Trenta y Cingko - Lessons from Devil

6.5K 242 5
                                    

Devil

"Faster! Hindi kayo mananalo sa Vipers kung hanggang ganyan lang kayo! Nakapag-training na sila ng matagal kasama si Sero kaya for sure, napakalayo na ng agwat nyo sa kanila!" Sermon ko sa lahat ng underlings ko.

After kasi nilang malaman na sasama sakin ang D' Hell, nagsibalikan sila sa Gallery at inabangan ako para sabihing sasama na rin daw sila. Kahit yung mga narinig kong umalis na, bumalik na rin. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero kailangan ko sila sa ngayon kaya mas mabuti.

"Dark Stars! Mag-sparing kayo ng D' Hell! Yung mga natitira naman, magpahinga muna kayo at panoorin nyo kung paano lumaban ang DS at DH." Utos ko.

"Lead. Pwedeng magpustahan?" Tanong ng isa kong underling.

"Sige, magpustahan tayo. Kapag may namatay sa kanila, papatayin kita. Kapag wala, makikipag-sparing ka sakin pagkatapos. Wanna bet?"

Napailing naman agad sya at umurong palayo sakin.

Tsk. Wala nang alam kundi pustahan at pasarap sa buhay. Tapos pasusugudin ko sya sa isang laban na wala syang kagawa gawa? Di ko na kasalanan kung mamatay sya. Tanga na lang sya kasi hinayaan nyang mamatay sya e pinag-training ko naman sila.

Naglalaban na ang DH at DS at nanonood naman halos ang lahat. Halos...

Lumakad ako papunta doon sa isang lalaking abalang sumusuntok sa punching bag gamit ang kamao nya.

Well built na muscles at perfect fighting figure. Pwede na syang maging ka-sparing ko para naman mapakitaan ko ang mga underlings ko ng totoong malakas at intense na laban. Ayoko kasing puruhan ang isa man sa DH o DS ko. Mahalaga sila sa intense part ng laban namin sa Vipers.

"Hoy." Tawag ko sa atensyon nya.

Sinalo naman nya yung punching bag para tumigil ito sa pag-sway.

"Ako po?" Tanong nya at tinuro pa ang sarili nya.

"Ay hindi. Yung punching bag. Halika dito, punching bag. Go to hell." Sabi ko na para lang nagtatawag ng aso. "Malamang ikaw." Pamimilosopo ko.

"Bakit po, lead?" Sabi nya pagkalapit na pagkalapit nya sakin.

"Follow me." Simpleng utos ko at sumunod naman sya. Pumunta ako sa rink kung saan nagi-sparing ang D' Hell at Dark Stars.

"Umalis na kayo. Nakakasawa ang mga pagmumukha nyo sa pakikipaglaban. Lagi naman kayong handang lumaban kaya magpahinga na kayo." Utos ko.

Alam na nila kung nagbibiro ako o hindi dahil mas close ako sa kanila kumpara dun sa iba na iniwan muna ako bago ako balikan sa Gallery. Sila pa lang kasi ang masasabi kong tapat talaga sakin.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon