Kwareta y Siete - Pride and Jealousy

6.7K 230 15
                                    

Devil

"O." Hinagis ko kay Sero ang hinihingi nya saking communicator at teleporter watch.

"Gumagana 'to ng ayos ha? Baka paasa ka lang." Tanong nya habang sinusuot ang communicator sa tenga nya.

"Try mo."

"Di ako maalam e. turuan mo ko."

"Ok." Nag-teleport ako papunta sa kusina ng bahay.

"Sira talaga ang babaeng yon! Sabi ko turuan ako, hindi iwan ako. Haist!"

Aba! Tawagin ba naman akong sira ngayong nakatalikod ako! Ay mali pala, hindi ko pala sya tinatalikuran ngayon e. Corny!

Pinindot ko yung button sa teleporter ko na nag-o-operate sa teleporter ni Clyde.

"Wha--?" Nakatanglang dumating si Sero sa tabi ko.

"Anong sabi mo kanina? Sira ako?" Tanong ko habang naka cross arms.

"Hindi a. Sabi ko, mahal kita." He smiled mischievously.

"Tanggi ka pa. Rinig na rinig kaya kita."

"Hayaan mo na yon. Maliit na bagay." Napairap na lang ako sa hangin.

"Paano nga pala gumana 'to e wala naman akong pinindot?"

"Alam ko kasing bano ka at may pagkatanga kaya ang ginawa ko, ako na lang ang magko-control sa pupuntahan mo. Kung nasan ako, dun ka rin mapupunta kapag ginusto ko."

"Wow, harap harapan mo kong sinabihang bano at tanga. Bait mo talaga! Hmm!" Pinanggigilan nya ang mga pisngi ko.

"Aray!" Tinampal ko ang kamay nya. "At least alam mong sayo ko lang sinabi! Honest ako, di kagaya mong back stabber!"

"Sus! Tampo ka naman agad. Di bagay sayo." Pinisil naman nya ang ilong ko.

"Aray! Mapanakit ka talaga no?"

"Ganyan ako maglambing. At ikaw palang ang nilambing ko ng ganyan."

"Kasi kung lambingin mo ang mga babae mo noon, halik agad, yakap, o ang malupet, sa kama agad."

"Bakit? Gusto mo ba lambingin din kita ng tulad non?" Inakabayan nya pa ako habang taas baba ang kilay nya.

Kinuha ko ang kamay nyang nakaakbay sakin at inikot ko yon papunta sa likod nya.

"Wag kang mag-alala, okay? Hindi ko gagawin sayo AGAD yon. Special ka sa lahat ng nakilala ko kaya gusto kong ang relationship natin ay matagal at maingat na bubuuin. Paghihirapan kong maging tayo para memorable para satin pareho." He assured.

"Special ako para sa isang special child na gaya mo." I said tapos binitawan ko na sya.

"Inamin mo rin na para ka lang sakin. Kasi pareho tayong special. Haha!"

"Oo na lang. Dami mo kasing satsat." Sabi ko at naghalungkat na lang ng pagkain.

"Wag mo naman ako sagutin agad. Kakasabi ko pa nga lang na gusto kong matagal ang ---. Aray!"

Binatukan ko sya dahil sa mga katangahan nyang nalalaman.

"Ang daldal mo, alam mo ba yon?! Sisipain na kita sa susunod. Wala ka ng ibang alam kundi ang landiin ako. Landi mo!"

Natahimik sya bigla at nag-poker face.

"E di wag. Ngayon na nga lang ako naging ganito kaseryoso sa isang babae tapos babaliwalain mo lang at itatapon lahat ng effort ko para magpapansin at maglambing sayo." Sabi nya in a serious tone saka nag-walk out.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon