Bente Cingko - Street fight

8.4K 267 3
                                    

Slayer (lalaking version ni Devil)

Lumabas ako sa appartment para bumili ng makakain. Lilibutin ko na rin ang paligid para alam ko kung san ako pwedeng dumaan pauwi kapag hinabol na ako ng mga polis. Ilegal kasi ang street fighting dito. Kahit san naman.

Nilabas ko sa paper bag ko ang isang mansanas at nilantakan ko yun habang naglalakad at pasimpleng nagmamasid.

Biglang may lumapit na lalaki sa gilid ko at tinutukan nya ako ng kutsilyo.

"Give me your things. Don't shout or I'll kill you." Bulong nya.

Inabot ko naman sa kanya yung dala kong paper bag na puro pagkain, shampoo at sabon.

Buti at di pa ako nabili ng napkin.

"Your watch." Turo nya sa teleporter watch ko.

"No. You can take that but not this one. Bye." Sabi ko at tinalikuran ko na sya.

Hinabol naman nya ako at inilapit sa tyan ko yung knife nya.

"If you won't give that to me, I'll kill you." He threatened.

"*smirk* You'll kill me? Then try it."

Sasaksakin na sana nya ako pero hinampas ko sya sa ilong nya gamit ang ilalim ng palad ko kaya napaatras sya at nabitawan nya yung paper bag ko. Pagharap nya sakin, dumudugo na yung ilong nya.

"How dare you?!" Asik nya sakin at sinugod nya ako ng saksak.

Pinagtinginan naman kami ng mga tao sa paligid. Yung iba nagbubulungan. Yung iba naman, nagpapanic, natawag ng polis at meron pang gusto kaming awatin pero di naman makalapit.

Iwas lang ako ng iwas sa kanya at lumaki na ang butas ng ilong nya dahil sa inis. Di pa nya kasi ako natatamaan.

Tumigil ako sa pag-iwas at humikab para insultuhin sya saka ko binulsa ang dalawa kong kamay. Lalong lumaki ang butas ng ilong nya at namula sa galit. Kulang na lang talaga, umusok sya.

Sasaksakin na naman sana nya ako pero bago pa sya makalapit sakin, umikot ako para bumwelo ng isang malakas na sipa. Tumalsik sya at nagiwasan naman ang mga taong tatamaan sana nya. Dun sya bumagsak sa basurahan at sakto naman na may dumating na mga polis.

Inaresto nila yung holdaper at inimbitahan nila ako sa prisinto.

Mabilis din naman nila ako ni-release kasi wala naman akong kasalanan. Kinuha lang yung statement ko.

Binalikan ko kung nandon pa ba yung paper bag ko na puro pagkain. Sayang din kasi yun. Puro ako gastos pero wala pa akong pinagkakakitaan.

Pagdating ko don, wala na yung paper bag ko.

Hayy... Ano pa nga bang aasahan ko? Baka tinapon na yun. O kaya naman, dinala ng aso.

Umuwi na lang ako at di na ako nagabala pang bumili ng makakain.

Humiga ako sa kama ko at kinontak ko si Compie.

"Yes, Devil?"

"Slayer. Ako na si Slayer ngayon. Anong balita jan sa Underworld?"

"Napagkasunduan na nilang palitan si Xenon sa 3UG. Si Cub ang ipapalit sa kanya."

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon