Trese - Fire Vs Devil

10.9K 348 4
                                    

Devil

"P-pwede ba kaming u-umupo rito?" Alanganing tanong nung leader ng isang gang dito sa Underworld.

Gaya nga ng sinabi ko, gusto ko ulit bumalik sa dating Devil na di pinapakialaman ng iba. Pero sa tingin ko, imposible na rin palang mangyare yun dahil makukulit ang mga tao dito.

Di ko sya pinansin at sa halip, tumayo ako at lumipat sa ibang table.

Kailan kaya magaganap ang ranking? Gusto kong manood. Gusto kong panoorin ang 3UG.

Oo nga no? Hanggang ngayon, di ko pa nakikita na lumaban si Vibrant/Lola. Gusto kong mapanood yun!!

Ang ranking ay isang event dito sa Underworld kung saan, syempre, from the word itself, ira-rank nila ang top 10 strongest gang. Ang top 3 leaders ng top 3 gangs ang lalaban sa 3UG para agawin ang pwesto nila. Sila rin ang bahalang mamili kung sinong gusto nilang labanan. And once na natalo mo ang isa sa 3UG, automatic na kabilang ka na sa kanila at tanggal ang natalo mo.

Pero kung soloist ka gaya ko, kailangan mong matalo ang iba pang gang nang mag-isa. Kasalanan mo yan. Pinili mo kong tularan kaya magdusa ka! Pwede rin namang di ka rin sumali gaya ng ginagawa ko.

Actually, kahit minsan di pumasok sa isip ko na makisali jan sa ranking na yan. Ayaw ko kasing gumulo lalo ang buhay ko. Sana nga lang walang magyakag o maghamon sakin na sumali ako don.

"Pwede ba kaming umupo rito?" Tanong ulit noong leader na nakita ko kanina.

This time, tiningnan ko na sya ng walang kagana gana.

Sira ba tuktok ng lalaking to? Di pa ba obvious na ayaw ko syang ka-table kanina pa? Gustong gusto ko nang hambalusin ng bote ng beer itong gag*ng to! Pinapainit nya na ang ulo ko.

"Umalis ako kanina sa pagkaganda ganda kong tayo sa table na yun dahil ayaw ko ng kasama," sabi ko at nilapitan ko sya habang bahagya akong nakatayo. "Tapos ngayon gusto mo na naman akong istorbohin dito? Di ka ba makaramdam na ayaw ko ng kasama?" Bigla kong hinampas ang mesa at pinandilatan ko sya.

Nanginig naman sya pati na ang iba nyang kasamahan at taas kamay nilang nilisan ako.

Aalis din naman pala di pa ginawa ng maaga!

Umupo na ulit ako sa pwesto ko at uminom ng vodka.

"Alone eh?" Nakangising tanong ng isang di ko kilalang lalake sabay upo sa tapat ko.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon