Onse - Peers

10.8K 370 2
                                    

Devil

"Ilang araw ko ng inaabangan si Devil sa Underworld. Gusto ko ulit syang makitang lumaban."

"Oo nga! Masyado nga akong nasiyahan sa laban nila ni Xenon!"

"Kelan kaya ulit sya lalaban?"

"Sana malapit na! Excited na ako!!"

Yan ang mga naririnig kong bulung-bulungan sa school. Iniisip ko nga kung pinaparinggan ba talaga nila ako lagi o ano. Pero parang gusto ko ngang mag-training.

Napangiti na lang ako nang hindi ko namamalayan habang naglalakad.

"Wag masyadong ma-excite sa mga naririnig mo. Baka matalo ka nyan." - Ziff/Zeth

"Di ko pa nararamdaman ang pagdating ng pagkakataong yon." - ako

"Sus. E natalo ka nga ni Xenon."

"Paalala lang. Sumuko ako at hindi nagpatalo. Pero obvious naman siguro kung sino ang nanalo samin. O gusto mong ikaw ang labanan ko para mapatunayan ko sayong ako ang nanalo." - ako

"Ayaw ko ngang labanan ka. Nakakatakot ka na kapag suot mo na ang maskara mo." - Ziff

"Wow!! Talaga?! Ang isang gaya mo, natatakot sakin?! Ang astig ko!!" Masaya kong saad na may palakpak pa.

"Wow!! Close na kayo?" Biglang singit ni Devon

"Hindi." - Ziff

"We?? E bakit umagang-umaga magka-usap kayo at tuwang-tuwa pa si Vex?" - Devon

"Pakialam mo ba? Masama na ba kaming mag-usap ngayon? Masama na rin bang magsaya yang babaeng yan kasama ako?" Pamimilosopo ni Ziff.

Hayy! Kahit kailan talaga tong lalaking to!! Ayaw na ayaw talaga nya sa mga babae!!

"Hindi naman...." Nanlulumong sagot ni Devon pero parang wala lang kay Ziff.

"Wag kang mag-alala Dev's! Wala ka namang sinabing masama. Sya lang itong mukhang masama!" Pagpaparinig ko kay Ziff.

"Tss. Sipain kita jan e." Bulong ni Ziff.

Binigyan ko naman sya ng 'subukan-mo-doble-babalik-sayo look'.

"Okay lang. Pasensya na Ziff." - Devon

"Di mo kailangang humingi ng pasensya sa kanya. Sya nga itong suplado at mistulang may regla kaya dapat, sya ang mag-sorry sayo." - ako

"Asa ka!" Sigaw ni Ziff na kinagulat ko.

Kelan pa sya natutong sumigaw na di kasama si Xenon?? Nasigaw lang yan sa taong kinaaasaran nya lalo pa't close sila, gaya nga ni Xenon.

"Bakit? May problema ba sa sinabi ko?!" Singhal pa nya.

"May sinabi ba ako? Masamang magulat?" Pamimilisopo ko.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon