Bente Tres - You'll. Be. Dead.

7.9K 339 41
                                    

Devil

Pagkagising ko, nanghiram ako ng laptop dun sa may ari ng appartment. Dapat kay Dragon ako manghihiram kaya lang, di naman kami close at hindi ko rin alam kung san ko sya hahanapin.

Kinonek ko na yung memory card ko sa laptop at binuksan ang file na sinend sakin ni Compie.

"Ano ba to? Ang labo. Tapos ang ingay lang, mula sa isang espada."

Saglit lang... Parang alam ko to a? Pero di kita yung mukha nung may hawak nung espada kasi nakatalikod sya.

Tapos, dumating si Xenon at niyakap nya yung babae.

Sabi ko na nga ba at ito yung laban ko sa RIP. At sino namang kumuha ng video na ito? At anong gagawin ko rito? Di naman nakita ang mukha ko. Wala rin makakakilala sakin kaya hahayaan ko na lang.

"Compie, anong gagawin ko dito?"

"Kalat na yan sa Gangster World. Hindi lang sa Underworld. At sa ngayon, nawawala si Xenon sa Underworld. Yan ang balita sa Underworld." - Compie

"Kelan pa nangyari yun?"

"Kaninang madaling araw dito sa Pinas."

"Na-trace mo ba kung nasan sya?"

"Oo. Anjan sya sa New York. Sa lungga ni Lucifer. Teka, tapusin mo muna yung video." Utos nya.

Pagkatapos nung mismong laban, biglang lumabas si Lucifer.

"Oy! Kung sino ka man na bida ng laban na ito, pumunta ka naman sa lungga ko! Invited ka sa party ko! At yun ay para lang sayo, Devil. Kapag di ka pumunta," bigla nyang itinaas ang kamay nya hawak sa buhok si... Xenon! "Mamamatay itong kaibigan mo." Tapos wala nang kasunod. (English po yun.)

Napatayo ako sa kinauupuan ko at kumuha ako ng shurikens at kunais at nilagay ko sa may hita ko. Kumuha ako ng isang pistol at caliber at siningit ko sya sa pantalon ko sa may tagiliran.

Si Devil ang hanap mo kaya sya ang pupunta sayo. Papatayin talaga kita, Lucifer kapag namatay si Xenon! Gawin ba namang pain si Xenon para lang mapapunta nya ako sa kanya? Demonyo talaga sya! Pero mas demonyo ako.

Naglagay ako ng itim na tela sa tapat ng ilong ko pababa sa mukha ko.

Kahit na gusto talaga nya akong makilala, di ko pwedeng ipaalam na ako rin yung babaeng pinaghinalaan nilang gangster dati, kahit papatayin ko pa sya. Ililigtas ko lang si Xenon at babalik na ako sa pagiging si Slayer.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon