Otso - Sero & Lucifer

12.4K 400 3
                                    

Devil

Ang naisip ko lang naman na paraan based don sa sinabi sakin ni lola ay yung pagkikipag kuntsaba ko sa kanya na palabasin na ginalit ko sya para kapag pinatawag nya ako, makaka-usap ko na rin ang 3SP.

Di ko naman intensyong pumatay dahil lang gusto ko silang maka-usap no! May puso din ako gaya ng saging! Haha!! Tawa kayo!! Nag-joke ako!! Haha!!

"Viper Gang... Malapit ko na kayong mahanap... Konting panahon na lang." Bulong ko sa sarili ko.

Nandito na nga pala ako sa bahay ko. Ang totoo nyan, solo ako dito. Ayoko kasi nung may aali-aligid sakin kahit sa bahay lang. At least dito, nagagawa ko lahat ng naisin ko dahil walang istorbo.

*gruuu*

"Nagugutom na ako... Mabuti pa, titingin ako sa ref ng pwedeng kainin..=3="

Bumaba ako sa kusina at pagbukas ko ng ref... Walang pagkain?!!

Ayoko naman sa mga fast food chains at restaurants. Gusto ko, kahit sunog o di masyadong luto yung luto ko, yun ang kakainin ko. Syempre!! Para masanay ang katawan ko sa lason!! Haha!! Nilait ang sariling cooking skills? Haha!!

9 palang naman kaya bukas pa ang mall. Mamimili muna ako! ^_^

Sumakay ako sa motor ko ng nakasuot ng loose jacket na kulay brown na hanggang hita at pantalong itim. Naka-rubber shoes din akong itim.

Pagbaba ko ng motor, pumunta agad ako sa Grocery ng mall.

"Teka... Ano bang gusto kong lutuin?? Ah!! Syempre, bigas muna! Tapos, gulay! Hmm! Hmm!" Sabi ko sabay tango pa sa hangin.

Pumunta agad ako sa bigasan at kumuha ng isang sakong bigas.

Syempre, para di na ulit ako bumalik dito, isang sako na!

Binuhat ko naman yun at nilagay sa dala kong cart.

"Ang lakas naman nya..."

"Oo nga... Nabuhat nya yung isang sakong bigas ng walang kahirap-hirap!"

Hala? Ngayon lang ba sila nakakita ng nagbuhat ng isang sakong bigas? Ang gaan nga non e.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon