Kwarenta y Cingko - Doubts to be Confirmed

6.3K 234 12
                                    

Devil

"Matanong ko lang, bakit mo naman pinatay si Henry?" Tanong ni Sero sakin habang magkadaop ang mga kamay nya at nakatuon sa tuhod nya ang braso nya. Yung parang tutok na tutok sakin ang atensyon nya.

"Pinatay at pinahirapan nya kasi si Xenon. Kaibigan ko sya. At wala naman syang kasalanan kay Lucifer para gawin nya yon sa kanya." Sagot ko.

"Yun ba yung time na hinahanap ka nya? Sa pagkakatanda ko kasi, gusto kang palabasin ni Lucifer sa lungga mo. Nagalingan kasi sya sayo kaya ginusto ka nyang labanan. Pero hindi ka nya mahanap. Kaya kinidnap nya si Xenon para gawing pain."

Tumango ako. "Oo. Sinaktan nya pa ang kaibigan ko kaya nung nagkita kami, pinatay ko sya. Akala ko nga matatagalan akong tapusin ang buhay nya kasi SP sya pero mali pala ako. Siguro dahil na rin sa galit ko kaya mabilis ko syang napatay."

Gusto kong magalit sakin 'tong si Sero para patayan na agad. Ayoko kasing maulit yung nangyari kanina. Yung parang hahayaan nya pa akong patayin sya basta wag lang ako mapahamak. Ayoko nang ganon!

Gusto ko yung patayan kung patayan.

"Siguro masaya na rin yun na patay na sya." Sabi nya.

Ano ba yan?! Hindi pa rin ba magagalit sakin ang gagong 'to?! Nakakapikon na!

"At bakit naman sya magiging masaya?"

"Kasi bago sya mamatay, nakalaban nya ang isang malakas na tao."

"Demonyo hindi tao." I corrected him. "At ikatutuwa nya ba yon? Na namatay sya?"

"Magiging masaya yon kasi ang pangarap nya ay mamatay dahil sa laban at hindi dahil sa sakit. May sakit kasi sya. Cancer sa kidney."

"So dapat pala hindi ko na lang sya pinatay, ganon? Kasi parang tinulungan ko pa sya? Ang bait ko naman pala. Yuck!" Nag-act pa ako na kinikilabutan. "At pwede ba, mapikon ka naman sa mga pinagsasabi ko sayo! Naiintindihan mo bang pinatay ko ang kaibigan mo?! E bakit sa tingin mo masaya pa sya?!"

Hindi ko na talaga ma-contain ang galit ko. Kilala ko ang sarili ko. Sobrang ikli talaga ng pasensya ko.

"Hindi ako magagalit sayo sa mga ganitong bagay dahil marami na rin naman akong napatay. At hindi ko makakalimutan na ako ang pumatay sa magulang mo. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko kasi dahil lang sa ginawa ko noon, hindi ako matanggap ng taong mahal ko ngayon."

"Pwed ba?! Tigilan mo na ako jan sa mahal mahal na yan?! Nakakairita na talaga! Magpatayan na lang tayo, please lang!"

"Magmahalan na lang tayo, please lang!" Gaya nya sa tono ko na lalo ko lang kinainis.

"Sira ul---!"

"Ano ba, Devil?! Umayos ka nga! Babae ka, maganda, matalino, good catch, malakas! Pero wag mong isipin na dahil sa mga yon kaya kita minahal! Minahal kita kasi ikaw ay ikaw. Ikaw ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. And at the same time, I want to protect you even I know that you could."

Hindi na lang ako umimik.

Ano naman ang sasabihin ko? Ni hindi ko nga maintindihan yung sinasabi nya. Hindi ko kasi alam ang feeling ng nagmamahal. At kung mararamdaman ko man yon, hindi kay Sero yon.

"Paano mo ba nasasabi na ma-*cough*-hal mo ko? Sorry ha? Nakakasuka kasi talaga."

"I just felt it when you kissed me back. I feel loved at that time. Yung pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman sa iba ko nang nahalikan noon. Kakaiba yung feeling. Ang sarap sa pakiramdam. So comforting."

Sa tingin ko, inuuto na lang ako ng Serong 'to para maniwala ako sa kanya.

"Yung kay lola, sinong nagsabi sayo ng tungkol don?" It's my turn to interrogate him.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon