Bente Dos - Goodbye Devil. Hello Slayer.

9.5K 282 8
                                    

Devil

Nakitulog ako nung Tuesday night kina Devon para mag-aral sa finals. Natapos ang finals namin ng matiwasay. Nag-celebrate kami ng barkada at dinalaw ko muna si Lola bago ako umuwi. At hindi na rin naman napag-usapan ulit yung samin ni Ziff.

At ngayon nga, nag-aayos ako ng mga dadalhin ko.

"Compie. Iiwan ko na sayo sina Lambi, Budgie at ang iba ko pang inventions. Yung bahay, wag mong hahayaang dumumi. At wag kang magpapasok dito except kay Lola. Nasabi ko na sa kanya yun. Kokontakin na lang kita if I need anything." Bilin ko sa kanya.

"I will, Devil."

"At tsaka dadalhin ko tong communicator ko sayo para kontakin ka para walang makapang-hack satin. At tsaka itong teleporter pati na rin yung mga weapons ko. Pati pala yung board ko, dadalhin ko. Pati na rin yung wig ko at voice changer. "

"Okay, Devil."

I sighed.

"Mami-miss kita, Compie. Para na kitang nanay dahil sa pag-aalaga mo sakin pag may sakit ako. At tsaka lagi kitang maaasahan."

"Wag kang madrama Devil. Kasama mo naman ako sa pag-alis mo. May communicator ka di ba?" - Compie

"Aba ginaganyan mo na ako a?! At anong madrama?! Patayin kita jan e."

"Sinasabi ko lang ang observation ko. Pasensya na, Devil."

"Okay lang. Di ka na mabiro." I smiled.

Kinuha ko na yung backpack ko na ang laman ay puro weapons.

5 pistols, 5 Calibers, 5 silencer, maraming sets ng bala, shurikens, kunais, daggers at yung deadly thread ko ang laman nito pero di pa rin mabigat.

Hawak ko naman ang board ko at nasa tabi ng relo ko yung teleporter. Nasa tenga ko naman yung communicator.

Pininindot ko na yung teleporter papunta sa destinasyon ko.

Di ako pwede sumakay sa eroplano dahil baka makulong muna ako bago ko pa maumpisahan ang plano ko. At tsaka tipid oras din. Wala dapat akong oras na sayangin para mabilis akong makabalik dito.

"Nga pala, Compie. Nabayaran mo na yung rerentahan ko?" Tanong ko kay Compie sa communicator sa tenga ko. Andito na kasi ako sa destinasyon ko.

"Hindi pa Devil. Ang sabi mo lang naman kasi, ihanap lang kita ng apartment."

"HAAA??!!!" Sigaw ko.

"Miss? Are you okay?" Katok ng isang babae sa cubicle na kinalalagyan ko.

Dito kasi ako nagteleport para di halatang biglang may lumitaw na babae sa lansangan.

"Yeah! I'm fine! Sorry!" Sabi ko at dali dali akong lumabas doon sa restaurant.

"Did you saw her come?"

"No. I just saw her now."

Yan ang bulungan ng mga nagtatrabaho sa restaurant.

Naglakad ako papunta kung saan. Araw naman dito kaya okay lang.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon