Kwarenta y Tres - The killer

6K 214 10
                                    

Devil

3 days ko nang hindi nakikita ang mga under ko dahil hanggang ngayon, andito pa rin ako sa bahay ko sa Pilipinas. Okay na naman ako pero tinatamad pa akong bumalik sa New York. Kahit isang pindot ko lang sa teleporter watch ko makakabalik na ako doon, nag-e-enjoy pa kasi ako dito. Hihi! ^^,

"Dali na guys! Ang babagal nyo naman!" Ligalig ko kina Devon at Ziff.

Nandito kami sa beach. Syempre, magpapakasarap na ako habang nandito ako. Kakalimutan ko muna ang mga problema ko. At minsan ko lang naman gagawin 'to. After nito, babalik na ulit ako sa paghahanap sa mismong pumatay sa magulang ko.

"Masyado ka kasing atat! Syempre kami, ine-enjoy lang namin ang oras namin na magkasama." Sagot ni Devon.

"Psh! Parang hindi kayo araw araw at minu-minutong magkasama! Bigyan nyo naman ako ng atensyon. =3=" Sabi ko na parang anak nila na nagtatampo.

"Maghanap ka na rin kasi ng bo-boyfriend-nin mo." Payo ni Ziff.

"Ano yun? Nakakain ba yun?" Hinawakan ko pa ang baba ko para isipin kung ano yung sinabi nya.

"Wag kang painosente, ikaw na demonyita ka... Sigurado namang may gusto ka na ring lalake, in denial ka lang." Akusa ni Devon.

"Basta talaga kalandian ang dami nyong alam no? Sana pala lahat na lang ng subjects nyo may kalandian para may honor pa kayo." Taas kilay kong saad habang tinititigan sila nang walang gana. Hindi naman nila ako pinansin at nagkilitian pa sa harap ko.

Alam ba nilang nasusura ako sa nakikita ko? Na hindi ako natutuwang manood ng live porn? Masyadong nakakadiri kahit nagkikilitian lang sila.

Magje-jetski kasi dapat kami. Kaso ang bagal naman nitong love birds kaya napakamareklamo ko ngayon. Tapos sesermonan pa nila ako ng ganyan? Anong purpose ng word na 'vacation' sa ginagawa ko ngayon? Asan na yung essence ng pahinga?!

Kanina pa rin silang magkahawak kamay habang naglalakad. Kung di ko pa nga sila kakausapin at paaalalahanan na kasama nila ako, malamang kanina pa silang hindi umaalis ng kwarto namin. May balak pa ata silang mag-honeymoon sa dis oras ng tanghale. Hayy nako...

"Sabihin nyo lang kung ako na lang mag-isa ang magje-jetski kasi kaya ko naman." Pagpaparinig ko sa kanila.

"Okay lang ba?" - Devon

"Ngayon ka pa nahiya? Hala! Lumarga na nga kayo! Gawin nyo ang gusto nyo. Hindi na kayo mga bata para pagbawalan ko pa." Tinalikuran ko na sila at nag-umpisa nang maglakad.

_________________

Bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Ang dami ko kasing nagawa sa maghapong ito. Jetski, banana boat, nakipaglaro sa mga batang musmos, kumain ng sandamukal at uminom sa bar.

Solo ako sa kwarto ko dito sa hotel sa Batangas. Magkasama naman sina Ziff at Devon sa kwarto. Wala na akong paki sa mga gagawin nila. As long as hindi ako involve.

Ang sabi ko pa naman, makikipag-bonding ako sa kanila habang nandito ako. Pero anyare?? Solo ako. Katampo di ba? =3=

Biglang pumasok sa isip ko si Christian/Xenon.

Kung andito kaya sya, ano kayang ginagawa naming apat? Siguro kung andito pa rin sya, kinuha ko na syang underling ko. Baka nga kanang kamay ko pa sya.

I have many 'what ifs' in my mind. Hindi lang yung kay Xenon. Paano kung buhay pa ang mga magulang ko? Ano kaya ako ngayon? Magiging gangster pa rin ba ako? Kung hindi ako anak nina Corpse at Venus, magiging ganito pa rin kaya ako kalakas?

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon