Trenta y Siete - The Amazing Race Devil Edition

6.4K 215 9
                                    

Devil

"Umpisa na!"

Nagsitakbuhan na silang pumasok sa loob ng gubat at tiningnan ko muna kung saan sila dumaan.

"Excited ba sila dahil sa premyo? Sabihin mo nga samin, Vex, ginugutom mo ba sila?" Tanong sakin ni Zeth.

"Hindi ko naman resposibilidad na pakainin sila kasi di ko naman sila mga anak. Sila lang ang may maling akala na resort and hotel ang pupuntahan namin. Ayoko namang pabalikin sila sa pinanggalingan nila dahil baka tamarin na silang bumalik." Paliwanag ko.

"Pero mukhang nag-eenjoy ka rin naman." Nakangiting komento ni Devon.

"Medyo... Tara na nga sa pwesto natin. At wag kayong malikot dahil makokoryente rin tayo kapag nawala ako sa gitna nyo!"

Nag-teleport na kaming tatlo papunta sa nakatoka saming pwesto. Nandito kami sa isa sa mga daan papunta sa tuktok ng bundok. Kami yung dulo ng safe na daan na sinasabi ko.

Syempre hindi naman pwedeng may manalo dahil lang sa swerte sa pagpili ng daan. Kailangan muna nila kaming lagpasan para may mapatunayan rin sila.

Third person

"Ahh!!"

"Aray!!"

"Ang gago mo naman e!!"

Yan ang iba't ibang sigawan na maririnig sa buong isla. Ang iba ay nahulog sa butas. Ang iba naman ay nakabitin ng patiwarik. May ilan naman na naipit ang paa sa trap kaya naputol ang tali nila at nakuryente.

"Bakit wala pa rin tayong nae-encounter na trap?" Tanong ni Dragon.

"Baka napili natin yung ligtas na daan?" Sagot naman ng nasa likod nya.

"Pwede. O kaya naman, di palang talaga natin naa-activate yung trap na narito." Sagot ng leader nilang si Hunter.

"Gusto ko ng thrill. Ang boring naman kung ganito lang ang gagawin natin. Lakad lang talaga? Takbo naman tayo." Yaya ni Dragon.

"Gusto naming manalo ng masasarap na pagkain. So we'll just stay like this. Kung tama nga tayo ng hinalang ito ang nag-iisang safe na daan, pasalamat na lang tayo dahil easy-ng easy ang masarap na pagkain para satin." - Hunter

"May pa-teamwork teamwork pang nalalaman si Devil e hindi nyo naman talaga ako ka-team. Saling pusa lang ako kaya di ko kailangang makinig sayo." Sabi ni Dragon na kinainit ng ulo ni Hunter.

"Tingin mo ba gusto ka rin naming makasama sa grupo? Wala ka namang maitutulong samin. Pabigat ka lang. Dagdag ka lang sa pampasikip dito. Basta ka nga lang sumama dito, di ba?" Sabi ni Hunter na tinatago ang pagkainis nya kay Dragon.

"Anong sabi mo?! Wala akong maitutulong sa inyo?! Tingin mo ba sino ang kinakausap mo?! Ako lang naman si Dragon! Ang leader ng top 5 gang sa mundo, ang Salamander gang. E kayo? Pang-ilan ba kayo? Ah... Wala nga pala kayo sa top 10 kaya di ako familiar sa grupo nyo. Ang lakas ng loob mong kausapin ako na parang mas mataas ka sakin samantalang sisiw lang ang grupo nyo samin." Pang-aasar ni Dragon kahit gustong gusto na nyang bigwasan sa mukha si Hunter.

"Wag mo kaming minamaliit." Madiing sabi ni Hunter.

"Hn. Patayan na lang ano?"

Agad namang sinugod ni Hunter si Dragon kaya nawala sya sa gitna ng pack nila. Nakuryente silang lahat pero patuloy pa rin sila sa pag-isod dahil sa pag-aaway nina Dragon at Hunter.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon