Bente Siete - Pervert!

7.8K 249 3
                                    

Slayer

"Anong ginagawa mo dito? Kinikilabutan na ako sayo, alam mo ba yun? Bigla bigla ka na lang nasulpot dito sa lungga ko." Sermon ko kay Blake na nakahiga sa kama ko.

Kakalabas ko lang ng banyo dahil naligo ako. Buti na nga lang at nasanay na akong sa banyo nagbibihis bago lumabas. Buti na nga lang at dala ko rin sa banyo yung wig at voice changer ko. Nag-iingat na nga kasi ako dito sa lalaking 'to e!

"Gusto ko lang. Akala ko dadatnan kitang tulog. Tatabihan sana kita." Sagot nya.

"Nakatabi mo na naman ako dati di ba? Kaya tigilan mo na yang pangangarap mong tabihan ulit ako. Mangilabot ka naman jan!"

"Iba naman kasi yung date. Hindi ko pa kasi alam noon."

Hala? Alam na nya? We? Echosero lang yan.

"Alam ang alin?" Kalmado kong tanong. Baka mapaghalata ako e.

"Hindi ko pa kasi alam noon na bakla pala ako." Sabi nya tapos tiningnan ako sa mata ko.

Binato ko naman sa pagmumukha nya yung twalya sa balikat ko.

"Gago ka! Lumabas ka na nga! Baka halayin mo pa ako rito!"

"Oo nga no?" Sabi nya saka dahan dahang umupo sa kama ko. Pagkalaglag ng twalya mula sa mukha nya, lumitaw ang nakakalokong ngisi nya.

Creepy...

Nangilabot na lang ako sa itsura nya.

"Ang gandang idea nung sinabi mo. Halayin kaya kita ngayon?" Sabi nya tapos tumayo sya sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat ko.

Nyete! Sira ulo talaga 'tong lalaking 'to!

Tinuhod ko ang pagkalalaki nya kaya napayuko sya. Tapos, kinarate chop ko yung leeg nya kaya natumba sya pero hindi naman sya nawalan ng malay.

"Dude, wag mo kong bibiruin ng ganon kung ayaw mong mailibing ng maaga." Sabi ko sabay buhat sa kanya at hinulog ko sya sa bintana.

Mabubuhay pa yun, wag kayong mag-alala. Nasa 2nd floor lang naman ang kwarto ko kaya mabubuhay pa yun.

Tatae tae kasi sya. Kung ano ano ang kalokohang pumapasok sa isip. At kung bakla nga talaga sya, dapat si Sero ang una nyang magugustuhan. Mas pogi sakin si Sero e. Di naman sa crush ko sya kasi hindi naman talaga, pero mas attractive yung mukha nya para sa mga babae at bakla.

Maya maya pa'y may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ko sya at alam ko naman kung sino yun.

"Nadala ka na? Baka gusto mo pang sa 5th floor kita ihulog?"

"Di ka naman kasi mabiro e. Masyado ka namang tensed."

"Paanong di ako mate-tensed? Baka bukas ng umaga, ibalita na lang; isang gwapong lalake, patay matapos lapain ng isang bakla sa sarili nyang apartment. Big news yun, uy!"

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon