Bente Otso - Meet a Member

7.4K 271 5
                                    

Slayer

Nandito ako ngayon sa grocery para mamili ng mga kakailanganin ko. Shampoo, sabon, deodorant, instant foods, garter na pamalit sa nilalagay ko sa dibdib ko at tsaka napkin.

Nagpunta na ako sa counter para bayaran ang mga pinamili ko. Ang sama naman ng tingin sakin ng cashier habang ini-scan ang mga pinamili ko.

"Do we have a problem?" Tanong ko.

"No, sir. I'm just wondering. Are these yours?" Taas kilay nyang tanong.

Hayy! Intregerang cashier! Pakialam ba nya sa binibili ko?

"No. It's for my sister. Got a problem with that?" Maangas kong tanong.

Napailing na lang sya sabay balik sa pag-i-scan sa mga binibili ko.

"$250 all in all sir."

Inabot ko naman ang $250 sa kanya.

Di na ako pwedeng magbigay ng tip ngayon. Purita ako ngayon at kailangan ko talagang magtipid.

"Thanks." Sabi ko nang maiabot na sakin ang mga pinamili ko.

Pumunta ako sa banyo dala ang mga pinamili ko para doon ako magteleport pabalik sa apartment ko. Syempre, sa banyo ng mga lalake dahil baka sabihin pa ng mga babae na minamanyak ko sila.

Bago pa ako makapasok sa loob ng CR, may nakabunggo akong lalake.

"Ouch!" React nya.

Ay, ang arte. Kalalaking tao sya pa ang nasaktan. Ako nga, wala lang sakin yun e.

Nilagpasan ko na lang sya.

"Hey! Aren't you going to say 'sorry'?!" Inis nyang pahabol sakin.

Nilingon ko sya nang walang kaemo-emosyon sa mukha.

"Why? I'm not the only one at fault."

"Of course you are! Just apologize, you idiot!"

"No one dares to call me idiot. Wanna die?"

"*smirk*You're messing with the wrong guy."

Yabang nito a? Gulo na talaga 'to!

Susugurin na sana nya ako ng suntok pero may biglang humarang sa harap nya para pigilan sya. Isang magandang babae.

"Hey... Easy there, hulk." Pagbibiro nung babae.

"He started it!" Duro sakin nung lalake.

Nagkibit balikat na lang ako at tatalikuran na sana sila pero narinig ko silang nagbulungan.

(English po ulit lahat ....)

"Chill ka lang! Baka malakas pala yun at matalo ka. At kung manalo ka naman, mababawasan na agad ang lakas mo para mamaya!" Sermon nung babae dun sa lalake.

"E sya naman yung tatanga tanga na bumunggo sakin e!"

"Palagpasin mo na lang. Tutal, gwapo naman sya, sayang lang yung face nya kung babasagin mo."

"Tss. Di hamak na mas gwapo naman ako kesa dun sa ulupong na yun!"

Palihim lang akong nakikinig sa kanila. Nasa loob na kasi ako ng CR at nasa labas lang sila.

"In your dreams, Joker!"

Teka... Joker? Siguro naman joker na nagbibiro lang yun at hindi nya yun pangalan, right?

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon