Bente Uno - I like you!

9K 301 4
                                    

Devil

"Lola. Patay na yung undercover nyo sa Viper Gang. Napag-alaman ko na nakalibing na sya. Akala ko nga, may meeting lang sila kaya andun sya pero wala akong nadatnan don." Sabi ko kay Lola.

Andito ako sa invention room ko at si Compie ulit ang gamit ko sa pagtawag kay Lola. Baka kasi may mang-hack sa tawag namin at nakikinig na pala.

["Ganon ba? Magpapadala muna ako ng bulaklak sa pinaglibingan sa kanya."]

Ang bait talaga ni Lola na boss. Kaya lang, ayokong maging under nya. Mas gusto ko ang malaya.

"Sige, Lola. Condolence dahil namatayan ka ng tapat na under. Nga pala, malapit ng mag-finals exam ngayong 1st sem."

["Alam ko. Bakit? Fully paid ka na naman a?"]

"Hindi po yun ang ibig kong sabihin. Ang gusto kong sabihin, malapit na po akong umalis."

Natahimik naman sya sa kabilang linya.

Hayy... Di pa nga ako naalis, miss na agad ako ni Lola.

"Lola, aalis lang ako at hindi mamamatay. Umimik naman kayo."

["Anong gusto mong sabihin ko? 'Ahh talaga? Congrats! Pasalubong ah?' Ganon?!"]

"Haha! Pwede rin!"

Ito talagang si Lola, napaka maloka pa rin kahit nalulungkot na. Sana matagalan kong di sya kontakin.

"Pero Lola... Mami-miss talaga kita. Ingatan mo ang sarili mo a? At wag kang magpapatalo sa kahit anong laban! Pero wag din kayo basta basta susug--"

["Alam ko yun no! Ano ako? Ang apo mo at ikaw ang Lola ko?! Baliktad na ba ngayon?! Wag ka ngang ganyan, Vex! Pinapaiyak mo ako!"]

"Haha! Lola talaga! Basta, ingat kayo habang wala ako. Pero wag kayong mag-alala. Kahit nasa malayo ako, babatayan ko pa rin kayo."

["Ikaw nga dapat ang binabantayan ko! Alam mo namang paborito kitang apo!"]

"Lola... Wag ka nang mambola. Paano ba namang hindi, ako lang ang apo nyo no. Mag-ampon na lang kayo ng bata. Pero wag nyong tuturuan ng ginagawa natin a? Baka palitan nya si Xenon at magagalit pa yun. Haha!"

["E pano nga ba sila?"]

"Magpapaalam ako sa kanila sa mismong tapos ng exam. After non, aalis na ako dito."

Natahimik na naman sa kabilang linya.

"Wala na naman akong ibibilin kasi alam kong alam nyo na ang gagawin dito sa bahay ko at sa mga ari-arian ko. Wag nyo nga lang pala basta basta itatambak ang mga kotse ko. Pwede nyo silang gamitin basta sabihin nyo lang sa system nila na authorized kayo. Wag nyo rin pala ito parerentahan kasi baka makita nila ang mga inventions ko."

I'm really leaving my comfort zone a week from now. 3 days ang finals; Wed, Thurs at Fri. Friday ng gabi, handa na ang mga gamit para umalis. Bumili na rin ako ng apartment on line sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat para sakin. Kahit gustong gusto kong dalhin kahit si Lambi man lang, di pwede kasi baka ma-trace ako.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon