Trenta y Sais - First Day of Camp

6.8K 240 15
                                    

Devil

Andito na kami sa private island ni Lola. Kahit wala itong kahit anong hotel na pwedeng tulugan at kainan, mas maganda 'tong pagdausan ng training camp. Wala ring kahit na sinong makakabulabog samin dito. Nagteleport kami papunta dito. Pinaghawak hawak ko sila para walang maiwan kapag nagteleport ako.

"May naiwan ba sa inyo?" Paninigurado ko.

"Wala po, lead!"

"Ayus a! Ang ganda naman dito, Devil!" Biglang may sumigaw mula sa kumpulan ng mga members ko.

Teka?! Bakit naririnig ko yung boses na yun dito? Nagha-hallucinate ba ako?

"Ako lang ba yun o may narinig talaga akong ibang boses dito?" Tanong ko kay Flare na katabi ko.

"Meron nga pong nagsalita, lead." Pagkumpirma nya.

Naglabasan naman sila ng mga weapons nila at tinutok doon sa lugar kung saan namin narinig yung nagsalita.

"Woah! Chill lang guys. Wala akong balak na masama." Sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib nya.

"Anong ginagawa mo dito? You're not invited." Sabi ko sa kanya nang makalapit ako sa pwesto nila.

"Alam kong hindi ako invited kaya nga ako pumuslit." Paliwanag ni Dragon.

"At pano mo naman nalaman na aalis kami?"

"Narinig kita kahapon ng sinabi mong may outing kayo ngayon. Dadalawin sana kita kahapon sa Den ng SP pero narinig ko yung boses mo sa training hall kaya sinilip ko kayo. Narinig ko yung oras na dapat nandoon na kayong lahat kaya binilisan kong kumuha ng gamit ko. Tapos, nagcap ako para di mahalata ng iba na hindi nyo ako ka-member." Paliwanag nya.

Sumenyas ako sa kanila na ibaba na ang mga weapons nila at sumunod naman sila.

"Bumalik ka na sa New York. Wala akong pake kung langoy ka pabalik. Sabit ka lang kaya bahala ka sa buhay mo." Sabi ko.

"Ang rude mo talaga sakin, no? Parang di mo ko naging kaibigan." Sabi nya saka nagpout sa harap ko at ng mga members ko.

"Mandiri ka nga. Nasa harapan ka ng lahat ng members ko."

Natawa naman yung iba sa inaakto ni Dragon.

"Mageenjoy kayo dito tapos ako palalanguyin mo pabalik sa New York? Asa ka pa."

"Gusto mo sipain na lang kita pabalik? Mas convenient." Suggestion ko.

Natawa naman ulit yung mga members ko.

"Dito lang ako." Pagmamatigas nya.

"Bahala ka sa buhay mo. Guys! Ilapag nyo muna ang mga gamit nyo. Tapos, kumuha na agad kayo ng gagamitin nyo para sa paggawa ng tutulugan nyo. Pati kakainin nyo. As you can see, walang hotel, restaurant o tindahan dito. Wala ring nakatira dito bukod sa mga hayop sa kagubatan. Bukas ng umaga mag-uumpisa ang training natin dito. Bilisan nyo kung ayaw nyong abutin ng dilim sa kagubatan. At yung mga may dalang de lata, kung may nakaisip mang magdala, bahala kayo kung tutulong pa kayo sa mga kasamahan nyo sa paghunt ng pagkain. But what I want to see is your teamwork. Help your co-members para mas mabilis nyong matapos ang isang gawain. And I will do the same with you. Hindi ko naman gagamiting advantage ang teleporter ko. Pantay-pantay tayo dito. Now move!" Sigaw ko.

"Ang bait mo namang leader. 'Pantay-pantay tayo dito!'" Panggagaya sakin ni Dragon at may pagtaas pa ng kamay na akala mo nagwewelga.

"Kung di ka pa rin kikilos jan, mamamatay ka sa lamig dito mamayang gabi. Wala ring magseserve sayo ng pagkain dito kaya kumilos ka na." Utos ko sa kanya saka ako naglakad papasok sa loob ng kagubatan para manguha rin ng kakainin ko at tutulugan.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon