Trenta y Nuebe - Kiss Addict

6.9K 228 7
                                    

Devil

"Bilis na kasi! Ngumanga ka na! Say 'aah'" Inis na sabi sakin ni Sero habang kumakain kami rito sa Den. Dito kasi kami dumiretso pagkaalis namin kina Dragon.

"Hindi ako bata! Kaya kong kumain mag-isa! Tabi nga!" Sabi ko at bahagyang tinabig yung kamay nyang may hawak na tinidor.

"Magpapasubo ka o ikakalat ko sa Hell Gates na nag-kiss tayo?" Nakangisi nyang pagbabanta.

Haist! Kanina pa 'tong gagong 'to! Napilitan na nga akong kumain kasama nya tapos ngayon, may subuan portion pa?! Magtira naman sya ng kahihiyan sa pangalan ko!

"E di ipagkalat mo! Para kiss lang naman!" Sabi ko at nag-cross arms at lingon sa ibang direksyon.

"Kung ganon..." Bigla bigla na lang syang napunta sa gilid ko pero nasa ibabaw ko ang mukha nya. "Pwedeng may kasunod pa yon... Kiss lang pala yun para sayo e. Not a big deal for me though. Pero mula nung nahalikan kita, di ko alam kung bakit hinahanap-hanap ko na..." He said in a seductive tone.

Shit na malagkit!! Di ko alam kung inaakit nya ba ako, inaasar, o wala lang syang mapaglabasan ng nararamdan nyang kal';$8$n! Yung libido nya, hanep! Mukhang uhaw na uhaw talaga sya sa kama! Patulugin ko kaya sya gamit ang kamao ko?! Much better kung wala nang gisingan!

Tinulak ko sya agad at tumayo.

"Punyemas kang gago ka!! Wag ako ang pagdiskitahan mo! Wala kang mapapala sakin!"

Hinigit nya ang paa ko kaya napahiga ako. Agad naman syang pumatong sakin para pigilan akong gumalaw.

Punyeta talaga sya!! Ang panget ng pwesto namin! Pervert as always ang lokong 'to!

"Pakawalan mo kong loko ka! Ano ba?!" Sabi ko habang nagpupumiglas pa rin.

Di ko sya matuhod man lang kasi iniipit ng mga tuhod nya ang mga binti ko! Tapos, hawak hawak naman nya ang mga kamay ko sa gilid ng ulo ko.

"Isang kiss lang." Sabi nya at palapit na nang palapit ang mukha nya. Nakafocus lang ang tingin nya sa mga labi ko. Shemay!!

"Humarap ka sa salamin! Yun ang halikan mo! O-o k-kaya yung mga babae jan sa l-labas na may g-gusto sayo d-d-di ba?! Hindi mo ko kailangang pagtyagaan! Maraming mas maganda at sexy jan sa labas! Wag na ako!" Nagpapanic na talaga ako. Hindi pa ba obvious?!

Tumigil sya saglit sa paglapit at nagsalita.

"Pero ikaw ang gusto kong halikan."

Then, POOF! HE KISSED ME!

Sumabog na ang mukha ko sa sobrang pagkakamatis ng mukha ko! Ramdam kong umahon lahat ng dugo ko sa ulo ko! At sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso ko!

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon