Bente Nuebe - SHIT!

7.4K 254 8
                                    

This chapter is dedicated to ImRealAndFantasy .

Slayer

"Uy! Mamaya na ang laban ko para sa nomination. Manood ka ha? Panoorin mong manalo ako at maging nominee ni Sero. Tapos, panoorin mo naman akong maging Satan's Peers!" Masayang sabi ni Blake sakin.

As usual, andito na naman sya sa lungga ko. At sinabi nya sakin na nabasa nya daw yung sulat ko sa may pintuan kaya di na sya tumuloy. Pinuri ko pa nga sya kasi himalang di na nga sya dumaan sa bintana gaya ng sinabi ko sa kanya noon.

Isang linggo na rin ang nakalipas after nung ingkwentro ko kina Blaze at Joker. Nabalita na agad sa G-World yun at ang dami talagang natakot dahil nung bumalik ako sa Hell City, walang kahit isang member ng Viper Gang. Pero baka nagsasanay lang sila para sa laban namin. At wala man lang akong naririnig na ginagawa ni Sero. After all, under pa rin nya sila at no. 1 pa.

"Ayokong manood." Simpleng sagot ko kay Blake.

"And why?! You should support me! I'm the most handsome at strongest contestant there."

"Contestant? Pfft! Ano yan? Beauty pageant? Haha!"

"Whatever. Pero panoorin mo ako, dali na kasi!"

"I'll think of that. May sumali ba sa Vipers?" I asked in curiosity.

"Yeah. Pero tanggal na agad sila."

"Why?"

"Patay na sina Blaze at Joker e. Di ba nga, nabalita nang napatay sila ng kung sinomang halang ang kaluluwa na yon? Sila lang naman ang sumali kasi feeling nila, may kakayanan silang talunin ako. Yan tuloy, karma." He explained.

"Kapal talaga ng mukha mo no? Pero speaking of Vipers, bakit wala akong nakikitang members nila sa Hell City? San ba sila nagtatago?"

"Hindi sila nagtatago. Nagsasanay sila dahil dun sa banta nung pumatay kina Blaze. Di ko lang alam kung san sila nagsasanay."

"E si Skull? Di ba sya sasali sa nomination?"

"Bakit pa? Ayos na sa kanyang maging leader kasi marami syang under. E kung magiging SP sya, may under nga sya pero di nya matututukan yon."

"Kung ganon, lalo akong walang ganang manood." Sabi ko sabay higa sa kama ko.

Susunod sana sya sa paghiga pero pinigilan ko na agad.

"Subukan mong tumabi sakin at sa kabaong kita pahihigain." Pagbabanta ko.

"Tss. Ang arte. Para ka talagang babae. Ayaw mong magpatabi kahit parehas naman tayong lalake. Pwera na lang kung bakla ka at nagkakamalisya ka na sakin?" Tanong nya habang taas baba ang kilay nya.

Binato ko naman sya ng isang unan.

"Sira! Ikaw nga ang mukhang bakla satin kaya nakakabahalang matabi sayo. Baka mawala ka sa sarili mo at magtransform ka. From Blake to Beth."

"Gago ka! Wala na sakin yun!"

"So date meron? Sabi ko na nga ba e."

"Gago!"

"Pakshet ka. Nasa teritoryo kita. Matuto kang rumespeto. Basagin ko mukha mo e."

"Yabang. Labanan mo na lang ako sa nomination nang magkaalaman tayo."

"Alam kong alam mong mas malakas ako sayo. Wag ka nang umasang mananalo ka sakin." Pagmamayabang ko.

"Pero seryoso. Kung lalake ka talaga, bakit wala kang bukol jan?" Turo nya sa pantalon ko.

Nakahiga kasi ako na nakabukaka at open arms habang nakatingala sa kisame.

"Ay siguro maliit lang. Pero parang wala talaga e." Sabi nya habang titig na titig sa pantalon ko.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon