kita baka kung saan saan ka pa pumunta." Inalalayan ako ni Cheryl pabalik sa hotel. Habang naglalakad ay hindi ko maiwang masuka. Napaupo pa ako sa buhanginan at nang mahimasmasan ay tumayo na ako.

"Okay lang ako. Maliligo nalang ako pagka-akyat ko." Nang makapasok na kami sa hotel ay sumakay agad kami ng Elevator. Pagkatunog ay dali-dali akong lumabas. Sakto namang nakita ko si Iñigo, tatawagin ko na sana siya kaso pumasok siya sa isang kwarto. Parang nawala ang pagkahilo ko at pagkalasing ko sa nakita. Nag-aalalang tumingin sa akin si Cheryl ngunit umiling ako.

"Baka nandiyan yung room ng mama niya. Hayaan mo na, akyat na ako" I tried to smile. 

***

Pabagsak akong humiga sa kama. Kaka-alis lang ni Cheryl dahil hinahanap na daw siya ni Marine. Huminga ako ng malalim bago tumayo para maligo. Hindi pa rin nakakabalik si Iñigo, nag-aalala nanaman tuloy ako. Habang patagal ako nang patagal sa bathroom ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Nang matapos ay dumiretso agad ako sa kama para tawagan si Iñigo pero nakita ko ang cellphone niya sa side table kaya hindi naituloy. Hindi pa naman siya nakabihis kanina kaya babalik siya dito. Alam ko naman yung lugar kung saan siya nagpareserve kaya bumaba na ako. Mag-isa lang akong naglalakad sa mga pasilyo nang makasalubong ko ang mama niya. She's smiling, I wonder what's the reason.

"Good evening Madam" I tried to be formal. Ngumiti lang siya sa akin at naglakad paalis. I shrugged, siguro ay papunta na rin si Iñigo or baka nga nandoon na siya. 

Pagkarating ko sa seaside ay sobra akong namangha, Ang formal formal naman dito. May dalawang upuan at pabilog na lamesa na may mga kandila at roses. May lalaki din sa gilid at mag hawak na gitara. Sa tingin ko siya yung tutugtog mamaya. May wine sa harap ko kaya sumimsim muna ako dito. I checked my phone, it's already 7:00 pm but Iñigo isn't here yet. Minutes had passed pero ni anino niya wala. Tumayo muna ako para kunin ang camera sa taas. I forgot to bring his camera. 

Tinawag ko ang waiter, "May kukunin lang po ako saglit sa taas, 'pag dumating po ang kasama ko sabihin niyo po may kinuha lang. Thank you po" Bumalik agad ako sa hotel para pumunta sa kwarto namin. Ang ganda pa naman ng view sa baba kaya mas maganda kung may picture ako. 

Lakad-takbo ang ginawa ko nang makalabas ako sa elevator, baka kasi nando'n na si Iñigo sa baba at kanina pa naghihintay...ayoko namang maghintay siya ng matagal sa'kin. 'Pag ka-bukas ko ng kwarto ay nakita ko ka agad ang camera. Akala ko nga ay nandito siya para magbihis pero wala. Baka dumiretso na. Inayos ko muna ang mga naiwan kong kalat kanina para 'pag-akyat namin ay malinis na at wala na masyadong lilinisin. Habang naglilinis ay nakita ko ang cellphone niya, kinuha ko ito at ibinulsa para mabigay sa kanya 'pagdating niya. 

Habang papalabas ng hotel ay nagiging malamig ang mga kamay ko at parang sasabog ang puso ko sa kaba. Ilang beses akong huminga ng malalim pero bago pa ako makapunta sa table namin ay nauna na si Iñigo at kasama niya si Clarice. Akala ko ay aalis na si Clarice pero naupo pa siya sa pwesto ko. Kunot ang noo niya habang kausap ang waiter na kausap ko rin kanina. May hawak siyang cellphone kaya napatingin ako sa hawak ko. Shocks kay Cheryl pala 'tong cellphone. Agad akong tinawagan si Iñigo. Isang ring lang ay agad na niyang sinagot ito. Nakita ko siyang tumayo at naglakad palayo sa table nila.

"Hi, nandiyan ka na ba? 'Pag punta ko kasi wala ka pa." bungad ko sa kanya. 

["Not yet. I'm still with mom...naghintay ka ba ng matagal sa 'kin?"] Paharap siyang umupo sa buhanginan at itinungkod ang dalawang kamay sa likuran.

Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "Hmmm..Hindi kakarating ko lang din kanina kaso umakyat ako. Kinuha ko yung camera mo" I chuckled but I knew in my heart that I wasn't happy. Why does he have to lie to me? Pwede naman niyang sabihin na kasama niya si Clarice at silang dalawa lang. Umalis na ka-agad ako para bumalik sa room namin. I don't want to fool myself. 

["Still there? I'll call you later, okay?... bye love"] sabi niya 

"Bye. See you later" sabi ko bago pinatay ang tawag. 

Ano kayang pinag-usapan nilang dalawa? Is it about their engagement party? I sighed heavily. I don't know what to do. Insecurity kills me, Madam Enrile likes Clarice for her son, What about me? Akala niya pineperahan ko lang ang anak niya. A tears rolled down over my cheeks, I immediately wiped my tears so my makeup don't ruin. 

Pasado Alas-Onse na nang gabi ako nagising, I quickly check my phone if iñigo texted me pero wala man lang ni-isang text galing sa kanya. Ayokong bumaba dahil ayokong makita sila. Umorder nalang ako ng cake para ibigay kay iñigo mamaya, Red velvet cake ang binili ko kasi favorite niya daw yun. I tried to call him but he's not picking up his phone. 

"Happy monthsarry" I whiper as i blow the candles. It's 12:00 am. I cried silently, I want to hate him but my mind keep telling me that I need to hear his side. I need to know his reason. Unang away palang namin ito..paano nalang kung may iba pa kaming away? 




Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now