Bente - Zeth VS Cub

8.6K 303 8
                                    

Zeth

Sina Vibrant at Xenon, nanalo. Ako ba naman magpapatalo? E magpapakitang gilas pa ako kay Devil. Isa pa, nakakahiya kina Vibrant kapag natalo ako.

Si Vibrant, mula palang noong sumali ako sa isang gang, member na sya ng 3UG. Wala pang nakatalo sa kanya mula pa noon.

Si Xenon naman, soloist. Pero kahit ganon, marami syang natalong gang at natalo nya ang dating 3UG na si Jaw.

Si Devil, kahit ngayon lang namin sya nakilala, malakas sya at alam kong wala kaming magagawa laban sa kanya kahit siguro magtulungan pa kami.

Kaya hindi talaga ako magpapatalo.

"Handa ka na bang matalo, Zeth? Kating kati na ako na palitan ka. Matagal ko nang pinagplanuhan ang pagtalo ko sayo. Natalo mo lang naman ako noon dahil di ako nakapaghapunan kaya nanghina ako kaagad. Pero ngayon, nakakain na ako." - Cub

"Kung kating kati ka nang talunin ako, e di kamutin mo. At kung busog ka ngayon, disadvantage mo rin yun dahil di ka pwedeng gumalaw nang gumalaw kung ayaw mong operahan ka jan sa apdo mo."

Si Cub ng Wolf Gang. Laging sya ang nakakalaban ko noon sa ranking. Ewan ko ba kung di nya lang matanggap na talo ko sya o ano pero ayaw nyang hamunin yung ibang member. Parang mahina ang tingin nya sakin? Pwes, pakikitaan ko silang lahat ng tunay na lakas ko.

"Okay! Simulan na ang laban!"

Mano mano lang ang una naming laban. Sinusuntok nya ako pero sinusuntok ko yung kamay nya. Sinisipa nya ako pero hinaharangan ko yun gamit din ang paa ko. Para kaming martial artists.

Dumistansya naman sya para magpahinga saglit kaya nagpahinga muna rin ako.

"Di ko alam na bumilis ka rin? Sabi sakin ng wolves, bumilis daw ako e." - Cub

"Salamat sa complement." Sabi ko at binato ko sya ng kunai.

Bumagsak ito sa gilid nya kaya naghagis ulit ako ng isa pa. Sa isa pa nyang gilid naman yun tumama.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon