Trenta y Tres - Shameful Piggyback Ride

6.7K 246 9
                                    

Devil

"Uy! Devil! Kamusta ka na? Dalawin mo naman ako minsan sa street fight! Di ka na nakaalala, naging SP ka lang!" Bungad sakin ni Blake na sinadya pa ako dito sa Den.

"Ang haba naman ng sinabi mo. Pwede namang simpleng I miss you lang!" Reklamo ko.

Panira kasi 'tong gagong 'to sa pagpapahinga ko. Uupo pa lang sana ako para manood kasi kakatapos ko lang maglinis pero nambulabog agad sya sa may pinto!

"E ano bang masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Taas kilay kong tanong.

"Syempre! Hinahanap ng mga mata ko ang magandang gaya mo. Hindi man lang kita nakasama bilang si Devil, tapos di mo pa ako dinadalaw sa street fight!"

"Hindi ko na problema yun."

"Nagpakababae ka lang naging mataray ka na." Bulong nya na narinig ko naman.

"Mataray pa rin naman ako sayo bilang si Dale, hindi ba?"

"Speaking of Dale, ano nga bang totoo mong pangalan?"

"Dayne Vex." Simpleng sagot ko.

"Kaya pala Dale ang ginamit mo dahil sa Dayne. Kuha ko na." Sabi nya at may pagtango pa.

"Umalis ka na. Istorbo ka lagi sa pahinga ko, alam mo yun?" Sabi ko saka ko sya pinagtulakan palabas.

"Kadarating ko pa nga lang paaalisin mo na agad ako? Handsome-a mo talaga!" Reklamo nya.

"Wala ka namang magagawa kasi cute ako. Kaya chupi ka na!"

"Anong connect ng pagiging cute mo sa pagpapaalis mo sakin?"

"Hanapin mo sa baul ni lola basyang! Layas! *Blag*"

*Clap*Clap *

"Wala nang istorbo sa wakas." Sabi ko habang nagpapagpag ng kamay ko.

"Anong nangyayari dito?" Biglang tanong ni Yui na nasa may taas ng hagdan.

"Late ka na. Wag mo nang alamin." Sabi ko saka ako naglakad paakyat sa kwarto ko.

"Alam mo bang may bonding time kami ni Lucifer noon?" Tanong nya habang nakasunod sakin.

"Wapakels. Tingin mo ba ikakasaya kong malaman yun?"

"Ang sinasabi ko lang, dahil pinalitan mo si Henry, ikaw ang dapat gumawa ng ginagawa namin noon. No buts. Obligado ka."

"E kung ayaw ko? Mas masaya pa sigurong kasama si Blake kesa sa isang YUI na nagpapanggap na HENRY kapag walang maskara."

"So, affected ka sa pagpapanggap kong si Henry sa street fight? E ikaw nga, isang VEX na nagpanggap na DALE." Akusa nya kaya napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko sya at tiningnan ng walang emosyon.

"...May dahilan ako kaya ko yun ginawa."

"We're just the same." He responded.

"Wapakels." Sabi ko saka naglakad ulit papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa loob, naramdaman kong basta basta na lang rin sya pumasok.

"Lumabas ka nga! You're not allowed here!" Pagsita ko.

"Isuot mo 'to. Lalabas tayo." Utos nya sabay hagis ng isang dress sa kama ko.

"Ayos ka din a? May dress ka? Sayo ba 'to? O sa mga babae mo? Ayokong isuot yan. Lumabas ka nga! Sipain kita jan e!"

"Sabi ko nga sayo, obligado ka. Bilis! Magbihis ka na! O gusto mong ako pa ang magsuot nyan sayo? It will be my pleasure." He said with a grin.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon