Bente Sais - Disgusting Meeting

7.5K 234 1
                                    

Slayer

Pagkagising ko, nag-inat inat ako. Maraming lumagutok na buto sa likod at batok ko. Nag-push up na rin ako ng 50 para mabilis lang ako matapos. Tapos nagpalit ako ng jogging pants, rubber shoes at jacket.

Lumabas ako dala ang board ko pero nag-jogging muna ako.

Ang totoo nyan, di ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Basta naisip ko na lang lumabas. Wala naman sigurong makakapansin sakin di ba?

Nang tinamad na akong tumakbo, nag-skate na lang ako papunta sa isang park na malapit sa apartment ko.

Bakit nila ako pinagtitinginan? May problema ba sa itsura ko?

"Hi!" Bati sakin ng isang babae.

"Hello."  Sabi ko at bumaba ako sa board at binuhat ko na lang ito.

"May I know your name?" Tanong nya sabay kapit sa braso ko.

Ang clingy naman ng babaeng ito.

"Dale." Sagot ko at tinanggal ang pagkakalingkis nya sa braso ko.

"Nice name! It suits you." Medyo malandi nyang saad.

Yung ibang babae na nakatingin din sakin kanina, nasa likod lang namin at nagbubulungan. Pinagbubulungan lang naman nila kung sino kaya ang magugustuhan ko sa kanila.

Di po tayo talo.

"Thanks. I should go now."

"Wait! May I know your number?!" Sigaw nya.

Di na ako nagabala pang sagutin o tingnan man lang sya.

Amerika na nga pala ito. Sabagay, sa Pilipinas nga marami ring ganoon. Di na ba uso ang dalagang Pilipina ngayon? Ako na lang ba ang natitira? Chos lang. Dalagang maton ako e.

"Hey! Saan ka pupunta?" Biglang tabi sakin ni Dragon.

Hindi ko man lang sya napansin dahil occupied ang isip ko. Hindi ng mga babae kanina pero dahil kay Sero. Uy! Di ko type si Sero no! Iniisip ko lang sya dahil di ba nga, magkagrupo na kami ngayon sa street fight. At iniisip ko kung namukhaan nya ako. Kahit naman kasi gwapo ang itsura ko bilang si Slayer, napakalaki pa rin talaga ng chance na magkaroon sya ng hint na ako si Vex. O kaya isipin pa nyang kamag-anak ako ni Vex. Sakin kasi sya pumusta di ba? Baka iniisip nyang malakas din ako. Pero tama naman sya.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon