Chapter 51

10.1K 238 13
                                    

Keziah's POV

Masigla akong gumising kinaumagahan. Mamaya na... Hindi mawawala saakin na kabahan at nanlalamig ang aking mga palad.

Tila napakabilis ng oras at alas tres na ng hapon. Nagsimula na si Lora na ayusan ako nang dumating ang susuotin ko. Muli akong napatingin doon dahil talagang napakaganda non. Unang inayusan ni Lora ang mukha ko at sumunod ang buhok.

Inabot kami ng dalawa't kalahating oras bago sya matapos sa pag aayos saakin at masasabi kong napaka eksperto talaga nya pagdating sa bagay na yon.

"Napakaganda nyo binibini."nakangiting sabi nito.

"At dahil yun sayo."sabi ko naman sakanya kaya pareho kaming tumawa.

"Ano nga pala ang susuotin mo?"naalala ko kasi na wala pa syang susuotin. Umiwas naman ito ng tingin at nawala ang ngiti sakanyang labi.

"Pagkatapos ko pong ayusan ka ay sa kusina na ako pupunta. Isa po ako sa naatasan ni Ginang Jade para mag-supply ng pagkain sa piging kaya hindi ko na kailangan magbihis ng maganda."sabi nito na kinakunot ng noo ko.

Bakit sya pumapayag na utusan ng iba? Sa pagkakaalam ko ay kung sino ang pinagsisilbihan nito ay yun lamang ang may karapatan mag utos dito.

"Ngunit ako ang yong pinagsisilbihan diba? Ako lang ang may karapatang utusan ka."sabi ko.

"Binibini, si Ginang Jade po ang nagpasok saakin dito kaya malilintikan ako pag di ko sya sinunod."paliwanag nya. Pero kahit na.

May kumatok sa pinto at bumukas yon, pumasok doon ang isang napakagandang babae. Kundi pa ito ngumiti ay hindi ko ito makikilala.

"Marga.."halos pabulong na sabi ko.

"Isara mo yang bibig mo Keziah, baka may pumasok na langaw."natatawang sabi nito.

"Napakaganda mo Keziah. Tiyak na hindi ka pakakawalan ni Lucas nyan mamaya."pang aasar nito.

"Mukhang si Edward ang magiging ganon sayo."pagbabalik asar ko sakanya. Nagtawanan naman kami don. Pinasok din sa silid na pinag aayusan saakin ang damit na susuotin ni Marga. Inutusan daw kasi sya ni Lucas na siguraduhing walang didikit na lalaki saakin, inasar tuloy nila ako dahil don.

Maya maya ay may naisip akong ideya para ma-enjoy nya din ni Lora ang gabi nato, para sa lahat ang pagdiriwang dahil matagal mangyari ang ganitong okasyon. Sabi kasi saakin ng reyna na ang koronasyon ang pinakamalaking pagdiriwang na ginaganap sa palasyo.

Pinalabas ko muna sya at inutusang kumuha ng pagkain na kunware ay nagugutom na ako.

Agad ko naman kinausap si Marga at sinabi sakanya ang sinabi saakin ni Lora.

"Kahit na si Ginang Jade ang nagpasok sakanya dito sa palasyo ay wala na itong karapatan na utusan sya. Inatasan na sya ng Luna na maging tagapagsilbi mo."seryosong saad nito.

"Kaya nga gusto kong humingi ng payo sayo. Anong dapat kong gawin para maging maganda din ang gabi na ito sakanya?"panghihingi ko ng tulong.

May naisip na paraan si Marga. Inutusan nya ang kanyang tagapagsilbi na kunin din ang isang damit na pinili nya kahapon dahil yun ang ipapasuot nya kay Lora dahil magkasing katawan lang sila. Nung una hindi ako makapaniwala na pumayag sya sa gusto ko pero ngayon napagtanto ko na napakabuti nya rin.

Nang makabalik si Lora dala ang pagkain, hinila sya ni Marga na umupo sa harap ng salamin. Nagtaka sya ngunit di nagsalita, seryoso kasi si Marga kaya nilapitan ko sya at hinawakan sa balikat.

"Aayusan ka namin, ayokong makita kang pagod samantalang kami ay nagsasaya."nakangiti kong sabi, umiyak ito dahil don ngunit agad syang pinigilan ni Marga na kinatawa ko.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon