Chapter 41

10.7K 283 27
                                    

Stella's POV





I just finished talking to the pack at halos lahat ay nagmamatigas. Ilang oras ko din silang kinausap at pinahintulutan. Hindi ko naman sila masisisi, but I told them everything na napag-usapan sa pulong ng mga opisyal, they were in shock nang sabihin ko na ang gusto nilang ipapatay, ay ang susunod na magiging Luna, doon ay parang nahimasmasan ang iba so I promised that we'll make it out of this mess and pleaded to give Keziah a second chance to prove herself.





Umalis na din ako pagkatapos dahil pumunta din doon si Marcus para kausapin sila, gusto ko muna kasi itong layuan hindi dahil sa hindi ko na sya mahal... Kundi para matauhan ito. It's been 2 days na hindi ako tumatabi sakanya sa pagtulog and that's my punishment to him pero sa tingin ko ay hindi lang sya ang naparurusahan. I missed him so much.




Naglalakad na kami pabalik sa palasyo nang magsalita si Grace.




"Luna, kailangan na po ba naming maghanda para sa pagdiriwang na sinabi nyo?"tanong nito. Nasabi ko kasi kanina na magkakaroon ng pagdiriwang para batiin at kilalanin ang susunod na magiging Luna.




Naisip ko kasing doon muling simulan ang pagkilala nila kay Keziah, hindi bilang banta kundi bilang isang ganap na mahalagang babae sa buong palasyo. Ngunit sa tingin ko ay ilang araw pa bago mangyayari yon because she didn't accept the bond yet. Kailangan nya munang tanggapin iyon nang sa ganon ay makumbinsi ang lahat na bigyan sya ng panibagong pagkakataon.





"Ilang araw pa siguro bago mangyari iyon... Keziah is still in state of shock sa mga nangyayari."I said.




"Gusto nyo po bang kumbinsihin ko sya para matapos na ito?"





"No, don't do that. Hindi natin dapat ipilit sakanya ang lahat lalo na kung ang pamumuno ang pinag uusapan. Ang pagiging Luna ay hindi lamang para sa kung ano, kundi ito ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad na dapat tanggapin ng buong puso at walang pag aalinlangan."pahayag ko.




"Tama ho kayo Luna, pero mukhang hindi naman ho iyon magiging problema dahil mabuti at matulungin po si Keziah."saad ni Grace.





"Tama, siguradong magiging mabuting pinuno si Keziah."pagsasang ayon ko.






Nakarating din kami sa palasyo at unang sumalubong saakin sina Jade at Kathy.




"Kumusta naman ang pakikipag usap mo sakanila Luna?"may pagmamataas na boses ni Jade.





"Better than before."tipid kong saad at lalagpasan na sana sila namg magsalita muli ito.




"If I know napipilitan lang sila Luna."sabi nya.



Humarap ako dito ng may ngiti sa labi. "That's why I talked to them to sort out things hindi katulad nyo na walang ginawa kundi magreklamo pero hindi naman tumutulong." I said. Mukha namang nagulat sila sa sinabi ko.





"What did you say?"Kathy looks offended.






"You know what? Until now I really don't know why there's a councils like you. You both don't deserve a position."sa totoo lang talaga ay matagal na kong inis sa mga ito, hindi kasi ito maasahan sa mga ganitong sitwasyon.






"How dare you?! Hindi porket ikaw ang Luna ay may karapatan ka ng insultuhin kami!"hindi maipinta ang mga mukha nito.






"Lumalabas na ang tunay mong ugali. Nahawaan kana ba nung babaeng yon?!"Jade said. At pano naman nasama sa usapan si Keziah?






I heaved a sigh."Mas pinapatunayan nyo lang ngayon na wala kayong kwenta."I firmly said. I don't remember how they notched their positions, maybe because they used their money to gain more pack voters. I don't want to be rude but, that's the common trick para lang sila ang maboto.






"It was insensitive of you to say that!"saad ni Jade.

"You and your son have been bewitched by her. No wonder your protecting her."dugtong naman ni Kathy.







"What's happening here?"isang maotoridad na boses ang nagpatigil saamin at kahit hindi ko makita kung kanino galing iyon, ay kilala ko na agad ito.







"Alpha Marcus! Ininsulto kami ng husto ng Luna, sinabi nya pa na wala kaming kwenta."pagsusumbong ni Jade na akala mo ay aping api.




Malamig kong tinignan ang dalawang babae. "I did not insulted you, I just stating the fact."sabi ko.




"Don't act innocent Luna! We are the victim here Alpha, kahit itanong mo pa sa alipin nya."sabi ni Jade na kumapit pa sa braso ni Marcus. This woman is making me very angry.





Tumingin ng diretso saaking mata si Marcus at tinaasan ko lang ito ng kilay, ang mga kasama nito na sina Bernard ay nanatiling tahimik lamang.




"Forgive your Luna, she's not feeling well."mas lalo pa nitong pinainit ang ulo ko. I'm not feeling well? Ha! Jerk.






"Sige, magkampihan kayo. I really don't mind because I'm not feeling well right Marcus?"I said full of sarcasm and emphasized the word 'really'. I walked out since wala naman na akong mapapala kung ipagtatanggol ko pa ang sarili ko.








Nang makapasok ako sa kwartong tinutulugan ko ay agad akong naupo at huminga ng malalim.




"Ayos lang po ba kayo Luna?"tanong ni Grace at binigyan ako ng tubig, ininom ko naman iyon at inubos ang laman.





"You can rest Grace. Iwan mo muna ako."sabi ko dahil gusto ko talaga mapag isa. Mukha naman naintindihan ako nito dahil agad din itong lumabas. Sumandal ako sa sofa at pumikit, ilang minuto akong nanatili sa ganong pwesto nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.




Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman kung sino iyon. Ngunit sa amoy palang ay kilala ko na agad sya, saktong pagmulat ko ay nasa harapan ko na ang walang habas na pumasok sa kwarto ko.







"Wala ako sa mood makipagtalo sayo ngayon, diba nga I'm not feeling well? Get out."malamig na sabi ko at tumayo para humiga sa kama at magpahinga ngunit mag iisang hakbang pa lamang ako nang hilahin ako nito at niyakap.






"Hindi ko naman sila kinampihan, sinabi ko lang yun para tumigil na sila."Tsk. So he's guilty now.




"Lumabas kana dahil magpapahinga ako. Go, entertain them. Mukha namang nasisiyahan ka sa paghawak sayo ng babaeng yon."tinulak ko ito palayo ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap saakin at saka isinubsob ang mukha saaking leeg. I heard him chuckle.







Masaya pa talaga sya?






"I really love how you jealous my Luna."What? Ako? Bakit naman ako magseselos.





"I'm not jealous. Lumabas kana sabi."pumipiglas ako sa yakap nito ngunit imbes na bitawan ako ay pinangko nya ako atsaka inihiga sa kama, agad din naman itong humiga at muli akong niyakap.



"I'm tired too my Luna. Let's get some sleep."sabi nya at pumikit na. Dahil pagod ako ay ayoko na munang makipagtalo sakanya, mas lalo lang din akong mapapagod dahil sa katigasan ng ulo nito. Atsaka... Namiss ko yung ganitong posisyon namin sa pagtulog. Pero ngayon lang, pagbibigyan ko muna ang sinasabi ng puso ko. Pumikit na din ako at nahulog sa malalim na pagtulog.








Itutuloy...





Vote and comment!

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon