Kwarenta - Frustrated Hacker

6K 203 12
                                    

Devil

"Kamusta naman kayo?" Tanong ko sa mga underlings ko.

Isang linggo na ang nakalipas sa training nila. At lahat sila, masasabi kong lumakas na kahit papano. At sa tingin ko, may laban na sila sa Viper Gang ngayon.

"Ayos naman kami, lead. Pero may improvement na ba kami para sayo?" Tanong ni Fury.

Tumango ako. "Meron naman. Pero alam kong may mas igagaling pa kayo. At siguradong lumakas na rin lalo ang Vipers kaya kailangan nyong mas pag-igihan ang training."

"Wala man lang kaming 1 week break?" - Saw

"Kaya kayo mahihina e. Puro kayo pahinga." Pagpaparining ni Frost.

"Hoy, wag ka ngang epal sa usapan nina lead at ni Saw." - Flare

"Masyadong mahaba ang 1 week. Pero pagbibigyan ko kayo sa request nyong yan. Bibigyan ko kayo ng 3 days para magpaalam sa mga mahal nyo sa buhay, in case na hindi na kayo makabalik ng buhay sa kanila."

"Kelan ba natin sila lalabanan, lead?" - Fury

"Basta maghanda lang kayo. Sasabihan ko na lang kayo kapag malapit ng mangyari yon."

Nagsialisan na ang members ko pagkabanggit ng bawat leaders nila sa sinabi ko. Magse-celebrate yata sila.

Ako naman, bumalik ako sa Den para mag training mag-isa at makapag-isip.

Lagi ko dapat itatak sa utak ko na papatay lang ako nang may dahilan. Hindi dahil sa gusto ko lang talagang pumatay. Kasi kapag nawala yun sa isip ko, baka kahit hindi katana ang hawak ko, magpalit pa rin ang mata ko at mawala ako nang tuluyan sa sarili.

Nanaginip kasi ako, may grupo daw akong nilalabanan kasama ang ilan sa mga underlings ko. Tapos, dumating si Lola para pigilan ako. Pero ang nangyare, pati sya napatay ko.

Hinagis ko ang kunai ko sa dart board na nasa dingding ng kwarto ko. Nalaglag na naman ang kunai na nauna kong ihagis sa bull's eye. Lahat kasi ng hinagis ko don nasa gitna lang ang tama.

"Hindi mangyayare yan, Devil..." Bulong ko sa sarili ko.

Lumakad naman ako papunta dun sa cabinet ko ng mga weapons. Kinuha ko nang dahan dahan ang samurai sword ko don.

Tiningnan ko ang reflection ko sa blade nito. At sobrang lake ng tiwala ko sa sword na 'to. Alam kong kahit bala mahahati nya. Pero gagamitin ko lang sya bilang emergency option.

Biglang nag-ring yung communicator ko kay Zeth at Compie.

Ang tagal ko na rin palang hindi nagagamit ang inventions ko. Lalo na sina Budgie at Lambi. Mabisita nga sila bukas.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon