Trenta y Uno - Shocked

7.1K 259 11
                                    

Devil

Andito na ulit ako sa apartment ko at nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko sa bago kong titirhan. Dun sa SP's Den. Dun nagpapalipas oras ang members ng Satan's Peers kaya bihira lang sila don. Si Lola naman, nangako sya sakin kaya di pa rin sya makakagala don. Si Sero naman, malalama't malalaman pa rin naman nya na don ako titira. At tsaka hindi rin naman sya don nag-i-stay kaya solo ko pa rin yun. At tska doon, walang mga bantay kasi alam naman nilang mas mapanganib kami kesa sa mga tao sa labas.

Nilagay ko sa bag ko yung mga gamit na dala ko noon papunta rito. Ang mga weapons ko at pati na rin yung board ko. Yung mga damit naman na nagamit ko bilang si Slayer ay iiwan ko na lang dito. Donation ko na lang sa susunod na rerenta dito.

Inaayos ko na ang teleporter watch ko nang biglang may kumatok sa pinto.

*tok *tok *tok

Pinagbuksan ko sya ng pinto at tumambad sakin ang mukha ni Blake.

"Saan ka pupunta? Bakit dala mo ang mga gamit mo?" Tanong ko sa kanya.

"Dale, dito muna ako ha? Mga 2 days lang naman. Umalis kasi yung mga tao sa bahay namin na di man lang ako sinabihan. Pati mga katulong yata isinama na nila. Tutal wala ka namang kasama dito, naisip ko na lang na samahan ka dito. Tutal pareho naman tayong alone." Mahaba nyang paliwanag.

"Sige. Dito ka na lang." Pinapasok ko sya at kitang kita sa mukha nya ang sobrang tuwa at galak.

"Talaga?! Naku salamat!" Sabi nya. "Hehe... Makakatabi na kita pagtulog." Bulong nya.

Napaismid na lang ako sa binulong nya. Sorry, Blake. Hindi yun mangyayare kahit kailan.

"Teka? Bakit dala mo rin yang mga gamit mo? Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Aalis na ako dito. May lilipatan na ako. Sakto namang nandyan ka na, ikaw na lang ang mag-renta dito. Iniwan ko na rin ang nga damit ko dito para sana sa susunod na rerenta. Pero okay lang naman kung sayo na."

"Ha?! San ka pupunta?! Sasama ako!" Parang bata nyang pagpupumilit.

"Pupunta akong impyerno. Sama ka?"

"Oo ba! Basta kasama ka!"

"Pwes, pauunahin na kita."

"Ay, hindi pwede. Sabay tayo."

"Pauunahin nga muna kita bago ako sumunod sayo."

"Baka kasi kapag nauna ako, magbago ang isip mo at magpaiwan ka na lang dito. Lugi naman ako." Paliwanag nya.

"E di maiwan ka na lang dito." Sabi ko tapos lumabas na ako. Sumunod din naman sya.

"San ka nga pupunta? Sasama ako. At tsaka kung aalis ka, paano na yung street fighting? Iiwan mo na lang basta?"

"Okay lang. Malaki laki na rin naman ang naipon ko mula don at may bago naman akong pagkakakitaan."

"E san ka nga kasi pupunta?!" Inis nyang tanong.

"Sasabihin ko sayo pero hindi ka pwedeng sumama. Kahit anong pilit mong sumama sakin, di ka pa rin makakapasok dun sa bago kong tutuluyan."

"Tingnan na lang natin. Saan ba yan?"

"Sa Satan's Peers' Den." Sabi ko tapos natigil naman sya sa paglalakad.

Nang medyo makalayo na ako, natauhan naman sya at hinabol ulit ako.

"Hoy, hindi ka rin pwede dun no! Di ka naman SP!"

"*smirk* Sigurado ka?" Pagmamayabang ko.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon