Dise-Siete - Opening of Ranking

10.4K 316 2
                                    

Devil

*Bang*Bang*Bang*

*Bang*Bang*Bang*

"Pano ba yan, Lola? Panalo ako?" Sabi ko kay Lola.

"Pasalamat ka dahil may injury ako ngayon e."

"Pero kahit ganon, ang galing mo, Lola! Isa lang ang daplis sa bullseye!^_^" Sabi ko at nag-thumbs up pa ako.

Ngumiti muna sya nang napakatamis bago ako sagutin ng "Thank you."

Bigla naman akong nakaramdam ng papasok sa firing room kaya tinutok ko kaagad ang baril ko sa may pintuan.

"Ibaba mo nga yan! Walang kalaban na makakapasok dito!" Asik sakin ni Lola kaya binaba ko na rin.

"Madame Beatrice, Lady Dayne. Handa na po ang hapunan." Sabi ng isang maid.

"Yehey!!" Sabi ko at nagtatalon pa ako sa tuwa.

Hinila ko ulit si Lola sa kamay nya papunta sa dining area.

_____________________

"WOW! :]__" Tulo laway kong saad.

"Kain ka na, Vex. Inihanda talaga ang mga paborito mo." - Lola

"Oo nga po e! Merong adobo, kaldereta, murkon, dinuguan! Tapos and desserts ay ube, leche flan, coffee jelly, buko pandan at chocolate cake!"

"Kaya mo kayang ubusin lahat ng yan?" Naghahamong tanong ni Lola.

"Tinatanong pa ba yan?" I said then smirked.

Umupo na kami sa hapag kainan at nag-umpisa na akong LUMAMON. Lamon talaga dahil di na ako naglagay ng ulam sa plato ko. Kanin lang ang laman non tapos, sa mismong lagayan na ng ulam ako kumakain! Haha!

"Tara, guys! Kain din kayo! Masarap to! Wag kayong mag-alala kay lola! Alam kong gusto nya rin kayong makasalo!" Masaya kong aya sa mga katulong ni Lola.

Nag-usap usap naman sila kung kakain din kasama namin.

Kumuha naman ako ng kutsilyo at pinaglaruan to.

"Isa yung utos." Sabi ko at itinarak ko ang kutsilyo sa mesa.

Nanigas naman sila sa kinatatayuan nila saka nagmadaling kumuha ng mga sariling plato

Ngumiti ako sa kanila na parang walang nangyrari.

"Akala ko tatanggihan nyo ako e. ^_^"

Tapos, tinuloy ko na ulit ang paglamon ko.

"Nga pala, Vex. Sasali ka ba sa ranking bukas?" - Lola

"Hindi po, lola. Manonood lang ako cha inyo. Guchto ko talaga kayong mapanood lumaban e." Sagot ko tapos lumunok ako.

"E bakit ba ayaw mong sumali sa ranking?" - Lola

"Mas masarap po kasing manood kesa lumaban. Isa pa, walang thrill ang laban sakin kapag di ganon kalakas ang mga kalaban ko."

"Di ba grupo naman ang mga makakalaban mo para sa ranking? E di mahihirapan ka rin."

"Di nyo pa nga pala alam. Kakagaling ko lang sa Underworld kanina bago ako pumunta dito. Kinalaban ko ang RIP gang. Grupo ko silang nilabanan at marami akong nabawas sa kanila. At top 3 pa sila. Meaning, wala ring thrill ang sumali ako sa ranking kahit grupo pa ang labanan ko." Sabi ko tapos sumubo ako ng chocolate cake.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon