Dise-Nuebe - Vibrant VS Dark ; Xenon VS Fire

9.2K 307 7
                                    

Vibrant

"Okay! Umpisahan na!" Sigaw ng emcee.

"Magpaalam ka na kina Xenon at Zeth dahil papalitan na kita." Mayabang na sabi ni Dark.

"Bakit ako magpapaalam sa kanila e matatalo naman kita. Wag kang mayabang. Wala ka pang napapatunayan." Sagot ko.

"Sinasabihan lang kita ng dapat mong gawin dahil nakikita ko na ang mga mangyayare. Matatalo kita, mapapahiya ka sa mga kasama mo, papalitan kita sa pwesto mo at di ka na babalik dito." - Dark

"Di mo ko utusan para sabihin sakin ang dapat kong gawin. At sa palagay ko, nasobrahan ka sa tulog. Hanggang ngayon, nananaginip ka pa rin."

"Hinaharap yun at hindi panaginip."

"Ang dami mong satsat. Patunayan mo." Paghahamon ko.

Ang daldal naman kasi. Akala ko ba gusto nya akong talunin? Sa pick up lines ata o flip top nya ako tatalunin.

"Sige. Sabi mo e." Sabi nya sabay labas ng dalawang asero.

Inatake nya ako ng maraming suntok pero naiwas lang ako at nakalagay lang sa likod ang dalawa kong kamay.

"Wow! Pinaulanan ng suntok ni Dark si Vibrant! Pero nakakaiwas sya at wala pang tumatama!"

"Bakit ayaw mong umatake? Dahil baka mapwersa ang opera mo?" Tanong ni Dark habang walang humpay nya akong sinusuntok ng sala.

"Di mo ko katulad. Amateur ka pa compared sa gangs na under ko."

"Amateur ang tawag mo rito?!" Galit nyang sabi saka sya bumwelo ng malakas na suntok.

Nagamit ko naman yun na pagkakataon para sipain sya sa sikmura. Napayuko naman sya at dura ng dugo dahil don.

"Para sakin, oo." Sabi ko.

Tumayo sya ulit ng tuwid at pinanlisikan nya ako ng mata.

"Walang hiya ka!" Sigaw nya at gigil na hinabol ako ng suntok.

Iwas lang ulit ako ng iwas pero ngayon, mas mabilis akong umiiwas dahil bumilis ang suntok nya dahil sa galit.

"Leader ako ng sikat na gang! Wala kang karapatang pagsabihan ako na baguhan!" Angil nya sakin.

"Lalo kang nagmumukhang baguhan para sakin dahil jan sa pinapakita mo."

Sinipa naman nya ako pero pinigilan ko yun gamit ang kaliwa kong braso at bumaba ako ng konti at sinuntok ko ang sikmura nya. Napaatras naman sya dahil don. Tumuwid naman ako ng tayo.

"Malakas ka nga talaga kahit matanda at uugod ugod ka na. Pero mas malakas na ako sayo ngayon." Sabi nya at tumuwid rin ng tayo.

Dumura sya sa gilid ng dugo at ngumisi. Nakita kong bubunot sya ng shurikens sa likuran nya kaya naghanda ako. Inurong ko ng isang hakbang ang kanan kong paa at hinawakan ang armas ko sa likod.

In case of emergency lang naman. Ayaw ko nang madagdagan ang dinulot nya saking sakit sa katawan.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon