Kwarenta y Nuebe - The Ultimate Fight

7.3K 252 9
                                    

Devil

"Sigurado kang ayaw mong tulungan kita? Mapapatay natin sya pag nagtulungan tayo." Suggestion ni Clyde habang nilalagyan ko ng bala ang revolver ko.

"Mapapatay ko pa rin naman sya kahit mag-isa pa ako."

"Kaya pala muntik ka na nyang mapatay no?" He asked sarcastically.

"Wow! Parang hindi ka nya rin muntikan mapatay noon a? Kaya pala niligtas pa kita date, di ba?"

Akala mo kung sinong malakas e talo rin naman sya nung matandang yun!

"Dinaya nga nya kasi tayo noon. Pinakidnap nya tayo tapos magigising na lang tayo na nakatali na? Malamang nga na wala tayong laban pagkaganon! E kung sa umpisa pa lang naglaban na kami, hindi nya ako masasaktan ng ganon!" Pagyayabang nya.

"E kung sa umpisa pa lang rin ng pagsugod ko sa lungga nya kanina ay naglaban na kami, malamang sa malamang hindi rin ako maghihingalo para sa buhay ko. At malamang rin, patay na sya ngayon."

"Kahit nilabanan ka nya agad, hindi mo pa rin sya matatalo agad kasi sobrang lakas nya."

"At sa tingin mo mapapatay natin sya pag nagtulungan tayo?"

"Hundred percent sure! Malakas ka tapos mas malakas ako kaya mananalo tayo!"

Sabagay. Two heads are better than one. Kung hindi namin sya kayang talunin kung mag-isa lang kami, better kung sabay kaming lalaban.

"O sige. Anong meron ka jan?..."

Nag-usap kami kung saan ba muna namin pwedeng makita si Vibrant.

Bale, hindi rin pala kasi pwedeng patayin ko sya habang natutulog. Kasi apparently, hindi ko alam kung san sya nagi-stay.

"E kung tayo na lang ang magpakita sa kanya para sya na mismo ang lalapit satin?" Suggestion nya.

Tumatalino talaga 'tong lalakeng 'to kapag patayan na ang usapan e.

"O kaya, obligahin natin syang pumunta para satin." Ako naman ang nag-suggest.

"Paano? Mangho-hostage tayo ng malapit sa kanya?"

"Tingin mo ba kakagat sya sa bitag na yon? Syempre hindi! Ang gagawin natin, ikaw pala--"

"Ako?" Turo nya sa sarili nya.

"Ay hindi. Si Sandy." Pamimilosopo ko sabay irap sa hangin. "Syempre ikaw! Hahamunin mo si Vibrant sa isang killing battle. At syempre, dalawa tayong lalaban sa kanya. Maoobliga syang pumunta kasi sasabihin natin yon sa buong G-world." Paliwanag ko.

"Hindi kaya magalit satin ang buong G-world dahil kadayaan ang 2 vs 1?"

"Pakialam ko kung magalit sila? Kay Vibrant lang ako naka-focus."

"Sabagay..." Nagkibit balikat na lang sya.

Naggawa kami ng video. Hindi scandal ha! Sinasabi ni Sero sa video na hinahamon nya si Vibrant sa isang killing battle. Pero hindi muna nya sinabi na kasali ako dahil surprise namin yon sa kanya.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon