Chapter 16

29 5 0
                                    

Warned

Abot tenga ang mga ngiti ko ngayong araw. Bukod sa magandang pag-gising ay ngayon ang dating ni papa. Nakakuha na kasi siya ng nga trabahador at mag-mamanage doon habang wala siya. Isang linggo lang daw siya dito sabi ni mama, gusto ko sanang isang buwan kaso may mga ginagawa pala siya sa Isabela. Mabuti nalang at sabado ngayon, meron naman akong pasok kaso half day lang lalo na't wala si Iñigo. Pero ang masasayang ngiting yun ag napalitan ng kalungkutan. Simula kasi kahapon ay hindi parin ako nakakatanggap ng text galing sa kanya. Kaya naman...

To: Iñigo♡♡

Hey love, are you busy?

I miss youuu

Kailan ang balik mo?

Nagtatampo na 'ko ha! Hindi mo manlang ako tinatawagan

Nakangusong binitawan ko ang cellphone at malalim na bumuntong hinga. Maya-maya pa ay nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya agad kong kinuha yun.

From: Cheryl

Balita ko ngayon ang luwas ni tito

Susunduin niyo ba siya?

Sapo sa noo ang ginawa ko. Masyado ka kasing nage-expect! Tss. Labag sa loob kong nireplayan yun.

To: Cheryl

Oo, hindi naman niya alam ang papunta dito HAHAHAHA

Hindi na rin siya nag-reply matapos ang text ko. Gusto kong libangin ang sarili ko pero nalulungkot lang ako. Why do you have to do this Iñigo? Gano'n ka ba talaga ka-busy para hindi mo manlang mabuksan o mahawakan yang cellphone mo? Bakit kailangan mo 'kong paghintayin sa mga text o tawag mo.

Matapos magmumok ay naligo na ako at mabilis na nag-ayos. Kailangan ko kasing i-review yung mga documents bago ipa-pirma kay Iñigo pagkabalik niya. Pagkababa ko ay nakita ko agad sila mama na nag-aalmusal, ang pamangkin ko naman ay nasa lapag habang nanonood.

"Oh, aalis ka na agad? Kumain ka muna nang hindi ka magutom doon." Mabilis na nagsandok si mama at ibinigay sa akin. Napatingin naman ako sa orasan at maaga pa naman. Wala akong ibang nagawa kundi ang makisalo sa kanila at tahimik na kumain.

"Walang imik ah? Problema mo sis?"

Umiling ako. "W-Wala naman...si kuya Franz pala, nasaan?" Pag-iiba ko sa usapan.

"May trabaho siya." Seryosong sabi niya at seryoso ring nakatingin sa akin. "May problema ka, alam ko. Sasabihin mo sakin o sasabihin mo sakin?"

Gusto kong matawa sa sinabi niya. 'Sasabihin mo sakin o sasabihin mo sakin??' Anong klaseng tanong yan!

"Wala nga kasi ako–"

"Pwes hindi ako naniniwala! Malungkot yangmga mata mo! Ano? Si Iñigo ba?" Singhal niya. Nag-iwas ako ng tingin at marahang tumango. "Anong ginawa sayo nun? Sinasabi ko sayo kapag sinaktan ka non baka paglamayan yung hayop na yun–"

"Ano ba yan Alex, Kumakain tayo! 'Wag kang magmura at sumigaw sa harap ng pagkain." Mahinahong sabi ni mama. Parang bata namang nakanguso si ate at masama ang tingin sa akin. What the hell did I do to you?!

Nang matapos kumain ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Si ate naman ay hindi ako kinausap hanggang pagkatapos naming kumain. Dahil wala akong kotse ay nagtaxi nalang ako–hindi naman kasi malayo pero tinatamad akong maglakad.

Heavy atmosphere..'Yan ang bumungad sa akin nang makarating ako sa VW. Lahat ng tao ay tahimik at puro bulungan lang ang nagbubulungan. Bawat hakbang ay parang may taong pinag-uusapan ka at matang sinusundan ka. Parang may nangyari kanina nang wala pa ako. Ramdam ko ang pagtambol ng puso ko–hindi dahil sa tuwa kundi sa kaba. Masyadong seryoso ang mga tao sa paligid ko.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at tuloy-tuloy na pumasok sa opisina ko. Mukhang madami-dami ang gawain ko today. Dahan-dahan akong umupo at nagsimulang magbasa...kahit na sumasakit na ang mga mata ko ay itinutuloy ko lang ang ginagawa ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay bigla nalang bumukas ang pintuan. Agad akong napabalikwas ng upo at biglang napatayo. Halos hindi ko na malaman kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko...

"M-Madam Enrile..." yumuko ako bilang pagrespeto. Nang iangat ko ang tingin ko ay seryoso parin siyang nakatingin sa akin kaya mas Kinabahan ako. "H-Have a s-seat maam" umupo siya sa single sofa at tahimik paring nakatingin sa akin. Ang secretary naman niya ay ganoon din pero sa t'wing magkakasalubong ang paningin namin ay ngumingiti lamang ito.

"Leave us alone Shelley. We need to talk privately." Madidiin niyang sabi. Sinunod naman siya nito at dahan-dahang isinarra ang pinto. Ngayon ay dalawa nalang kami. Inilagay ko ang kamay ko sa likod ko at palihim na pinaglalaruan yun.

"Pa-prangkahin na kita Ms. Santiago...Hindi kita gusto para sa anak ko. Ilang beses na kita binalaan pero hindi ka natitinag. Ganyan ba kahalaga ang pera ng anak ko at hindi mo siya malayo-layuan?!"

"Hindi ko po kailanman pinerehan ang anak ninyo at ni minsan ay hindi po sumingit yan sa utak ko. Bakit po ba pati relasyon namin ay pinapakealaman niyo pa?" Pilit kong pinatatag ang boses ko kahit na nangingilid nanaman ang mga luha ko.

"Hindi ko gusto ang lahat sayo kaya lumayo ka kay Iñigo! Masyado kang.." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "..mababa para sa kanya. Umiwas ka sa kanya o hindi kaya umarte ka na parang hindi kayo magkakilala. Hanggang maaga pa lang ay gawin mo na."

"Bakit ko naman po lalayuan ang anak ninyo?"

Halos mamula na siya sa pagpipigil ng galit. "ito na ang pangalawang beses na sinabi ko sayo..Ikakasal-na-siya kaya lumayo ka na! Naiintindihan mo ba?...balita ko ay may planta raw kayo sa isabela? Kayang kaya kong sirain ang pinagkukunan niyo ng pera sa isang iglap lang kaya 'wag na 'wag mo 'kong kalabanin. Tandaan mo ang sinabi ko dahil baka manlumo yang mga tuhod niyo dahil sa gutom." Gigil na gigil niyang sabi. Ambang lalabas na siya ng pinto pero napatigil siya at nagsalita muli.

"By the way..My son and Clarice are in Hawaii planning their wedding . Magiging masaya ka naman para sa kanila diba–kahit 'wag na pala." Dagdag niya pa bago umalis.

Ni walang boses ang lumabas mula sa mga bibig ko. At paulit-ulit na naririnig ang huling sinabi niya?

My son and Clarice are in Hawaii planning their wedding 

My son and Clarice are in Hawaii planning their wedding 

Nanginginig kong pinunasan ang kumawalang mga luha ko. Bakit ba kailangan kong masaktan ng ganito? Tsk. Ang ganda pa naman ng gsisng ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ko–masyadong magulo. Gusto ko munang huminto. Bakit parang ang bigat nanaman ng nararamdaman ko?

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now