Trenta - Sorry

7.1K 250 0
                                    

Slayer

(Guys, napapagod na ako... Kaya sa mga susunod na chapters, understood na sigurong English ang salita nila. Salamat... Haha!)

"Ano? Ayaw mo pang tapusin? May lakad pa ako." Sabi ko kay Blake habang nakikipaglaban pa sya sa sangganong naghamon samin.

Tapos na kami ni Henry sa mga kalaban namin at tanging sya na lang ang natitira. Ayaw naman namin syang pakialaman dahil baka kami pa ang awayin nya.

Kung tutuusin kasi, kanina pa rin syang tapos pero ayaw nyang tantanan ng suntok at sipa ang kalaban nya. Naglalabas kasi sya ng init ng ulo at galit sa sarili nya kung bakit hindi sya ang nanalo sa nomination.

"Ahh! Yaah! Nakakainis! Ang bobobobo ko kasi! Ang hina ko!" Reklamo nya.

Wala na akong nagawa kundi hilahin sya sa braso para tantanan na nya ang kawawang sanggano.

"Tama na yan. Baka sa susunod may pagkakataon ka na."

"Wala ng pagkakataon! Bakit? Mamamatay ba agad si Devil? Si Sero? O si Vibrant?!" Angil nya sakin.

Bigla naman syang parang natauhan sa sinabi nya at nawala ang galit sa mga mata at mukha nya.

"Oo nga no? Matanda na si Vibrant kaya malapit na rin syang mama-- Aray!"

Binatukan ko sya dahil sa naiisip nya.

Gago 'to a?! Lola ko yun at alam kong matagal pa ang itatagal nya no!

"Ulol! Under ka pa rin nya. Kung makapagsalita 'to." Bulong ko kay Blake na may kasamang siko sa sikmura nya.

"Wag mong maliitin ang matandang yun. Malakas pa sya at kayang kaya ka nyang durugin." Epal naman ni Henry.

"Sus! Malapit na rin yun. =3=…"

"Makapagsalita 'to a? Tingin mo ba ikaw ang papalit sa kahit na sinong mawawala sa SP? Yabang nito." - ako

"Guys, mauuna na ako. May lakad pa kasi ako ngayon." - Henry

"San ka pupunta?" - Blake

Usiserong Bakla!

"May date ako."

"Ay! May lakad din pala ako! Manonood ako ng nomination. Sama ka, Dale?"

"Ayoko. May importante akong gagawin."

"Ano naman yun?"

"Pakialam mo ba? Baklang'to napaka-chismoso."

"Nagtatanong lang e."

"Ayokong sagutin ang tanong mo e."

"Tss. Kunin ko na lang ang kita natin ngayon." Sabi ni Blake saka umalis.

Ngayong gabi na ang takdang gabi ng aming paghaharap ni Zeth. Nakausap ko na rin sya tungkol dito.

Flashback

"Oy. Ako ang nominee ni Sero." Bungad ko kay Zeth sa communicator.

["Bakit?! Lalabanan mo ko?! Akala ko ba tutulungan mo pa akong manalo?!"]

"Pasensya ka na. Nagbago ang plano ko. Pero wag kang mag-alala. Di naman kita pahihirapan."

["Ugh! Mas naiinis na ako ngayon! Date minamaliit mo ang kakayanan ko pero may tiwala ka naman sakin. At pakiramdam ko noon, tutulungan mo pa rin ako. Pero ngayon nakakainis ka na talaga! Di mo lang ako minamaliit! Lalabanan mo pa ako! Ganito ka ba sumuporta sa kaibigan mo? Nagpapaasa? Nagpapahirap? Nangmamaliit? Nang-iiwan sa ere? Ang galing lang, Vex... Ang galing lang, Devil..."] Sarcastic ang pagkakasabi nya noong mga huling pangungusap.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon