Chapter 45

9.6K 230 0
                                    

Keziah's POV

Hindi ako pinatulog kakaisip sa nangyari kagabi, kaya heto ako ngayon antok na antok at nanghihina.



Pero bakit ganon? Iba ang pakiramdam ko e. Nanghihina ang buo kong katawan na tila ba hindi ako nakakain sa isang buong araw. Parang may hinahanap ako na hindi ko malaman...


Bumukas ang pinto at pumasok si Lora.


"Binibini, ipinapatawag ka ng Luna."bakit kaya? Tumango ako at tatayo na sana nang makaramdam ako ng hilo kaya napaupo akong muli.






"Binibini!"lumapit saakin si Lora ng may pag aalala sakanyang mukha.

"Ayos lang ba kayo? Anong nararamdaman nyo?"tarantang tanong saakin nito.


"Ayos lang ako Lora, medyo nahilo lang ako."sagot ko naman at huminga ng malalim.

"Sigurado ba kayo jan binibini? Kanina ko pa pansin ang pamumutla mo, pwede nating ipatawag ang punong manggagamot."


"Hindi na kailangan Lora, ayos lang ako. Tara na."sinubukan ko ulit tumayo at hindi ko ipinakita sakanya ang panghihina ko.




Pinilit kong labanan ang panghihina nang magsimula naming tahakin ang pasilyo papunta kung nasan si Reyna Stella.





Binuksan ni Lora ang isang silid at pumasok ako, mag isa ang reyna doon at nang makita nya ako ay binigyan ako nito ng isang tipid na ngiti. Lumapit ito at inalalayan ako hanggang sa pag upo. Pumasok din si Lora ngunit nakatayo lang ito sa gilid.



"Bakit nyo po ako pinatawag kamahalan?"tanong ko. Hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay.



"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa Keziah, I can see a strong bond between you and my son. Ang pagtanggap mo nalang sakanya ang hinihintay."mahinahong sabi nya.




"The pack didn't believe that you are the next Luna... At nag aalala ako na baka dahil dito ay magkagulo sila, lalo na ngayon na pati ang ibang opisyales ay nakikisali sa diskusyon at hinaing ng iba."




"Kamahalan, pano ho ako makakatulong sainyo?"gusto kong tumulong... Lalo na, na saakin nanggagaling ang problema. Tumingin ito ng diretso sa mata ko.




"Magtatakda na ako ng araw kung kailan magiging opisyal na kayo ni Lucas sa buong sinasakupan... Patawad Keziah kung minamadali kita, pero iyon lang talaga ang naisip naming paraan para matigil sila. Dahil kung patatagalin pa natin ito ay baka lalong magkagulo."malungkot ang mukha ng reyna na parang wala talaga syang magawa.




"K-kailan po iyon magaganap?"tanong ko.




"Sa darating na linggo. Keziah... Pasensya na talaga."ika nito ngunit umiling ako, nakapagdesisyon na ako.





"Hindi nyo po kailangang humingi ng tawad kamahalan. Kung yun ang ikakatahimik ng lahat ay... Sumasang ayon ako."grabe ang kabog ng aking dibdib... Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa darating na pagdiriwang.






"T-talaga hija? Pumapayag ka?"hindi makapaniwalang tanong nito.



"Opo kamahalan, kung ito po ang makakabuti para sa lahat ay gagawin ko."sabi ko. Kahit na hindi ako sigurado sa kung anong mangyayari, siguro ang dapat ko nalang pagbasehan ay yung mga nabasa ko sa libro. Kailangan ng prinsipe ng katuwang... At ako ang itinakda sakanya.




"Kailangan na itong malaman ng lahat. Isang malaking anunsyo ito. Maiwan ko muna kayo... Hija, salamat."sabi ng reyna at niyakap ako ng mahigpit.




Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon