Bente Kwatro - New Routine

8.5K 278 18
                                    

Devil

4 days na nang iuwi ko ang katawan ni Xenon at ililibing na sya ngayon. 4 days akong nagluksa at sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ng isang kaibigan. 4 days na hindi ako umiimik o lumalabas. Lalabas lang ako kapag kakain pero minsan, di na ako nakain dahil wala akong gana. Tatayo lang din ako sa kama kapag magbabanyo.

Kailangan mo nang magbago ng nakasanayan Devil. Wala na ang isa sa mga iniingatan mong kaibigan dahil masyado kang nagpabaya. Masyado kang naging kampante na matatalo mo ang kahit na sino pero ang totoo, mahina ka lang... Mahina ka dahil di mo kayang protektahan ang iba... Ang mga taong mahalaga sayo...

Tumayo na ako para maghanda sa pagpunta sa libing ni Xenon.

Pagkatapos nito, kailangan mo nang bumalik sa plano mo para makabalik ka kaagad, Devil. Pero hinding hindi ko kakalimutan ang mga kasalanan ko. At hinding hindi rin ako magsasawang humingi ng tawad. At lalong hindi ko patatawarin ang sarili ko hanggat di ko pa natatapos ang misyon ko at nakakahingi ng tawad sa Diyos. Yun lang ang mga gagawin ko after my mission. Ay! Ang drama ko na! Pero mabilis lang naman ako mag-move on.Wag lang may magpapa-alala.

Nagbihis ako ng itim na pantalon, itim na damit, itim na rubber shoes, itim na hoodie at shades.

Pinindot ko na ang teleporter watch ko at pagkarating ko doon, tapos na sila at nagsisialisan na. Inantay ko silang maubos bago ako lalapit pero may naiwang isang tao. Ang taong pinakamalapit kay Xenon mula pa noon.

Si Zeth... Mali pala, si Ziff... Siguro galit na galit sya sakin ngayon... Siguro nung una nyang nalaman sakin, di pa pumapasok sa isip nya na kung di dahil sakin, di sya mamamatay... Na kung di dahil sakin, di sya kakailanganing kidnapin ni Lucifer para lang mapapunta nya ako sa kung san nya gusto...

Hinawakan ko sya sa balikat pagkalapit ko. Tahimik lang sya at tulala habang nakatingin sa lupang may puntod ni Christian Caldwell.

Pinatong ko ang dala kong black rose sa puntod nya at umupo sa tabi nang tulalang si Ziff.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon