Chapter 59

6.2K 191 6
                                    

Keziah's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, agad akong tumalikod upang hindi ako masilaw at maayos na makamulat ngunit nakaramdam ako ng panandaliang kirot mula sa aking pribadong parte ng katawan. Napamulagat ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi.








May nangyari saamin ni Lucas...









Dahan dahan akong umupo at napagtanto kong ako ay nakahubad kaya agad kong binalot sa kumot ang aking katawan, dahil sa paghatak ko nito ay may napansin akong pulang mantsa sa kulay puting kumot. Tinignan ko itong maigi at napag isip isip ko na baka galing ito saakin. Namula ang aking mukha nang bumalik sa aking ala ala ang nangyari kagabi.










Ilang minuto akong tulala sa kawalan bago ko mapagpasyahang kumilos na. May napansin akong papel sa ibabaw ng lamesang katabi ng higaan may nakasulat doon kaya aking binasa.











Good morning my Queen. I'm sorry for not waking you up 'cause I know you need more rest. I know you're in pain so Lora is waiting outside the room to help you do your things. See you later. Lucas.












Malamang ay nakita nya yung dugo sa kumot kaya alam nya. Parang hindi ko tuloy alam kung pano ko sya haharapin mamaya, binabalot ako ng hiya.












Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay inalalayan ako ni Lora makaupo sa sofa ay may kumatok sa pinto, agad iyon nilapitan ni Lora at binuksan. Pumasok ang tatlong tagapagsilbi na may kanya kanyang dala na pagkain nagtaka ako kaya napatingin ako kay Lora.












"Hindi ka na po nakakain kagabi kaya inutusan ako ni Alpha na handaan ka agad ng maraming makakain."sabi nya. Napatingin ako sa mga ibinabang pagkain at tingin palang alam ko ng hindi ko iyon lahat mauubos.













"Napakadami nito Lora, hindi ko ito kayang ubusin lahat."natatawang reklamo ko dito. Umalis na ang mga tagapagsilbi, lumapit saakin si Lora ng may nakakalokong ngiti.












"Nako Luna, nais ata kayong patabain ng Alpha."sabi nito at mahinang tumawa. Maski ako ay napatawa dito at napailing.












"Tigilan mo ako sa pang aasar mo Lora, halika umupo ka dito at sabayan mo kong kumain."sabi ko. Nung una ay tumatanggi pa ito ngunit sa huli ay napilit ko din sya.











Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan kong lumabas ng palasyo upang bisitahin ang mga nasasakupan.









May mga araw na ganto ang aking ginagawa sa  maghapon bilang Luna, sinusuri ko ang bawat pasilidad kung maayos ba ang pagpapatakbo sa mga ito. Tumutulong din ako sa mga nangangailangan, sa gantong paraan ang nais ko para kahit papaano ay mabawasan ang pangamba nila sakin dahil iba ako sakanilang lahi.










"Luna, ako na po ang magbubuhat sa mga iyan baka ho mapagod kayo."napalingon ako sa biglang nagsalita, isang lalaki na siguro ay nasa 40 pataas na ang edad.











"Wag ho kayo mag alala, kaya ko naman ito."sabi ko. May kinarga kasi akong isang kahon na may laman na mga prutas. Nais ko sanang dalahin ito sa mga batang naglalaro sa maliit na parke dito.








Wala naman itong nagawa at pinagmasdan nalang akong maglakad palayo. Ako lang mag isa ang naglalakad dahil inutusan ko si Lora na kumuha ng maiinom ng mga bata at sinabing sa parke na lang kami magkita.










Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon